Kabanata 8
Familiar
"Hindi ba ako namamalik mata kahapon, Kym? Si Anreigh iyong nakita ko." bulong ni Jiro sa akin nang magkita kami kinabukasan.
"Totoo, Kym? Nandito talaga siya kahapon? Sayang! I want to see and talk to him!" si Ali.
"S-Siya nga..." bumaling naman ako kay Ali. "At totoo iyon..."
"Nakita ko na siya last week. Akala ko nga ay guni-guni ko lang nang makita siyang naglalakad dito sa hotel. Hindi na ako nagulat nang makita ko siya kahapon... na kasama ka?" patanong sambit ni Jeoff sa akin.
"Is it true... that he is a Monteverde?" nag-aalangan ng tanong ni Jiro. Saan niya nakuha ang balitang 'yan?
Napalingon si Ali at Jeoff sa akin na tila hinihintay ang pagsagot ko ngunit sakto naman ang pagtawag ni Sir Fred sa dalawa kaya agad na silang lumabas. Nag-iwas ako ng tingin kay Jiro saka siya tinalikuran. Hindi ko kayang sabihin, ayaw kong sabihin, actually.
"Dito magla-lunch si Mr. Monteverde kasama ang pamilya niya. Magpareserve ka ng seat at ang gusto ay malapit sa glass window." rinig kong utos ng isang receptionist.
Family means sila Lolo Nito at Lola Lucing? Hindi na ako mapakali at iyon lang ang nasa isip ko hanggang sa magtanghalian na. Sumakto naman na break time namin kaya nasa loob lang kami ng staff room. I want to see them gayong matagal na kaming hindi nakakapag-usap lalo na't wala silang narinig sa akin nang mangyari iyong ginawa ni Papa sa kanila.
"Anong oras ba ang dating? Wala pa sila..." rinig kong sabi ni Greg.
"Ang sabi ay nasa unit na, iniisip kong nagpapahatid na lang ng pagkain o bababa dito." sagot naman sa kanya ng receptionist.
Natapos na ang break time namin ngunit wala pa nga si Marcus. Maski ako ay naghihintay para lang masilayan sila Lolo Nito at Lola Lucing sa malayo. Napalingon muli ako nang makita si Sir Fred na nagkukumahog na lumapit kay Marcus. Nakita ko ang paggiya niya sa kanya kasama ang isang matangkad na baba na mukhang nasa late 40s. Nakasunod naman ang isang lalaki na teenager at isang babae na mas bata, inaalalayan nila sila Lolo Nito at Lola Lucing.
"Oh my gosh..." rinig kong bulong ni Ali sa aking tabi.
Dumiretso na ako sa kitchen at ginawa ang dapat na gawin. Sapat lang naman sa akin na makita sila Lolo at Lola na maayos. Kung tutuusin nga ay mas lalong umaliwalas ang kanilang mukha hindi tulad noon na trabaho lang ang iniintindi. Kung sabagay ay nagbago na ang pamumuhay nila dahil sa Monteverde na si Marcus. Na sa wakas ay may pamilya siya bukod sa mga magulang ng Mama niya.
Hindi pamilyar sa akin ang iba pa nilang kasama, siguro ay pamilya na din ito ng biological father niya. Nakakatuwang isipin na tinanggap siya ng mga ito. Hindi ko pa nga lang alam kung anak siya ng Papa niya sa pagkabinata dahil imposible naman na magmahal ang Mama niya sa may asawa na.
Kung ganoon pala ay hindi hinanap ng Papa niya ang Mama ni Marcus? Kaya nagpasya na lamang siyang magmahal muli at kalimutan silang mag-ina? Alam naman ba nito na may anak sila? Tila kulang pa ang mga sinabi niya sa akin, kasalanan ko din naman dahil hindi ako nagtanong. But then, I gave him a chance to explain. Hindi ko lang inaasahan na iyong sa pag-alis lang niya ang pag-uusapan namin at kay Kristoff.
Nang makapag-out ay tiningnan ko kaagad ang cellphone ko at nakita ang dalawang missed calls galing kay Kristoff. Wala namang mensahe galing sa kanya. Kaya binalewala ko na lang muna iyon at nagpalit muna ng damit.
"Sama ka sa amin, Kyla! May bar palang malapit dito, nag-aaya si Troy!" aya ni Jeoff nang magsabay na kaming apat sa paglabas ng restaurant.
"Naku! Baka sunduin ulit 'tong si Kym kaya imposibleng makasama siya." sagot na agad ni Ali.