Kabanata 12
Thrice
"Ayos ka lang? Ano ang sabi? Suspended ka?" sunud-sunod na tanong ni Ali sa akin nang nasa staff room na ako at nag-aayos ng sarili.
"Hindi ko alam, Ali. Wala naman siyang sinabi na iba, kinausap lang niya ako dahil sa nangyari kanina." sabi ko nang hindi siya nililingon.
Napalingon ako nang lumabas si Mrs. Abella galing sa opisina ng Manager namin. "May I talk to you, Ms. Sevilla?" tanong niya.
"Sige po, Ma'm..." sagot ko at napayuko.
Narinig ko ang buntong hininga ng Manager namin kaya napaangat muli ako ng tingin. Wala na doon si Mrs. Abella sa aking harap, malamang ay sa opisina niya kami mag-uusap. Lumapit ang Manager at tinapik ang aking balikat.
"We'll talk tomorrow, Kyla..."
Napatango lang ako at iniwan na kami ni Ali sa staff room, 'di kalaunan ay umalis na siya para bumalik sa kanyang puwesto. She just want to assure that I'm okay. Parang gusto ko na lang tuloy sumuko, na pakiramdam ko ay hindi magiging maayos ang pagtatrabaho ko kung ganito ang mga nangyayari. Bantay sarado na ang pagkilos ko, hindi na ako iyong ordinaryong tao sa paningin nila. Is it my fault? Tadhana nga ata siguro ang may kasalanan, siya ang nagdala sa akin dito.
"Regarding sa nangyari, Ms. Kyla... Sana ay hindi na iyon maulit." bungad ni Mrs. Abella nang makaupo ako sa silyang nasa harap ng kanyang lamesa.
"Pasensya na ho talaga, Ma'm... Sa pagsagot ko sa guest kanina, at sa inyo... Kahit nasa tama ako ay alam kong mali pa din ang sinabi ko. Pasensya na..."
"Naiintindihan kita. Nag-alala lang ako na baka hindi iyon totoo, mas mapapahiya ka pa at ang buong hotel kung nagkaganoon. Nasa harap pa natin si Ms. Olga... Hindi mabuting sabihin ang mga bagay kagaya no'n."
"Alam ko po, Ma'm... Pasensya na po talaga." nakayuko ako at nahihiyang humarap sa kanya.
"Kailangan kitang suspendehin ng tatlong araw. Ayaw ko man ngunit kailangan, iyon ang nakasaad sa waver ninyo. Kahit mali ang guest kanina, sa itinrato mo ay kailangan kong gawin iyon... Pasensya na, Ms. Kyla."
Tulala akong nagsusulat sa logbook. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Manong sa akin. Lutang ako sa mga nangyari. Ganito ata siguro ako palagi simula ngayon. Huwag naman sana. Napatalon ako nang may bumusina galing sa kung saan, malakas iyon kaya mapapaisip akong malapit lang iyon sa akin. And there, I saw Marcus got out on his car. Seryoso ang mga titig. iya sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan lang siya. Nakapamulsa ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pants. Hindi siya naglakad para salubungin ako bagkus ay parehas lang din kami nakatitig sa isa't isa.
Should I fight for him? Gayong malaki ang galit ng pinsan niya sa akin. Sa Papa ko. May kaakibat na kondisyon na naman para mapatahimik ang buhay ko, hindi ko nga lang alam kung kaya kong gawin iyon gayong kay Papa, na ako naman ang nagsabing layuan si Marcus, ay hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil mahal ko siya, hindi ko kaya dahil alam kong hindi niya din kaya na magkahiwalay kami.
Paano pa kaya kung malaman ng mga pamilya namin na nagkikita pa kami? Paano kung malaman ng pinsan niya at ni Papa na mahal pa namin ang isa't isa? Paano kapag nalaman ni Marcus ang kagustuhan nito na lumayo ako sa kanya? Paano kapag nalaman ni Papa ang lihim na pagkikita namin? Babalik ba siya ulit sa dati? Magiging mahigpit kaya siya? Gagawa ba siya ng paraan para makaalis ako dito? Parang iyon pa ang gusto kong mangyari sa ngayon.
"W-What's wrong?"
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Akma niyang hahawakan ang magkabila kong siko ngunit lihim kong iniwas ang mga iyon. Napangiti ako para hindi niya mahalata na may iniisip akong mga bagay na alam kong aayawan niya. Dahil sa pag-amin niya sa akin, alam kong gagawa siya ng paraan para matanggap ako ng pamilya niya, at matanggap siya ng Papa ko.