Kabanata 6

0 0 0
                                    

Kabanata 6

Wait

"Are you okay?" tanong ni Kristoff nang mapansin niya ang pagkakatahimik ko.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "A-Ayos lang ako. Pagod lang siguro..." at iniwas ko muli ang aking tingin.

Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin. Dumiretso siya sa restaurant nila Mama at Tita. Hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin gayong alam niyang pagod ako. Buong akala ko na iuuwi na niya ako agad.

"What are we doing here?" tanong ko sa kanya nang nagtataka ko siyang binalingan.

"I'm sorry," tipid siyang ngumiti. "Your father asked me a favor to fetch you. Nand'yan din ang mga Tito at Tita mo and I don't why. Pati ako ay pinapunta niya. Sasabihin ko na sana sa'yo kanina kaya lang ay pansin kong malalim ang iniisip mo."

Nilibot ko ang paligid at napansin nga ang mga sasakyan ng mga pinsan ko pati ng mga Tito at Tita ko. Nang makapasok na sa loob ay napansin ko agad ang matalim na titig ni Denver sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at naisipan na lang na abalahin ang sarili sa pagmano sa mga magulang ko at sa mga Tito at Tita ko. Naabutan ko silang nag-uusap about business. Iniwan ko na sila at pumunta sa mga pinsan ko.

"Kakain ka?" tanong ni Kristoff sa akin nang hinila niya ang upuan na uupuan ko sa tabi ni Jai.

"Hmm, light meal lang. Magpapahinga na din naman ako pag-uwi."

Tumango siya at umupo na din sa tabi ko. Lumapit si Patty, ang isa sa mga waitress, kay Kristoff at sinabi sa kanya ang order namin. Ang mga pinsan kong lalaki ay umiinom ng beer. Hindi naman kami usual na kumakain dito kaya laking pagtataka ko kung bakit nandito nga sila lahat.

"Natagalan ka ata, Kym. Buti pinasundo ka na ni Tito Raymond." si Lou.

Ngumiti lang ako at uminom ng tubig. Nag-uusap sila sa kung saan pero hindi ko iyon maintindihan. Para bang sarado na ang isip ko para intindihin pa ang mga pinagsasabi nila, gusto ko na lang umuwi para makapagpahinga. Napalingon ako nang sikuhin ako ni Jai.

"Magpaalam ka na bukas ah?"

Kunut noo ko siyang pinagmasdan. "Bakit? Anong mayroon?"

Napabuga bigla ng tubig si Devon at kunut noo ding pinagmamasdan ako. Maski ang mga pinsan ko ay nagtataka akong pinagmasdan. Si Jed lang ang nakapagsalita sa kanila, tila natatawa pa.

"Ouch, Kym! Birthday namin ni Jai bukas!"

"Hindi ko inaasahan iyon, Kym. Talagang nakalimutan mo?" biglang tanong ni Lance.

"Uhh," Gosh! Oo nga! "S-Sorry... K-Kaya ba kayo n-nandito?"

Tumango si Jai. "Dito gaganapin ang party namin tutal ay kaya naman ito para sa iaccommodate ang maraming bisita namin. Hindi mo alam? Pinag-uusapan lang natin iyon sa GC noong nakaraan."

"She's busy. Mukha naman oh..." singit ni Denver. Nilingon ko siya at naabutan ang pag-irap sa akin.

"H-Hindi ko pa alam kung papayagan ako, Jai. Fixed na iyong schedule na binibigay sa amin-"

"Hindi ka ba puwede magpaalam? Sabihin ay importante para makapag-off ka bukas!" si Devon.

"I'll try. Itetext ko iyong Manager namin sa restuarant..." pero may malaking posibilidad talaga na hindi ako papayagan.

Kinaumagahan ay aasahan ko na ang reply sa akin ng Manager namin kaya tinext ko kaagad si Jai na hindi nga ako pinayagan na makapag-off. Ayos lang daw iyon at humabol na lang ako. I felt sorry for her and Jed. Nakalimutan ko iyon. Sa mga iniisip ko dahil kay Marcus ay nakalimutan ko pa ang bagay na iyon. I'm so stupid.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon