Kabanata 17
No
Sinundan ako ni Marcus ng tingin mula sa pinanggalingan ko hanggang sa lamesa namin. Wala na ang upuan sa tabi nila Jai at Devon, ang natatanging bakante na lang ay pinagigitnaan nina Marcus at Denver. Pansin ko ang pagngisi ng aking pinsan habang papalapit ako sa kanya. Wala sa sarili akong napairap sa kawalan.
"So, ano? Ikaw ang mag-iinvite sa kanila, Kym?" tanong bigla ni Denver sa akin.
"Let her eat first, Den." irap ni Aila sa kanya, nginitian ako nang bumaling siya sa akin.
"Baka... bukas. It's sunday so..." kibit balikat ko.
"Ayos lang ba talaga iyon, Anreigh? What if ayaw ni Tito? At baka magtanong pa sila Papa pati ang mga Tito at Tita namin na bakit pati sila ay imbitado." sabat naman ni Jai.
"You're so slow, Jai! Meet the family, syempre! It's time to get along of our family with his, sila na ni Kyla. He just wan it to be legal, 'di ba dude?" ngisi naman ng kanyang kambal.
"The hell, Jed? Ni hindi pa nga sila nakakapag-usap ng maayos-"
"Kapag nasabi na iyon ni Kym sa family niyo, kakausapin ko si Tito Raymond." putol niya sa sasabihin ni Devon.
"At ano naman ang sasabihin mo? Paano kung puro insulto na naman ang sabihin ni Papa? I should be there when the both of you talked!" agaran kong sambit.
"Still concern, huh?" natatawang sabi ni Denver.
"Eversince naman, Den..." sabat ng kanyang kapatid.
Nagtawanan pa ang mga pinsan ko pati ang dalawa naming kasama. Hindi man lang nagbago ang reaksyon ni Marcus, nakatitig lang siya sa akin na tila tinatantya kung ano pa ang masasabi ko. Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi ng magkapatid kong pinsan, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay sakto naman ang pagdating ni Lance, kasama si Kuya Bruce at ang iba pang kabanda. Hindi ako pamilyar sa pangalan nila, sa itsura lang dahil minsan ko lang din sila napanood pero ang makausap ay minsan lang. Hindi naman din ako mahilig sa mga banda.
I am busy drinking my mango juice while watching them talking to one another. Si Jed ay kinakausap si Lance habang lumilinga-linga sa paligid, nakisama na si Denver sa kanilang dalawa at nagtawanan pa ang mga ito. Devon is just silent, abala lang sa pagtipa sa kanyang cellphone. Ni hindi man lang pinapansin ang isang kasama ni Lance kanina na kumakausap sa kanya.
"What are your errands for tomorrow? I heard Kristoff will be in somewhere with his team. Kasama ka?" bulong sa akin bigla ni Marcus.
"N-No... May lakad din kami ng mga pinsan ko, nakaplano na 'yon kaya sinabi kong hindi ako makakasama." saad ko nang hindi siya tinitingnan.
"Kung sakali palang libre ka ay sasama ka, gano'n?" nahimigan ko sa kanya ang pagpipigil na mapataas ang boses kaya nilingon ko siya na kunut ang aking noo.
"Ano naman 'yon sa'yo?"
"What?"
"You are so cold to me earlier tapos bigla mo akong kakausapin? Hindi na kita maintindihan, sa totoo lang. Kung abala ka at napipilitan ka lang na nandito ay sana pinakiusapan mo na lang si Denver since he's your bestfriend. He will understand if you're busy. I don't mind what business that you have, kaya sana ganoon ka din sa'kin."
Kahit madilim ay napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Kumuyom ang kaliwang kamay niya na nasa lamesa. Umawang ang kanyang labi na tila may sasabihin ngunit hindi na niya iyon natuloy nang irapan ko na siya.
"Mauna na ako, Dev..." sabi ko nang matapos kong inumin ang juice. Lahat sila'y napatingin sa akin.
"What? Magsisimula pa lang kaming tumugtog, Kym!" si Lance.