Kabanata 7
Still
Saka ko lang napagtanto na nasa basement ares na kami kung saan din ang parking area. Sa paglabas niya ay napatigil siya nang hindi ako sumunod sa kanya. Hinila niya pa ako ngunit nagmatigas lang ako.
"May duty ako. What are we doing here?!"
Ngunit sa nipis ba naman ng katawan ko laban sa matipuno niyang katawan ay natalo ako sa pagkakahila niya. Tagumpay niya akong nailabas sa elevator at dumiretso sa kung saang tumunog na sasakyan. He knows how to drive now, huh?
"Ako na ang bahala doon. I'll explain everything to Mr. Fred..." paliwanag niya at binuksan ang pinto sa front seat.
Matalim ko siyang tinignan. "And you think I am okay with that? Ayaw kong mag-isip si Sir Fred ng kung ano. Ni ayaw ko ngang malaman ng iba na magkakilala tayo! Ni ayaw ko nga na makita ka ng mga schoolmates natin na kasama ko din dito! Wala akong gana makinig sa mga sasabihin mo kaya babalik na ako!"
Tatalikuran ko na siya ngunit nahila lang din niya ako pabalik. Kahit pabalibag ang pagpasok niya sa akin sa kanyang sasakyan ay nag-ingat naman siya kahit papaano doon. Sinara niya ang pinto sa aking tabi at matalim lang ang aking titig habang umiikot siya papunta sa driver seat. Iniwas ko na ang mga mata ko sa kanya nang makapasok siya.
"Take this day as your off. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya and I will assure you that he won't ask you anything."
"It's still not appropriate to drag me like that. We're at the public place at may kausap ako. I know him since I was in grade school tapos ganoon na lang ang ginawa mo? Paano pa kaya kung maraming tao that time? Makita ako ng ibang empleyado? May tatlong empleyadong nakakita sa akin, tingin mo ay hindi tayo pag-usapan?" naiirita kong saad nang hindi siya tinitignan.
"I told you... Kung hindi niya ginawa iyon kanina sa'yo ay tahimik lang kitang pagmamasdan sa malayo, Kym. But he did it again! Nakapagpigil lang ako the first time I saw you two. You didn't know how painful it was when I saw that, ruffling your hair! That was my move tapos makikita ko in front of my face?!"
"Bakit may gana kang magganyan gayong wala ka naman dapat pakialam sa akin? Stop being jealous. You're my ex now." kalmado kong sabi.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hinintay ko pa kung may maisasagot siya sa sinabi ko ngunit wala na akong iba pang narinig. Natahimik na lang ako hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. I didn't have my things dahil nasa locker ko na iyon bago ako lumabas. Ang tanging dala ko lang ay mga paperbag na bigay ni Kuya Bruce.
Lumiko siya sa pamilyar na lugar sa akin. Saan kami pupunta? Sa sementeryo? Sa burol? O sa bahay nila na may iba na ang may-ari? Tumigil ang sasakyan sa tapat ng tinitirikan ng bahay nila noon. Bumaba siya ng walang pasabi kaya napababa na lang din ako. Laking gulat ko nang sumalubong sa kanya ang caretaker na kumausap sa akin noon. What the hell?
"Magandang tanghali, Sir! Hindi kayo nagpasabi na dadaan kayo ngayon, sana ay naghanda ako ng tanghalian!" bati ni Manong saka ako nilingon. "Oh, hija..."
Nagtatakang lumingon sa akin si Marcus. Pabalik-balik ang mga titig niya sa amin ni Manong. Maski ang caretaker niya ay ganoon din ang ginagawa sa amin naman ni Marcus. Buti na lamang ay nagsalita si Manong para makapasok sa loob at tignan muli ang bahay. Sa kanila pa pala ang lupang ito kung ganoon?
Naisipan kong naupo na lang sa duyan na nasa labas. Inaya niya akong pumasok sa loob ngunit tumanggi na ako. Nag-iwas ako ng tingin nang tumagal ang pagtitig niya sa akin, tila napagod na siya sa kakasuyo kaya hinayaan na lang ako sa aking gusto.
Kinausap niya ang caretaker tungkol sa bahay. Hindi pala siya madalas na nandito kaya buti na lang din ay nasaktuhan niya si Marcus. Nagtanong din si Marcus tungkol sa palayan ng Lolo at Lola niya. Maayos naman ang pag-aani at ang iba pa nilang pananim. Nabawi nila ang lupa? O bumili sila ng bago? Hindi ko pa siya natatanong kung nasaan na sila Lola Lucing. I missed them, seriously.
