Kabanata 27

2 0 0
                                    

Kabanata 27

Relief

"Sorry, Reese, Ali... Kailangan ko lang talaga siya ngayon. Hayaan niyo at tutulungan ko kayo sa thesis kapag natapos lang ang araw na 'to." Ani Marcus nang puntahan na nila kami sa parking area kasama ang pinsan kong si Denver.

"Naku... Ayos lang kung tototohanin mo nga ang sinabi mo!" halakhak pa ni Reese, siniko agad siya ni Ali.

"Huwag mo nang pansinin ang sinabi ni Reese, Anreigh. Ayos lang kung talagang importante nga iyang lakad niyo. Mukhang kaya naman namin ni Reese gawin iyong sa thesis namin." bumaling si Ali sa akin at ngumiti. "Isesend ko na lang sa email mo iyong magagawa namin para kung may mali pa ay ma-check mo."

"Sige... Pasensya na talaga, Ali. Babawi ako..." nahihiya kong sabi.

"Sus, hindi naman kailangan. Basta ba..." lumapit si Ali sa akin na tila may ibubulong. "Kwentuhan mo ako kung ano ang mangyayari ah?" sabay kindat niya pa sa akin.

Nagpaalam na kami sa kanilang dalawa. Inalok pa sila ni Marcus na sumabay na sana ngunit tumanggi na ang mga ito. Ang akala ko naman ay dala ni Denver ang sasakyan niya ngunit nang sumakay na siya sa passenger seat ay napagtanto kong magkasama silang dalawa para puntahan ako. Sinabi ba ni Kuya kay Denver kung saan ako pupunta ngayon? Hindi ko naman sinabi sa kanya kahapon na aalis ako.

"Wala kang pasok, Den?" tanong ko nang lingunin ko siya.

"Wala... At kung tatanungin mo ako kung paano namin nalaman na nandito ka... Sinabi ng Kuya mo sa akin. Sinabi rin niyang hindi ka pupunta..." natigilan siya nang makapasok na si Marcus sa driver seat. "So, pupunta ka na, huh? Bakit?" nahimigan ko ang panunuya sa kanyang tono.

"Wala pala akong damit..." iyon lang ang nasabi ko at hindi na pinansin ang tinanong ni Denver.

"May binili ako kaso nasa bahay... Sabay-sabay na tayo pumunta mamaya..." paputul-putol niyang sabi.

Narinig ko ang pagtawa ni Denver sa likod kaya nilingon ko na. "Ibang klase ka talaga, Anreigh. Paano pala kapag hindi mo napilit itong pinsan ko? Sayang lang ang pagbili mo ng damit sa kanya."

"Kahit ayaw niya o hindi ko siya mapilit, hindi ko siya titigilan. Kung hindi siya sasama, e 'di hindi na rin ako pupunta. Hindi ako magpapakita doon, gugugulin ko lang ang sarili ko sa pagkumbinsi sa kanya o ang kulitin siya." kibit balikat pa niyang saad.

They are talking some things kaso ay hindi ko na iyon maintindihan dahil sa aking mga iniisip ngayon. Ang alam nila Papa ay hindi ako sasama, paano na lang pala kung makita na nila ako doon? Paano din ang pamilya ni Marcus? Sila Ms. Olga? At ang iba pang Monteverde? Sabihin ko na lang kaya sa kanya na huwag na lang kami pumunta? Mas lalaki lang ang galit ng pinsan niya at ni Papa sa aming dalawa kapag nangyari nga iyon.

"What's your plan? Hindi ba ay mas nakakahiya kung sasabihin mo doon mismo ang sa inyo ni Kyla?" rinig kong tanong ni Denver.

"She knows how much I love Kyla... Sinabi ko na iyon sa kanya simula pa noong nag-usap ang mga pamilya namin about sa engagement naming dalawa. Pinaliwanag ko sa kanya iyon kaya hindi ko rin maintidihan kung bakit pumayag siya sa gusto ni Ate Olga."

"Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang mga Ferrer sa'yo? Sa pamilya mo?"

"Kakausapin ko sila... Nang ako lang." bumaling sa akin si Marcus at hinawakan ang aking kamay. "Kapag nakausap ko sila... Ang pamilya mo naman ang kakausapin ko, Kym."

"Naku! Maghanda ka sa mga sasabihin sa'yo ni Tito Raymond!" natatawang sabi ng pinsan ko.

"Matagal na akong handa, Den... At wala na siguro akong pakialam kung ano man ang masasakit na sasabihin niya." sabi niya at binaling muli ang tingin sa kalsada.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon