Kabanata 5
Sundo
Expect the unexpected. Hindi ko naman akalain na mangyayari ito ngayon sa akin. Sa pagbalik ko sa staff room ay halos hindi maiproseso sa aking utak ang sinasabi Jiro. Basta ko na lang din nilagay ang damit na suot ko kanina at nagpunta na sa kitchen. Hindi pa nga ako masyado makapaglakad dahil sa nangyari kanina. Walang duda, nakita na niya ako!
"Kyla..."
"Bakit?" kabado kong sabi nang nilingon si Jiro.
Nagtataka niya akong pinagmasdan. "Ayos ka lang ba? Amg sabi ko ay samahan mo ako ngayon sa stockroom dahil may pinapainventory si Chef Ji sa atin."
Napakamot ako sa aking batok saka napatango na lamg sa kanya. Ngumiti na lang ako at hindi na sinagot pa ang kanyang tanong. Nilagpasan namin ang pintuan papuntang kitchen at tinahak ang pasilyo patungong hagdan mula sa itaas. Tahimik lamg akomg nakasunod sa kanya.
"Dapat daw ay kahapon pa natin ito ginawa kaso ay nakalimutan lang niyang sabihan tayo. Ngayon na sa atin pinagawa para daw hindi tayo masyado gabihin mamaya at umabot tayo sa oras ng out natin. Mukhang madami ang pinapainventory ngayon." paliwanag niya habang binubuksan ang isang metal na pintuan.
Binigay niya sa akin ang papel na may listahan ng bibilangin ko. Pinaubaya na niya sa akin ang madadali lang bilangin samantalang siya naman ay sa mga mahihirap na kailangan pa atang timbangin. Hindi ko alam na ganito ang mag-inventory, ang naiisip ko lang noon ay magbibilang ka lang tapos ay iyon na 'yon.
Pero lumilipad ang isip ko dahil sa eksena kanina sa elevator. Paulit-ulit kong binibilang angnnahahawakan ko ngunit nawawala din ako at bumabalik sa akin iyong pagkikita namin ni Marcus. Isang linggo pa lang akong nandito pero ganito na agad ako, paano pa kaya sa mga sumunod na araw? Hindi ako makakapagfocus ng maayos!
"Tapos ka na?" tanong ni Jiro nang balikan ako.
"Uhh..." sabay tingin ko sa papel na halos hindi pa ako nangangalahati gayong madali lang naman ang bibilangin ko. "Hindi pa eh..."
"What?" sabay tingin niya sa orasan na nasa taas ng pintuan na nakasabit. "Dalawang oras na tayo pero hindi ka pa tapos? Patapos na ako. Ang sabi ni Chef Ji ay magbreak time tayo kapag alas dose na. Akala ko naman ay matatapos natin ito agad."
"Sorry... Uhh, mauna ka na kaya muna. Saglit na lang 'to."
"Hindi sige, tulungan na lang kita d'yan mamaya kapag natapos na ako doon. O ako na lang kaya? Madali naman din bilangin ito." sabay tingin niya sa papel na binigay ko kanina.
"Sorry talaga, Jiro."
"Ayos lang, basta huwag kang ganyan sa harap nila Sir Fred o 'di kaya kay Chef Ji. Alam mo naman na isa sila sa mag-eevaluate sa atin."
Tumango na lang ako at hindi nakasagot. Kaya nang matapos kaming kumain ay siya na lang ang bumalik sa stockroom samantalang nasa kitchen na ako para tumulong. Kapag wala masyadong tao ay nagpapaturo ako sa isa mga Chef doon para sa tecniques sa pagluto. Nagtry na akong magflambé ngunit mas namamangha ako sa mga sanay ng ginagawa iyon.
"You really love your course, huh?" biglang tanong ni Chef Ricky.
"Hindi naman po masyado. I'm into baking."
"Eh 'di sana ay culinary ang kinuha mo instead of HRM. Kung sabagay, kung gusto mong machallenge pa ang sarili mo ay dapat sa pangmaramihan na gawain ang kunin mo. Ibig sabihin ay hindi ka din magtatagal dito? Iaassigned kayo sa iba?"
"Siguro nga po ay ganoon, Chef. Nagustuhan ko naman din po kahit papaano ang kurso ko kaya ayos na ito sa akin. Depende po ata sa performance kung mag-stay pa ng matagal dito bago iassigned sa iba."