Kabanata 13

1 0 0
                                    

Kabanata 13

Competition

When I look at him, tila naging magaan ang pakiramdam ko. Nawala ang mga pangambang iniisip ko. Ngayon lang ata ako ulit nakahinga ng maluwag. Hindi dahil sa mga halik niya, kung hindi ay sa mga salitang binitawan niya. Iyon lang din siguro ang nagpapakalma sa akin.

"You look so happy," si Kuya.

Nakasandal siya sa pintuan ng aking kuwarto at humalukipkip. Naabutan niyang nangingiti ako habang nagtatanggal ng hikaw. Unti-unti ko namang winala ang pagngiti, siya naman ang paghalakhak niya ng marahan. He look so happy, too. Anong mayroon?

"Kamusta?" lumapit siya sa aking kama at umupo doon. "So... Nagkikita na pala kayo, huh? Kaya ka siguro masaya ngayon dahil... sa kanya?"

"Hindi ah..."

"Oh c'mon... I know you, Kym. And it's okay, as long as I am seeing you that happy, I'm relieve. Sa kanya ka lang talaga sumasaya, huh? Akala ko ay binibiro lang ako nila Jai kapag siya ang pinag-uusapan namin noon."

Kinagat ko na ang aking labi, hindi ko na din mapigilan ang hindi mapangiti. "Sasabihin mo ba kay Papa?"

"Bakit naman? Eh 'di balik ka na naman sa dati? Na hindi makausap?" ginulo niya ang buhok ko, "Hindi ko sasabihin, I'll wait for him to explain everything to Papa... Kung talagang gusto ka nga niya base sa mga sinasabi ng mga pinsan natin."

"H-Hindi ka naniniwala?"

"Hindi naman sa hindi naniniwala... Hindi lang ako makapaniwala na may magmamahal sa'yo ng sobra. Though noon napapansin ko lang si Bryle na nagkakagusto sa'yo, even Kristoff... Pero si Anreigh? There's something about him. Na kahit sa nangyari noon na ginawa ni Papa sa kanya ay nand'yan pa din siya para sa'yo..."

"I want to talk to Papa after my internship... Ayaw ko na umasa siya na magkakaroon pa ang sa amin ni Kristoff. But I don't want to hurt Kristoff's feelings... Siya din ang kasakasama ko noon, Kuya."

"Utang na loob mo na lang ba ang pagsama sa kanya ngayon?"

Siguro ay ganoon nga? Dahil naging mabuti na din ang pamilya niya sa akin, mahirap ngang sabihin sa kanila na talagang wala silang maaasahan sa amin ni Kristoff. Natatakot lang ako dahil baka kung ano ang maaaring gawin niya gayong alam niyang nagkikita na kami ni Marcus. Iyon ngang sa party ay nag-inom siya, paano pa kaya ngayon?

Iyon lang ang nasa isip ko at hindi ko na din namalayan na nakatulugan ko na ang pag-iisip. Ginising ako ni Manang Linda ngunit naalala kong suspended ako ng tatlong araw. Sayang tuloy ang naconsume na oras, 24 hours din iyon!

"Wala ka bang pasok?" tanong ni Mama nang makababa na ako para mag-almusal. Alas nuwebe na ng umaga.

"W-Wala po... Aasikasuhin ko po iyong thesis namin ng mga kagrupo ko ngayon."

"Pupunta sila dito?" tanong pa niya. "O siya, kumain ka muna at pupunta muna ako doon sa kaibigan ni Konsehal Melchor at may pinapasuyo. Kung aalis ka ay sabihin mo sa akin para ipauwi ko dito si Jimmy." Humalik pa siya sa aking pisngi at umalis na.

Well, kahit hindi na siya naglilingkod sa nasasakupan niya ngayon ay nagiging takbuhan pa din siya ng iilan, lalo na iyong mga taong tumutulong sa kanya simula't sapul. Minsan pa nga'y pumupunta siya sa mga outreach programs na hanggang ngayon ay pinagpapatuloy pa niya. Ang akala ko nga'y magiging abala si Mama sa business na pinatayo niya, kasosyo ang tatlo ko pang Tita ngunit hindi pala. Mas nangingibabaw pa din sa kanya ang pagtulong.

Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo na ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kaya nagpasya na lang akong pumunta sa restaurant para tumulong since wala si Mama. Wala naman akong kopya ng thesis namin at hindi pa kami nakakausad dahil sa abala nga kami lahat sa internship. Buti na nga lang din ay kagrupo ko sila Ali at Reese kasama ang pinsan kong si Lou. Hindi na kami mahihirapan.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon