Kabanata 23

2 0 0
                                    

Kabanata 23

Sorry

"What happened?"

"Just drive, Den. I want to go home." kalmado kong sabi.

"Pero magkikita kayo ni Anreigh-"

"Hindi na... He's busy." bumaling ako sa kanya ngunit agad ring iniwas ang tingin. I don't want him to see me teary eyed. "Iuwi mo na ako."

"Did you text him, already?"

"No need. He's busy, Den." ulit ko.

I turned off my phone. I don't want to talk to anyone now. Papalapit sa bahay ay nagring ang phone ni Denver na nasa dashboard. Bumagal ang pagpapatakbo niya at kinuha iyon. Nilahad niya iyon sa akin, I saw his friend's name on the screen. Hindi ko iyon kinuha.

"Ano ba ang nangyari?"

"Salamat sa paghatid. Pero may isang bagay lang akong gusto mong sabihin sa kanya, Den." hinarap ko siya bago ako bumaba sa sasakyan. "Huwag mong sabihin na sinundan natin siya. Iyon lang ang gusto ko, Den."

Hindi siya sumagot. Alam kong nagdadalawang isip siya ngayon. Noon, tinutulungan niya na kami na magkaayos ng kanyang kaibigan kapag may problema kami. Nakaugalian na niyang ipagbati kami pero ngayon... Sana ay pumayag siya sa gusto ko. Ayaw ko muna silang makausap.

"Can you tell me first what you saw on that restaurant, Kyla? Isasarili mo na naman ba iyang pinag-iisip mo?"

"Please, Den... I'm tired now and let's talk some other time."

Diretso kong tinahak ang aking kuwarto. Hindi na ako nakaramdam ng gutom at ang gusto ko lang ay magpahinga. Since gusto kong magkaroon ng kaunting positive thoughts, nagjog ako sa buong subdivision namin. Alas singko ako ng umaga nagising at nagulat pa si Manang Lisa nang makita ako. Mga dalawang oras ko rin ginawa iyon bago ko naramdaman ang pagkapagod.

"Totoo nga pala ang sinabi ni Manang... Anong nakain mo?" panunuyang tanong ni Kuya Kyle. Ngumiti lamang ako sa kanya.

Bago pa man ako magjogging ay sinabihan ko na si Manang Lisa na maghanda na agad ng almusal. Naisip kong maaga pumasok para iwasan ang kung sino man. Hindi ko na hinintay sila Mama, Papa at Kuya na sabayan ako sa pagkain. Sakto sa pagbaba nila ay umakyat na ako para makaligo.

"Mauna na ako, Pa..." paalam ko sa kanila.

"Hindi mo na ba hihintayin si Kristoff? Magpahatid ka kay Jimmy-"

"Hindi na, Ma. Ako na lang ho..."

"Ang aga mo ngayon, nagbago na ba ulit ang schedule mo?" maingat na tanong ni Kuya. Tila naninimbang din sa aking reaksyon.

"Nope. I just want to be early before my shift starts. M-May... gagawin lang din kami ni Ali at papunta na rin siya ngayon doon, actually."

"Okay, then. Ingat, huh?"

Nagcommute na ako papasok. Kahit papaano ay naalis ang mga iniisip ko simula pa kagabi. Dala ko ang aking laptop at inabala ang sarili sa pag-aayos ng thesis namin. In-encode ko ang mga result sa ginawa naming survey. We have to go back in school para mai-check na rin ito ng professor namin sa feasibility. Para pagdating ng second semester ay kaunti na lang ang aasikasuhin namin.

"Ang aga mo ah..." bungad ni Jeoff sa akin, kasama si Hilary.

"Oo eh."

"Buti pa kayo ay may pag-usad d'yan... Halos nagsisimula pa lang kami sa survey questions." dagdag pa niya.

"Narinig mo na ba ang bakita, Kyla? May girlfriend na raw si Anreigh ah. Akala ko tuloy kayo, hindi pala..." she said out of nowhere.

Hindi ako lumingon sa kanya at nagtipa lang ako. Nagkibit balikat lamang ako at hindi na sumagot sa panunuya niya. Alam ko na 'yon... Baka nga gusto niya pang sabihin sa akin na ipinagkasundo na silang dalawa kaso ay hindi niya lang magawa iyon. Alam kong iuungkat niya iyon kapag kami lang dalawa.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon