Kabanata 14

1 0 0
                                    

Kabanata 14

Jealous

"Mauna na din po ako at kailangan na ako sa ospital." sabi ni Hyacinth nang makababa na si Marcus pagkatapos niyang maglinis at magpalit ng damit.

"Ihatid mo si Hyacinth, apo." Ani Lolo Nito at binalingan na din ang babae. "Salamat ulit sa mga gamot at vitamins, hija."

"Wala po iyon, hindi naman na po kayo iba sa akin. Sige po, Lo, La..."

Iginiya ni Marcus si Hyacinth sa labas, sumunod naman sa kanila si Lolo Nito ngunit nakatayo lang iyon sa may pintuan. Si Lola Lucing naman ay abala sa inihahandang pagkain para kila Lolo na din siguro iyon. Pinaupo na niya ako sa may dining area para doon na din ako kumain. Hindi ko na din nakain iyong hinanda ng isang matanda sa akin dahil parang nawalan ako ng gana kanina.

"Kamusta, hija? Pasensya ka na talaga kanina..."

"A-Ayos lang, La. S-Sana pala ay nagsabi muna din ako kay Marcus kung pupunta ho ako dito, binigla niya din po kasi ako."

"Ganoon ba? Panay kasi ang tanong ko sa kanya kung kailan ka puwede, hindi ko naman inaasahan na ngayon ka pala niya dadalhin. Nagbago ang itsura mo, gumanda ka lalo..." humagikhik pa si Lola Lucing at pinagmasdan ang aking mukha. "M-May boyfriend ka na ba?"

"Naku, wala po!" agaran kong sagot na agad ko naman pinagsisihan.

Naging malaki ang ngisi niya. Tila may sasabihin pa siya sa akin ngunit hindi niya iyon natuloy nang pumasok na muli si Lolo Nito kasama si Marcus. Agad siyang tumabi sa akin, pansin ko ang pagbaling ni Lolo sa amin kaya agad naman akong napatuwid sa pagkakaupo.

"Hindi ka pa kumakain ng tanghalian 'di ba? May pagkain pa d'yan, gusto mong kumain?" Ani Marcus at akma nang tatayo ngunit napigilan ko na.

"Ayos na ito sa akin at nawala na din naman iyong gutom ko kanina."

"Kumain na kayo dito, Berting! Nasaan na ba ang asawa mo?" rinig kong sabi ni Lola na palabas ng bahay.

"Sana pala hindi mo na lang ako dinala ngayon dito, may ginagawa ata kayo." bulong ko kay Marcus na nagsisimula na ding kumain ng meryenda.

"Naayos na din kasi nila Berting at Lolo iyon kahapon kaso nagkaproblema kaninang umaga ata kaya ganoon. Hindi naman kita dadalhin dito kung abala ako hindi ba?"

"May bisita ka din kanina... Sana hindi talaga ako pumunta ngayon." halos bulong iyon. Ni hindi din ako makatingin sa kanya ng diretso.

Ramdam ko ang paglagay niya ng braso sa sandalan ng aking inuupuan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napabaling ako kay Lolo Nito na kanina lamang ay nasa gilid ni Marcus ngunit biglang nawala. Ngayon ay kaming dalawa na lang ang naiwan. Mas lalo tuloy mahahalata ang pagkabalisa ko.

"Hindi ko din alam na pupunta si Hyacinth, Kym... Ikaw lang talaga ang plano ko ngayong araw na libre ako." nahimigan ko sa kanyang boses ang pagkamangha. Nilingon ko siya at nadatnan na nakangiti.

"Hindi ako magpapagabi dahil baka hanapin ako sa bahay-"

"Mag-aalas tres pa lang at huwag mo iyon alalahanin. Okay? Can we just talk some things instead of this one? Parang gusto mo na atang umuwi ngayon." natatawa niyang sambit.

"It's too awkward here, Marcus. You know... about sa nangyari noon. I want to talk to them kaso wrong timing naman ngayon-"

"Puwede bang ako muna? Hindi ko din alam na abala sila Lola at Lolo ngayon kaya siguro sa ibang araw mo na lang sila kausapin?"

Naningkit na ang aking mga mata sa kanya. "Ano naman ang pag-uusapan natin? Wala akong maisip kaya ikaw na lang ang magsalita ng magsalita d'yan." iritado ko nang sambit.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon