Kabanata 29

1 0 0
                                    

Kabanata 29

My Everything

"Can we talk, hijo?" tanong ni Papa nang matapos kami sa pagkain.

"S-Sige po..." nilingon ako ni Marcus at agad na tumayo.

Kadarating lang din ni Kuya Kyle galing trabaho kaya wala siyang ideya kung ano ang nangyari kanina. Nagtataka siyang pinagmasdan ako samantalang nagkibit balikat lang ako sa kanya. Sinundan ko ng tingin si Papa at si Marcus na papunta sa study room.

"Anong mayroon? Okay na si Anreigh kay Papa?"

"Nakapagmano nga sa kanya kanina eh..." singit naman ni Mama habang pinaghahandaan niya si Kuya ng plato.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin, bahagya naman akong napatawa. Hindi ko naman masabing tanggap niya na nga si Marcus dahil lang sa nangyari kanina. Mas mabuting malaman ko mula sa bibig ni Papa na pinapayagan na niya ang relasyon namin. Pero kahit ganoon ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Mama's right, mapapagod din si Papa sa inaasal naming dalawa.

Tumagal ng ilang oras ang pag-uusap nila. Ako na lang ang naghihintay sa kanila na matapos dahil si Kuya at Mama ay parehong nasa kani-kanilang kuwarto na. Hindi ko maintindihan ang pinapanood ko dahil abala ako sa kakalingon sa study room, kinakabahan kung ano na ang ginagawa nila. Napatayo agad ako nang makita ang paglabas ni Papa galing doon, nakasunod sa kanya si Marcus.

"Gising ka pa pala..." bungad agad ni Papa, kalmado.

Napanguso ako at agad na lumapit kay Marcus. "Bakit ang tagal niyo mag-usap, Pa? Kinumbinsi mo na naman ba siya na layuan ako?"

Halakhak ang tangi niyang binigay sa akin. Nilingon ko si Marcus at tila napangiti rin. What? Tinapik ni Papa ang balikat ko at agad na nagpaalam para makapahinga na rin. Bago pa man kami lagpasan ay tinapik rin niya ang balikat ni Marcus.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko habang hinahatid siya palabas ng gate.

"Can we talk about that tomorrow? Pagod na ako, Kym..." pagod niyang sambit sabay akbay sa akin.

Oo nga naman at anong oras na din. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang aking baywang at siniil ako ng halik sa aking labi. Sa takot at gulat ay agad ko siyang tinulak. Lumingon agad ako sa bahay namin dahil pakiramdam ko'y may mga matang nakamasid sa amin.

"What the hell, Marcus?" suway ko kaagad sa kanya.

Kahit pagod ay nagawa niya pang humalakhak. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Hinarang ko na agad ang aking kanang kamay, baka sakaling halikan niya ako ulit. Natatawa niya akong pinagmasdan at niyakap na lamang ako.

"Paano kapag nakita ka ni Papa? Bawas points 'yan sa kanya." sabi ko habang yakap niya pa rin ako.

"I am just happy, I'm sorry. Hindi ko lang mapigilang halikan ka gayong nakikita kitang kumikislap sa paningin ko." natatawa niyang sabi.

"Ang corny mo!" sabi ko na rin na natatawa.

"Now... Ang gusto ko ay isama ka bukas para makausap ang pamilya ko. Alam kong gusto ka na ni Lolo at Lola pero gusto ko ay pormal iyon na malaman nila. Kasama ang mga kapatid ko at ang step mother ko, Kyla." bumitiw sa pagkakayakap at seryoso niya akong tinitigan.

"Paano sila Ms. Olga? I want to talk to Hyacinth too-"

"Bakit pa? Ang pamilya ko ang mahalaga-"

"Pamilya mo ang Tito Agustin mo. Pinsan mo si Ms. Olga, na kailanman ay hindi ako nagustuhan. Ngayon pa't hindi maganda ang nangyari sa pagitan mo at ni Hyacinth. I want to talk to them, Marcus..."

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon