Kabanata 20

2 0 0
                                    

Kabanata 20

Tattoo

"Maybe, you should ask him if that's true. Pansin ko naman na hindi basta-basta papayag sa ganoon si Anreigh e. Nakikita kong mahal ka talaga ng isang iyon."

"Hindi ko iniisip ang mga bagay na 'yan ngayon, Ali. Kung totoo nga iyon ay wala na ako magagawa, 'di ba? Kung pinagkasundo sila at kagustuhan ng pamilya nila iyon ay wala na akong pakialam."

Napangiwi siya sa akin, tila ayaw sa sinabi ko. "Really, Kyla? Gusto nga ng family nilang dalawa pero paano naman ang kagustuhan ni Anreigh? Tingin mo ba'y gusto niya iyon?"

"Hindi ko alam..." buong tapang kong sambit.

"Talaga bang... wala ka ng nararamdaman para sa kanya? You're cool with it."

"Wala akong magagawa." iyon lamang ang tangi kong sagot, hindi ko alam kung ano ang tugmang maisasambit sa tanong na iyon.

"May magagawa ka, actually. Well, maski si Anreigh ay magagawa... Kung sasabihin mo lang sa kanya iyang mga iniisip mo, lalo na iyang nararamdaman mo."

Nagkatinginan lang kami sa huli. Pinagmasdan niya ako na tila siya'y hirap rin akong kumbinsihin. Ang akala ko ay matatahimik na ako kapag nagkita na sila ni Papa at ng pamilya ko, hindi ko akalain na pati ang ganitong sitwasyon ay iisipin ko pa. Ano nga ba ang magagawa ko? Kanina nga lang ay binigyan ako ng ultimatum ni Marcus, tapos maririnig ko ang ganoong balita? Naguguluhan na ako.

Kung hindi ko nga lang itinatanggi sa sarili ko na mahal ko siya, e 'di sana'y maayos kami. E 'di sana'y wala ng ganito. Kung walang hadlang katulad ni Ms. Olga o kaya ni Papa, sana ay ayos ang lahat.

"By November ay matatapos na tayo, buti rin ay sumakto sa second semester. Hindi na tayo maghahabol pa para makaabot sa klase kapag nagstart na ang semester." sambit ni Ali habang pababa ang elevator na sinasakyan namin patungong basement.

"We still have two months..." bulong ko.

Napatalon ako nang marinig ko ang pag ring ng cellphone ko sa aking bag. Dahil kami lang dalawa ni Ali sa elevator ay narinig ko ang bahagya niyang pagmumura dahil sa ingay ng cellphone ko. It's Kristoff.

"Hey, where are you? I'll fetch you."

"Pa-out na kami ni Ali... Nasaan ka na?"

"Oh! Papunta pa lang, actually. Mahihintay mo ba ako?"

Paglabas ng elevator ay napatigil pa ako sa kung sinong kausap ni Manong Guard. Nakahalukipkip si Marcus habang kausap ang mga guard na nandoon. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Ali, maski ang mga ngiti niya'y sumilay na rin.

"Kyla?" Natauhan ako nang marinig ko muli ang boses ni Kristoff sa kabilang linya.

"Oh... Uhh, m-may sundo na pala ako, Kris. Denver is here to pick me up." pagsisinungaling ko. Bakit nga ba gayong 'di ko naman alam kung susunduin nga ako ni Marcus.

"Ganoon ba?" Naghintay pa ako ng idadagdag niya roon ngunit buntong hininga na lamang niya ang aking narinig. "O-Okay... I'll wait for you, then. Didiretso na lang ako sa bahay niyo."

"Huh? Bakit?" agaran kong tanong.

Nang makalapit na kami para makapaglogbook na ay saka lang ako nilingon ni Marcus. Ganoon pa rin ang posisyon niya. Binati siya ni Ali kaya nawala ang kanyang titig sa akin. Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Kristoff, ayaw ko naman paulitin pa iyon sa kanya.

"Ahh, o sige. Magkita na lang tayo kung ganoon..."

Hindi ko na nilingon pa si Marcus nang lumapit ako kay Ali. Naglog-out na ako.

Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon