Kabanata 15
All
"How's your vacation?" bungad sa akin ni Ali nang magkita kami. "Usap-usapan ka dito noong wala ka... Lalo na 'yang si Hilary."
"Alam niya iyong nangyari?" bulong ko.
"Oo, may ka-close siyang mga lalaki doon sa housekeeping staff. Sus! Ang landi talaga... Pinagkalat niya pa na magkakilala kayo ni Anreigh. Nagkita sila kinabukasan nang mangyari iyong sa gulo doon sa 14th."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Bakit hindi niya agad sinabi iyon sa akin pagkatapos niyang malaman iyon? At hindi din sinabi ni Marcus ang tungkol doon gayong dalawang araw na kami nagkita. Baka kung ano ang sinabi sa kanya ni Hilary na hindi naman totoo. Baka gumawa lang siya ng kuwento dahil alam ko kung gaano niya kagusto si Marcus base sa kuwento ni Jeoff.
"Nalaman niya na suspendido ka 'no? Nakita ko siyang lumabas ng office ni Mrs. Abella noong isang araw eh. Baka nagtanong kasi wala siyang naabutan na anino mo dito." hagikhik pa niya.
"H-Hindi siya pumunta kay Ms. Olga?"
"Hindi... Wala naman siya dahil pumunta ng Maynila. May inaasikaso kaya baka si Marcus ulit iyong titingin sa hotel ngayon..."
Kaya siguro napupuntahan ako ni Marcus nitong mga nakaraan. I am expecting Ms. Olga's call or text if she find out that we are seeing each other. Buti na nga lang din siguro ay hindi ako pinapasundan ni Ms. Olga. O baka hindi lang siya makasugod sa akin ngayon dahil nasa Maynila siya? Once na bumalik siya dito ay aasahan ko nang kakausapin niya ako. Kung sakaling malaman nga niyang nagkikita kami ng pinsan niya.
"Naku, baka dadalas ang pagpunta ni Anreigh dito kung gano'n..." nanunuyang sambit ni Ali sa akin. Nakuha niya pa akong sikuhin.
"Abala iyon-"
"Oh!" natatawa na niya akong binalingan. Napatahimik kami nang nilingon din kami ng mga kasama namin sa receptionist area. "You already know how busy he is, huh? Ano? Kayo na ba ulit?"
"No... He's my cousin's friend. Sinasabi lang naman ni Denver ang mga ginagawa ni Ma- Anreigh sa akin 'no. Kilala mo naman iyon..."
I should tell her some lies para hindi na din malaman ng iba na nagkikita o nagkakausap kami. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, gusto ko lang manigurado ngayon pa't ganyan ang inaasal niya sa akin, na parang kinikilig nang banggitin ko lang na abala si Anreigh.
Tila nanibago ang katawan ko kahit tatlong araw lang ako nawala. Ang dali ko na agad mangalay sa pagkakatayo, minsan pa'y parang ang bigat din ng katawan ko. Hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga napag-usapan namin ni Marcus habang nasa sementeryo kami.
Hindi naging madali sa kanya ang pagtira doon sa Maynila gayong sanay siya sa lugar na probinsya. Hindi din nakapag-adjust agad sila Lolo Nito at Lola Lucing dahil sanay silang magtrabaho. Puro pahinga at pamamasyal lang ang nagawa ng dalawang matanda nitong nawala sila dito.
"Buti mabait ang Lolo mo..."
"Hmm, I don't know... Parang napilitan lang din niyang kunin ako." sabay kibit balikat niya.
"Bakit naman? You are the son of his son, ibig sabihin ba'y hindi tinanggap ng Lolo mo ang Mama mo noon pa lang?"
Halos magsisi ako nang tanungin ko siya tungkol doon. Napansin ko ang biglang pagbago niya ng reaksyon. Hindi ko na iyon mabawi dahil 'di rin nagtagal ay ngumiti siya at ginulo ang aking buhok.
"Aalis ka ba ulit dito kapag natapos na iyong tinatrabaho mo with Kristoff's team?" pagbabago ko ng topc namin.
"Siguro... Kasama ako doon sa team no'ng kaibigan ni Tito Agustin. Ngayon lang ako tumanggap ng sarili kong kliyente dahil gusto niya akong matutong mag-isa na ngayon."