Kabanata 16

1 0 0
                                    

Kabanata 16

Tagapagmana

As I wave goodbye at him, sakto naman ang paglabas ni Kuya Kyle sa gate. Hindi agad ako nakabawi sa itsura kong nagulat kaya nang makita niya akong nakataas pa rin ang mga braso ay nagtataka niya akong pinagmamasdan at sa sasakyan ni Marcus na palayo na.

"Anreigh?" bulong niya, hindi pa rin sa akin nakatingin.

"Oo, Kuya..." may idudugtong pa sana ako ngunit saka naman lumabas si Papa.

"Nand'yan ka na pala, where have you been?" sambit niya habang inaayos ang kanyang tie.

Ngayon ko lang napansin na nakabihis sila, mukhang may dadaluhang party. Kuya Kyle looks more matured now because of his suit that he is wearing. Nagsusuot naman siya ng mga tuxedo noon pero ngayon ko lang napansin sa kanyang itsura na malaki na ang kanyang pinagbago.

"May dadaluhan lang kaming party, Kyla. Nasa restaurant pa ang Mama mo kaya doon ka na lang din kumain ng dinner dahil hindi na ako nagpahanda kay Manang Linda."

Pinatunog na ni Kuya Jimmy ang sasakyan. Lumapit si Papa at hinalikan na ako sa pisngi pagkatapos ay nagtungo na sa passenger seat. Lumapit din si Kuya. Akala ko ay hahalikan din ang aking pisngi at magpapaalam na ngunit napagtanto kong hindi iyon ang kanyang gagawin. Naglebel ang kanyang bibig sa aking tainga.

"Buti na lang at ako ang unang lumabas, kung 'di ay huli ka." natatawa niyang bulong. Humiwalay na siya saka ginulo ang aking buhok.

Umabot pa ng ilang araw ay hindi ko pa nasasabi sa mga pinsan ko ang gustong mangyari ni Marcus sa kanyang kaarawan. Hindi naman sa mahirap sabihin, hindi ko lang alam kung dapat nga bang sundin ko iyon. Natatakot ako na kapag nasabi ko iyon kay Papa ay biglang magbago ang pakikitungo niya sa akin, ipaglalapit niya pa kami ni Kristoff.

"Day off mo bukas, 'di ba? May nalaman akong magandang lugar. Well, nirecommend iyon ng pinsan ko dahil nakapunta na daw sila doon. Two hours lang ang biyahe kaya ayos lang kung ilang oras lang tayo mag-stay doon." sabi ni Kristoff sa akin habang nasa biyahe kami papuntang hotel.

Nang makarating siya dito galing Maynila ay ako na agad ang pinuntahan niya imbes iyong site kung saan siya nagtatrabaho. Kahit ayaw ko man, dahil nakakaabala ako sa kanyang trabaho, he always insist to pick me up para maihatid sa hotel. Ang akala ko ay pipigilan siya ni Papa noong araw na kasama namin si Kristoff na magbreakfast no'n, nagkamali ako dahil mukhang gusto niya pa ang ganito.

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin iyang si Kristoff, Kyla?!" halakhak ni Papa no'n.

Ngiti lang ang naibigay na reaksyon ni Kristoff. Inaasahan kong may masasabi siya, na itatanggi niya ngunit parang nagbigay pa siya ng kahulugan sa ngiti niyang iyon. Ayaw kong umasa siya, lalo na si Papa. Nagkatinginan lang kami ni Kuya Kyle no'n, napailing na lang ako.

"Saan ba 'yon? Hmm, may plano na kasi kami ng mga pinsan ko eh." sabi ko naman sa kanya habang diretso lang ang titig ko sa kalsada.

"Oh!" nahimigan ko sa kanyang boses ang pagkabigo kaya napalingon na ako sa kanya. "I invited the team para sana makapagrelax sila kahit papaano. Iyon sana iyong treat ko sa kanila for my birthday." pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinagat niya ang pang-ibabang labi.

Damn! Ano na ba month ngayon? August? Oo nga pala! Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Well, hindi ko nakakalimutan iyon noon dahil mahilig siyang magparinig sa akin noon. Lagi niyang isinisingit sa bawat araw ang mga tanong kung ano ang gagawin ko sa birthday niya, ano ang ireregalo ko sa kanya at anu-ano pa. Ngayon, halos mahiya na ako dahil sa totoo lang ay hindi ko natandaan ang araw ng kaarawan niya.

"K-Kung next off k-ko?"

"I have so many things to do after tomorrow. Isiningit ko lang din iyon dahil alam kong off mo. Mali ata ako ng timing." natatawa niyang sambit samantalang ako ay hindi naman makangiti.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon