Kabanata 18
Powerful
"Sorry, hijo... I forgot!" rinig kong sabi ni Papa habang humahalakhak.
Pababa na ako para kumain na ng almusal. Nadatnan ko si Kristoff na kausap ni Papa sa living area. Nang magtama ang aming paningin ay agad siyang tumayo at ngumiti sa akin. Nilingon na din ako ni Papa, halata pa ang ngiti niya dahil sa huling pinag-usapan nila ni Kristoff ngunit nang makita ako ay unti-unti iyon nawala.
"Hindi mo sinabi na inimbita ka ni Kristoff kahapon, Kyla. Sana ay sumama ka na lang at isinama ang mga pinsan mo sa Bagac." bungad ni Papa sa akin.
"Sinabi ko na po sa kanya na ayos lang. Kasalanan ko din naman po at hindi ko siya sinabihan agad dahil gusto ko siyang surpresahin, nga lang ay may plano na sila ng mga pinsan niya." sagot agad ni Kris.
"Kahit na, hijo. It was your birthday, sa sobrang abala ko din ay nakalimutan ko iyon. Invite your family, magpaplano ako para sa pagpunta ulit natin doon sa Bagac." nahimigan ko ang pagkagalak sa tono ni Papa nang sabihin niya iyon.
Hilaw na napangiti si Kristoff sa akin ngunit hindi ko alam kung susuklian ko iyon. Dumiretso na kami sa dining area para kumain nang bumaba na si Mama kasunod si Kuya Kyle. Tahimik lang akong nakikinig habang pinag-uusapan ni Papa at Kristoff ang naging pagpunta niya sa Bagac kasama ang kanyang team. Isinisingit ako ni Papa ngunit tango at ngiti lang ang aking sagot. Naging interesado rin si Kuya Kyle at si Mama though nakapunta na kami doon ng isang beses kasama ang mga Tito, Tita at mga pinsan ko.
"Maganda doon kapag gabi, sana ay nagpalipas kayo kahit isang oras." sabi ni Kuya.
"Hindi na namin iyon nahintay dahil kailangan na din namin magpahinga. Marami kaming aasikasuhin ngayon kaya nagmamadali na din kami."
"Kailan ba matatapos ang project niyo? You should take a long vacation after you finished that project. Sumama ka sa amin at isama mo ang pamilya mo." nakangiting sabi ni Papa.
"Sige po, Tito..." nakangiti ring saad ni Kristoff.
Since nandito si Kris ay hinayaan na ako ni Papa na siya ang maghatid sa akin. Kung wala siya ay si Kuya Jimmy ang gagawa no'n. I guess, balik na naman ako sa dati. Bantay sarado. Hinayaan ko na lang din ang gusto ni Papa, kahit ayaw ko dahil ayaw kong maabala si Kristoff ay wala na din akong nagawa. Mag-iinsist lang din siyang ihatid ako.
"How's your bonding with your cousins yesterday?" tanong niya nang nasa biyahe na kami.
Sa gulat ay hindi pa ako agad nakasagot. Naghanap pa ako ng salita kahit simpleng tanong lang naman niya iyon. Hindi ko rin inaasahan na kakamustahin niya ang ginawa ko kahapon, ni hindi ko nga siya nabati dahil sa abala ako kasama ang mga pinsan ko. Nakaramdam ako bigla ng hiya.
"A-Ayos lang naman... Happy birthday pala. Sorry, late." naiilang akong napangiti sa kanya.
He pouted his lips. I don't know if he's just hiding his smile or what. Maya-maya'y nagpakawala siya ng malalim na paghinga at sumilay na rin ang ngiti sa kanyang labi.
"Thank you. Atleast nabati mo ako." natatawa na niyang sabi.
"Uhh, gusto mo magdinner mamaya? Punta tayo sa resto? You know, pambawi ko lang."
"If you are asking me to be your date later then I will say yes to that." halakhak niya. "I'll pick you up, just text me when you are done."
"Okay." nakangiti kong sabi.
Pagdating sa hotel ay dumiretso na agad ako sa staff room. Pansin ko ang pagtingin ng iilang staff sa akin. Nang nilingon ko naman sila ay agad silang umiwas at nag-uunahang umalis sa loob ng staff room. Napakibit balikat na lamang ako.