Kabanata 11
Mistake
"Hindi talaga ako makapaniwalang makikita ko si Anreigh ngayon. Ang laki ng pinagbago niya, huh? And totoo iyon? Monteverde na siya?" tanong ni Jai nang maiwan kaming naghihintay sa labas ng hotel.
Si Lance at Marcus na ang naghatid kay Kristoff samantalang nagpasya kami ni Jai na maiwan na lang tutal ay kaya naman nilang dalawa iyon. Sinabi niya sa akin ang mga sinabi sa kanila ni Marcus kanina. Nagulat pa siya nang malaman niyang kamag-anak ni Marcus si Mara at iyong babae na naabutan namin sa bahay nila noon.
"Grabe! Ang lakas kaya makateleserye ang tagpong ganito. At nagkikita na pala kayo, huh? Pati si Denver ay alam ang tungkol dito. Nakakatampo dahil hindi ka man lang nagsabi sa akin na ganito na pala ang nangyayari. Really? Parang hindi ako naging parte ng pagdadrama mo noon kay Anreigh."
"Hindi ko lang alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, sa totoo lang. Ang mahalaga lang sa akin ay matapos ko nag tahimik ang internship ko doon. Na walang makakaalam na magkakilala kami pero siya pa itong gumagawa ng paraan para malaman ng mga nandoon na kilala namin ang isa't isa. Though, kilala siya ng mga kasama ko... Pero iyong turing niya sa akin, iyon ang ayaw ko."
"Saang parte ba ang ayaw mo? Iyon bang kumikilos siya na parang walang nangyari? Na gusto niya muking bumalik ka sa kanya? Hindi ka ba natutuwa? He's single, and he looks like a successful man now. Kahit isa't kalahating taon lamg amg nakalipas."
"It's not what you think, Jai. Iba siya... noong una kaming nagkita."
Napatuwid ako sa pagkakatayo nang makita si Marcus at si Lance na papalabas ng hotel. Nakatingin sila sa amin habang papalapit sila. May ibinulong ang pinsan ko dahilan ng pagngiti ni Marcus. Napailing ang pinsan ko saka inakbayan ang katabi.
"Ikaw na ba ang magdadrive, Anreigh?" tanong ni Lance at inilahad ang susi.
Umiling siya at akma ng binuksan ang pinto sa passenger seat. "Dito ako sa likod, mahirap na baka nandoon si Tito Raymond at makita ako..."
"Dito na ako sa front seat kung ganoon!" maligayang saad ni Jai at binuksan na din ang pinto.
Wala sa sarili kong binuksan ang kabilang pintuan at pumasok. Narinig ko ang pagtikhim ni Lance at bahagyang paglingon sa akin. He slightly smiled at me. Inirapan ko siya dahilan ng pagtawa niya. Ano bang problema nito?
Napatalon ako nang hawakan bigla ni Marcus ang kamay ko. Marahan akong pumiglas sa hawak niya para hindi mahalata ang mga pinsan ko ang bigla niyang ginawa sa akin. Nilingon ko siya at nadatnan na nakapikit habang nakasandal ang kanyang ulo sa back rest.
"Bitaw..." bulong ko. Buti na lamang din ay nakabukas ang stereo, sinasabayan pa ni Jai ang kanta doon.
"Ayaw ko..." nanlaki ang mga mata ko nang marealize na masyadong malakas ang kanyang pagkakasabi no'n. Napatigil si Jai at lumingon sa amin.
"Ano, Anreigh?" tanong ni Lance.
Marahan siyang humalakhak. "Nothing..."
Ramdam ko ang paghigpit niya pa lalo sa pagkakahawak sa akin. Hindi na ako nagpumiglas at hinayaan siya sa kanyang gusto. Nanahimik na si Jai, minsan ay nagtatanong siya kay Lance ng kung ano para hindi manatili ang katahimikan sa aming apat.
"Nakakamiss kang hawakan ng ganito, Kym."
Napaubo ang dalawa kong pinsan sa hindi ko alam na dahilan. But then I heard Jai's laughed after that. Napahalakhak na si Marcus nang marahas kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. Umusog ako at hinalukipkip ang dalawang braso.
"I am not used to this. Si Denver dapat ang nandito!" sabi ni Lance habang umiiling.
Parehas na napahalakhak si Jai at Marcus. Hindi ko na iyon pinansin at inabala ang sarili sa panonood ng light post, kahit wala naman talagang kainte-interes na panoorin ang mga iyon. Buti na lamang ay saglit lang ang naging biyahe, hindi ko pa ata makakayanan na makasama o makatabi si Marcus ngayon.