Kabanata 26
Mad
"Salamat. Uhh, ingat sa biyahe mamaya." iyon lang ang nasabi ko nang makarating na kami sa hotel.
Tahimik lang ang naging biyahe. Mukhang nakaramdam siyang ayaw ko nang pag-usapan ang halik na nangyari. Hindi ko naman first time mahalikan, ito ang unang beses na mahalikan niya ako. Puro buntong hininga lamang ang naririnig ko sa kanya sa buong biyahe namin.
Nang ibigay ni Kuya ang cellphone ko ay naninimbang ang kanyang tingin sa akin. Si Kristoff ay hindi naman makatingin kay Kuya but then he said sorry for what happened. Wala lang siyang sinabi at tumango lamang. At doon ko nakita ang text ni Marcus.
M.M.: Where are you?
"Kym!" tawag ni Ali sa akin nang papalapit siya sa front desk. "Nakita mo na?"
"Ang alin?"
"Iyong malaking event for this coming Saturday? Hindi mo pa... nakikita?"
Naputol ang pag-uusap namin nang may mga visitors na lumapit. Naging abala kami sa araw na iyon at hindi na naisip pang ituloy ang pinag-uusapan kanina. Hindi ko na rin nareply-an si Marcus, alam naman niyang may duty ako kaya hindi ko na kailangan itext pa iyon sa kanya. Nang makapag-out ay agad akong nakatanggap ng text galing kay Denver na hindi niya ako masusundo. No choice kung hindi sumabay kila Jeoff.
"Ngayon na lang tayo ulit nagpang-abot." iyon agad ang bungad ni Troy sa amin ni Ali.
"Hindi ka susunduin ni Lance?" bulong ko kay Ali at tahimik lang siyang umiling.
"Gusto niyong lumabas? Bar lang..." si Hilary, sabay baling sa akinm "Ikaw, Kyla? Sama ka. You need to chill..." ngisi pa niya.
Siniko siya ni Jeoff at hilaw na napangiti sa akin. Mukha ngang may balak pa silang lumabas kaya nagpasya na akong umuwi ng mag-isa. Well, hindi rin naman nila ako hinayaan at nagpasya na lang silang ihatid ako kahit hanggang sa tapat lang ng eskwelahan namin.
Nang makauwi ay nadatnan ko na doon si Papa kausap si Kuya, siguro ay sa trabaho. Hindi ko na lang muna inistorbo dahio kita sa kanilang itsura na seryoso ang pinag-uusapan nila. Tamad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Bago ako magbihis kanina nang mag-out sa duty ay wala akong nakitang text ni Marcus. Puro lang iyon kay Kristoff, updating where are they. Isang beses lang akong nagreply sa kanya at naisipan ring itext si Marcus.
'What are you doing?'
Kanina pa iyon pero wala siyang text. Dapat nga'y tumatawag na siya o tumawag siya kanina. Hinayaan ko ring bukas ang account ko, nagbabaka sakaling tumawag siya through videocall pero nakatulugan ko na iyon. Nanlumo ako nang magising akong umaga na. Nang i-check muli ang phone ko ay nakapatay na iyon. Naintindihan ko naman kung bakit.
"Hindi ka magjojog?" Ani Kuya nang makita akong dumiretso sa dining.
"Ikaw?" balik kong tanong. Mukhang kakagising lang din niya.
"Wala akong gana..." natatawa niyang sabi at umupo sa upuang katapat ko. "Tinawagan ka niya?"
"Nino?"
"Anreigh? Bakit? Hindi pa kayo nag-uusap?" takang tanong niya.
Napanguso ako at naalala na naman ang hindi niya pagtawag sa akin kagabi. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Naningkit ang mata niya sa akin, dahilan na pagtataka ko sa mga reaksyon niya. Bakit? May alam ba siya na hindi ko alam? Tatanungin ko na sana siya ngunit bigla siyang tumayo at ginulo lamang ang aking buhok.
Hinatid niya ako sa hotel. Para hindi antukin sa biyahe ay nagtanong lang ako kung ano ang pinag-usapan nila ni Papa. As expected, it's about business. May gusto raw na makisosyo kay Tito Leandro ngunit nirecommend niya si Papa. At tulad rin sa mga usapin na ganyan, tango at isang salita lamang ang nasasagot ko.