Kabanata 2

2 0 0
                                    

Kabanata 2

Akala ko

"O baka nand'yan ang sundo mo, Kyla. Puwede magpahatid na lang tayo doon?" si Hilary, halatang ayaw talaga sa presensya ko.

"Wala, doon lang kami sumabay sa pinsan ko kanina at wala ng magsusundo at hatid sa akin simula ngayon." paliwanag ko.

"Ohh, bakit? Hindi na mahigpit iyong Dad mo? O baka hiwalay na kayo ng lalaki mo-"

"Puwede ba, Hilary... Ang pathetic mo. Wala sa'yong ginawa ang isang 'yan at bakit masama ang turing mo? Kung puwede lang pagbotohin ngayon kung gusto ka namin sa grupo ay talagang walang kakampi sa'yo. Tita ni Jeoff ang may hawak sa atin, baka gusto mong maghanap na ngayon ng grupo?" sabi ng lalaking humablot kanina ng endorsement letter namin, si Troy.

Napairap na lang si Hilary sa akin at saka kami tinalikuran. Nagkibit ng balikat sila Jiro at Emerlyn sa akin at nginitian ako. Well, ayos na din pala kahit papaano dahil mukhang sa grupo namin ay si Hilary lang ang mahirap mapalagayan ng loob.

Si Jeoff ang sumuway kanina kay Hilary, dala niya ang sasakyan niya kaya sa kanya kami sumakay. Tatlumpung minuto mula school ang biyahe papunta sa siyudad sa kung saan nandoon ang hotel. Matagal na ako dito sa amin pero ni hindi ko alam na may ganitong hotel dito na mas kilala pa sa napupuntahan namin minsan nila Papa o kaya ng mga kamag-anak namin.

"Dito kayo maghintay..." sabi ng security na pinagtanungan namin.

Pagdating pa lang kanina ay malalaman mo na agad na high-end hotel ang isang ito. Naabutan pa nga namin ang iba't ibang turista galing sa ibang bansa na nagboo-book ng room. Napatingala ako sa isang malaking chandelier na nakikita ko lang noon sa mga movies, ang mga muwebles at malalaking painting din sa bawat tanggapan ay walang maipipintas. Hindi ko inaasahan na may contact ang school namin dito, I wonder kung may mga empleyado sila dito na graduate mula sa aming school. May posibilidad naman kung tutuusin.

"Sila iyong mga pinadala, Mrs. Abella."

Isang nasa late 40s na babae ang humarap sa amin. Tinignan ko agad ang nameplate sa kanyang kaliwang dibdib. Supervisor. Napatingin ako sa kanya na tinitignan na ang endorsement letter na binigay ni Hilary. Inisa-isa niya kaming tinignan saka tumango.

"Follow me..."

Sa boses pa lang ay parang nakakatakot na siya, istrikta. Well, may karapatan naman siya dahil supervisor siya ng hotel, at mukhang siya ang mangangalaga sa amin. At ikaw ba naman ang makapasok sa ganitong hotel na walang maipipintas, sa malamang ay ayaw nila ng mga empleyadong tatamad-tamad o pasaway. I hope makisama din ang mga grupo ko kung hindi ay damay-damay kami.

"Sit down..."

Pinapasok niya kami sa isang meeting room, may naabutan kami doon na empleyadong may nilalagay na folder sa bawat tapat ng mga uupuan namin. Nang matapos ay may inutos sa kanya si Mrs. Abella at umalis din ito.

"I am Evelyn Abella, Supervisor of MTVD Towers. We will have an orientation for today, it's a 2-day orientation actually. Bukas niyo malalaman kung saan kayo i-aassigned at ang araw kung kailan kayo magsisimula. For now, let me discussed about the rules and regulations of this hotel as an intern."

Sa unang buklat ko ng folder ay malaking font ng 'Monteverde' na agad ang bumungad sa akin. Napakunot noo ako na tila iniisip kung saan ko narinig ang apelyidong iyon. Napatagal ata ang pagtitig ko dahil naramdaman ko na ang pagsiko ni Ali sa akin na nakanguso kay Mrs. Abella. Mabilis kong inilipat ang pahina para basahin na din ang ipinapaliwanag niya.

Tatlong oras din ang tinagal ng orientation. Naglaan naman siya ng tatlumpung minuto para sa break time at hindi ko inaasahan na may libre kaming lunch. Mayaman nga talaga. Napag-usapan din ang magiging allowance namin, not too bad, may free meal din naman.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon