Kabanata 30

2 0 0
                                    

Kabanata 30

Dream

"Sasabay ka na ba sa'kin, Kym?" tanong ni Kuya nang makababa na ako galing kuwarto. Sasagot na sana ako ngunit naunahan na ako ni Papa.

"Dadaan si Marcus dito para ihatid si Kyla, Kyle. Mauna ka na at susunod rin ako... Mahuhuli lang ako ng kaunti." saad ni Papa nang hindi ako tinitingnan.

Sa mga araw ba naman na pagpunta ni Marcus sa bahay, ang pakikipag-usap sa kanya ni Mama at Papa ay magtataka pa ba ako? Na pati sa pagsama niya sa akin sa school para makapag-enrol ay alam ni Papa?

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Marcus. Dumidiretso na siya kila Mama at Papa bago sa akin. Well, hinahayaan ko naman siya tutal ay maayos na rin naman si Marcus sa mga magulang ko.

"Pagkatapos siguro ng trabaho ay saka kami pupunta sa inyo, hijo..." rinig kong sabi ni Papa habang papalabas na kami ng bahay. Katabi niya si Mama.

"Bakit, Pa?" takang tanong ko.

"Kakausapin ko ang Lolo at Lola ni Marcus. Sa tagal ba naman ng panahon ay kailangan kong humingi ng tawad..." hinarap niya si Marcus, "Nakakahiya man, pasensya na at napatagal ang gagawin kong ito na dapat ay noon pa."

"Wala po iyon, Sir... Kaysa naman hindi na humingi ng tawad."

"Ano ba ang gusto ng Lolo at Lola mo? Para naman makapagluto ako. Nakakahiya't kami na nga ang pupunta, maaabala pa namin sila."

"Ayos lang po, Ma'm... Sinabi ko naman po sa kanila kagabi na pupunta kayo. Nandoon din po iyong mag-asawang caretaker ng bahay namin para tumulong."

Medyo natagalan pa kami bago umalis dahil sa pag-uusap nila na hindi ko naman alam. Wala nga akong ideya sa planong ito, alam kong makikipag-usap si Papa ngunit hindi ko naman inaasahan na mamaya na pala at doon pa mismo sa kanilang bahay. Kasabay lang din namin sila Papa umalis, ngunit nang maghiwalay na kami ng landas ay saka lang ako kinausap ni Marcus.

"Hindi mo alam?" tanong niya, na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

Umiling lang ako bilang sagot. Sa gilid ng aking paningin ay kita ko ang bawat sulyap niya sa akin. Nang makaramdam ako na magsasalita siya ay saka naman ang pagtunog ng cellphone ko. Napatingin ako saglit sa kanya bago sagutin ang tawag.

"Kristoff..." nag-iwas ako ng tingin nang mapasulyap sa akin si Marcus.

"Kamusta?" maligaya niyang sambit.

"Ayos lang... Ikaw? Napatawag ka..."

"I just want to call you. Miss na kita." halakhak niya pa. "May flight kami pa-America ni Mom, ikakasal lang iyong pinsan ko, pinaalam ko lang dahil baka hanapin mo ako bigla."

"Sira..." bahagya akong napangiti.

"Sinabi mo ba sa mga pinsan mo na magkasama tayo?" malakas na saad ni Marcus.

Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat. Hindi ko alam kung bakit tinakpan ko ng aking kamay ang cellphone na nasa tainga ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong galit siya. Sinadya niya ata na lakasan ang boses niya para malaman ng kausap ko na magkasama kami.

"Oops, sorry... Are you with Anreigh now?" nahihiya na niyang sabi.

"Uhh, oo... Can I call you later, instead? Pupunta akong school at sasamahan niya ako." bulong ko naman.

"Sure, sure... Mamayang 9 pm pa naman ang flight namin kaya makakapag-usap pa tayo. I'm sorry to disturb you, pakiramdam ko tuloy galit siya ngayon sa akin." tawa niya pa. "Anyway, bye for now. I'll ca you later before our flight."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon