Kabanata 22

2 0 0
                                    

Kabanata 22

Liar

"Kailan ba ang tapos ng internship mo, Kyla?" tanong ni Papa nang magkasabay-sabay kaming kumain ng almusal.

Isang linggo na ang lumipas noong araw na namasyal kami ni Marcus kasama ang mga pinsan ko. Naging normal ang takbo ng araw sa akin nang pumasok ako kinabukasan no'n sa hotel. Gaya ng dati ay si Kristoff ang naghahatid sa akin at siya rin ang sumusundo. Kasa-kasama ko lang siya kahapon with his family in a dinner. Bumisita lang ang Dad niya to check Kristoff's project na tapos na.

"Sa November pa po. Tingin ko nama'y pagkasimula ng second semester ay tapos na po iyon. Depende pa rin naman po..."

Tumango tango lang si Papa. " Nga pala, magdidinner tayo with Kristoff's family this coming Friday. Siya naman ang sumusundo sa'yo, 'di ba?"

"Bakit po, Pa? Biglaan naman ata iyang dinner." tanong ni Kuya Kyle sabay baling sa akin.

Nagiibit balikat lang si Papa at uminom ng tubig. Seryoso ang titig ni Kuya kay Papa kaya nagtataka na akong pinagmasdan siya. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi lang niya ipinapagpatuloy. Para bang wala na akong alam sa ginagawa nila dahil sa sobrang abala. Ganoon ba siguro kapag hindi na talaga estudyante? I don't like it.

"May sinasabi ba si Krostoff sa'yo these past few days, Kym?" tanong ni Kuya nang puntahan niya ako sa kuwarto.

"Wala naman... Tungkol naman saan?"

"Kagabi? Ang family niya, wala naman bang sinabi sa'yo?" dagdag niya pa. Umiling lamang ako.

"Seriously, Kuya... Ano ba ang mayroon? Para bang may kung ano ang nasa isip mo. C'mon, tell me what is it..." I asked but then he just smiled at me.

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko? You really think that I have something in my mind?"

Hindi ako makasagot. Ni wala nga akong ideya. Natawa siya nang makita niya ang reaksyon ko. Ginulo niya ang buhok ko at agad nang umalis. Gusto lang talaga niya akong asarin. Pagbaba ay naabutan ko si Papa at Kristoff na nag-uusap. Napatingin si Kuya sa akin at biglang napangisi.

"Iyan na pala si Kyla..." si Papa, nakatingin na rin sa akin.

"Mauna na ako, Pa." paalam ni Kuya, pumunta siya ng kusina para makapagpaalam na rin kay Mama.

Iyon na rin ang ginawa ko. Sa lagi naming biyahe ni Kristoff ay pinipili kong maging tahimik. Well, hindi katulad niya na tipong buong araw na gagawin niya'y sasabihin sa akin. I don't want him to think that I am not interested. Ilan lang di. ang mga tanong ko sa mga gagawin niya o 'di kaya'y sa tapos nilang project.

"So, are you on a vacation now?"

"Yeah," tango pa niya. "Kaya pumunta na rin sila Mom at Dad dito. My brothers are busy kaya hindi na nila naisipan pang sumama."

Pagkatapos no'n ay tahimik na ulit ako. Wala na rin ako maidagdag. Siguro ay naramdaman niya rin ang pagkatahimik ko kaya hindi na rin siya nag-ungkat pa ng kahit anong topic. Nagpaalam na ako kaagad nang makababa ako ss kanyang sasakyan. Late na rin ako kaya nagmadali na rin ako. Patakbo kong tinahak ang front desk na kung nasaan nandoon na rin si Ali. Bahagya akong napatigil nang makita kung sino ang kausap niya. Si Mara.

"Kyla!" tawag sa akin ni Ali nang makita ako. Napalingon si Mara sa akin, nakangiti.

"Kamusta na?" bungad niya sa akin nang makalapit na ako.

"A-Ayos lang, ikaw?" hilaw akong napangiti. Hindi pa rin makabawi sa reaksyon kong pagkabigla dahil sa presensya niya.

Matagal na iyong huling kita ko sa kanya. It was Marcus' birthday. What is she doing here? Bakasyon na ba nila? Intern rin ba siya katulad namin? Nagbakasyon lang ba siya ngayon? Kailan pa siya nandito?

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon