Kabanata 10

1 0 0
                                    

Kabanata 10

Confused

"She seems preoccupied last night. Ni hindi niya ako masagot ang mga tanong ko... She look so sad, hindi na ako nagtanong kung ano amg nangyari." rinig kong sabi ni Kristoff nang nakababa ako galing sa aking kuwarto.

"Hindi na din kasi kami nakakapag-usap dahil sa late na din ako nakakauwi. Hindi ko din alam kung nakakausap niya ang mga pinsan namin. Anyway, I'll try to talk to her later. Don't worry," sabi naman ni Kuya Kyle.

Nagpakita na ako sa kanila at pareho silang napatingin sa akin. Hilaw na napangiti si Kristoff samantalang si Kuya Kyle ay seryoso ang mga titig sa akin. Umiwas aklnh mapag-usapan ang nangyari sa akin kagabi. Alam ko na kahit wala dito si Kuya noong nangyari ang issue sa amin ni Marcus, sa malamang ay naikuwento na sa kanya iyon ng mga pinsan ko. Hindi lang niya ako tinatanong ng diretso pero ramdam ko ang pagkaconcern niya noon sa akin nang makabalik siya dito.

"Hindi na kita nasusundo dahil sa maagang uwi mo na, ni hindi na din tayo nakakapagdinner ng sabay." natatawang sabi ni Kristoff habang hinahatid ako sa hotel.

"Eh 'di bumawi ka na lang sa day-off ko. Hindi pa naman iyon nagbabago..." sagot ko habang nakangiti. I have to act as if nothing happened last night, sanay na ako d'yan.

"Anyway, nabigla ako nang imbitahin ako ni Denver sa party niya bukas. Hindi ko pa alam kung makakapunta ako, but I'll try. It's the first time that he invited me, personally."

"Really?" hindi din ako makapaniwala.

I'll ask him if Kristoff's telling the truth. Maski ako ay nabigla nang sinabi niya iyon. In every family occasions, ni hindi pinapansin ni Denver si Kristoff. Para bang hangin lang ang presensya ng kaibigan ko sa kanya. It's weird for me, why he suddenly invite Kristoff.

"Text me if you're done. Late ka na nakauwi kagabi, kaya kapag nangyari ulit iyon mamaya ay sabihan mo lang ako. I'll fetch you, okay?" paalala niya bago ako bumaba sa kanyang sasakyan.

Dumiretso na ako sa staff room para makapagpalit ng uniform. Limang minuto na lang kasi at mahuhuli ako sa pag-in sa biometrics. Pumunta na ako sa receptionist area at naabutan na doon si Wyn, ang isang employee dito, na may kausap sa telepono.

"Okay, Ma'm..." ilang sandali ay may pinindot muli siya at naghintay ng ilang segundo. "Hello, good morning! Nagpapahouse keeping iyong sa 19th, room 1905... Opo... Okay po, thank you!"

"Excuse me, nasaan ang kapalit ko, Wyn?" tanong ko sa kanya nang hindi na siya abala.

"May pinuntahan lang, doon ata kay Mrs. Abella, kasama din iyong kapalit ko. Si Marvin ba napansin mo doon sa staff room?" umiling ako. "Kasabay ko iyon mag-in, baka nandoon din sa office ni Mrs. Abella."

My day went smooth. Minsan na lang din kami magkita ng mga kasama ko, mostly ay si Jiro ang sumasabay sa akin sa pagkain ng lunch, while Jeoff is with his 'new found friends', again. I decided to text Kristoff, kahit hindi naman kailangan. I have to go to the mall para makabili ng regalo kay Denver, wala pa nga lang akong ideya kung ano.

"Kung kailan naman inimbita ako ng pinsan mo sa party niya ay hindi naman ako puwede. Ang galing din ng timing ni Denver..." sabi ni Ali sa akin habang nag-aayos ako ng aking sarili.

"Hayaan mo, next year ay makakasama ka na!" natatawa kong saad.

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng hotel. Wala sa sarili akong napalingon sa paligid, nagbabaka sakali na sumulpot muli si Marcus. But I know in myself, na imposible na iyon mangyari dahil sa nangyari kahapon. Alam kong desidido na siyang hindi ako guluhin, na abalahin na lang ang sarili niya sa trabaho. Kailan kaya matatapos ang trabaho niya dito? Pagkatapos niya ay uuwi na siguro siya ng Maynila.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon