Kabanata 9
Support
"You know, bar and such? Masaya iyon, Den!" sabi ni Devon habang kinukulit si Baby Levi na buhat ni Ate Drei.
"Simula nang isama ka nila Jed at Lance sa paggaganyan ay talagang naligayahan ka na. Umayos ka, Devon." suway ni Ate Drei.
"Actually, Ate... Iyan na ang naisip ng mga kaibigan ko. Naghanda sila ng party sa akin kaya wala na akong nagawa. Pero the usual, gusto ko din magcelebrate ng birthday ko na kasama kayo. And don't worry, it's a post celebration... Mas maaga ang pinlano nila." paliwanag naman ni Denver.
It's Sunday at day-off ko. Ayaw ko naman na magmukmok sa bahay kaya naisipan ko na lang na pumunta kila Denver. Sakto pala na iniwan si Baby Levi sa kanila dahil si Lou ay may pasok, si Tito Levi at Lance ay nasa Maynila at mukhang may inaasikaso kasama si Tito Leandro. While Tita Lara and Tita Danica, ay nasa restaurant.
"Where's Jai? Itext mo nga at sabihing pumunta dito..." utos ni Devon nang tumabi siya sa akin.
"I heard may pinuntahan sila nila Tita Mel kasama si Jed. Birthday ng kapatid ni Tita Mel kaya hayun..." singit ni Ate Drei.
Binigay ni Ate Drei si Baby Levi sa Yaya nito ngunit agad din siyang kinuha ni Devon. Marahan ang pagpumiglas ni Baby Levi dahil sa ayaw niya sa presensya ni Devon. Natatawa na lang akong tumayo at bumuhat doon sa bata. Napangiwi si Devon sa akin.
"Sige na, Ate... Magpahinga ka na muna..." sabi ko sa yaya ni Baby Levi ngunit ngumiti lang siya at tahimik lang kaming pinagmamasdan.
"Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Lance at Lou d'yan sa kapatid nila dahilan ng pagkaayaw sa akin..."
"Oh please, Dev. Nararamdaman na niya kung bakit isa ka sa mga pinsan niya. Naaasar na siya sa presensya mo!" biro ni Denver.
"Tss. Shut up... Bakit ka nga pala nandito? 'Di ba ay may pupuntahan ka? Sino nga ulit 'yon? Yen?" sabay ngisi nito sa kapatid.
Agad akong napalingon sa kapatid niya at umismid lang, tila hindi pinansin ang sinabi ni Devon. Naalala ko nang sunduin niya ako kagabi ay narinig ko na may kausap siya sa kabilang linya. Kahit kalmado ay nahimigan ko ang boses niya na parang galit. Pinatay na lang niya ang linya nang makapasok na ako sa sasakyan na no'n.
Hindi na ako nakiusisa pa dahil alam kong aalis lang din siya para maiwasan ang ibabato kong mga tanong. I looked at Devon, para ding walang inaalala ang isang ito. Ang sabi ni Jai ay sa kompanya ng crush niya ang internship niya, kay Kuya Bruce kaya iyon?
"Nga pala, Dev... Nakita ko si Kuya Bruce-"
"Gonna take this call, excuse me..." putol niya sa akin at agad na umalis. Literal, dahil lumabas siya ng bahay.
"Nagring ba ang phone no'n?" takang tanong ko kay Denver at nakita na siyang tumatawa nang balingan ko siya.
"You know how to change her mood, huh? Marunong ka na..."
"What? Itatanong ko lang naman kung nagkita na sila eh." kibit balikat ko sabay baling na kay Baby Levi na pinaglalaruan ang aking bangs.
Kahit papaano ay naibsan ang aking pag-iisip dahil sa araw na ito na nakapagpahinga ako. Mahabang oras pa ang gugugulin ko bago matapos, sa kalagitnaan din naman ng required hours sa internship namin ay kailangan ko din bumalik-balik sa school para makaattend ng klase for researching. Mas hihirap pa ang mga araw na darating dahil kailangan na naming asikasuhin ang thesis. Tiyak na magbabago ang araw ng day-off ko.
"Kailangan ni Ma'm Olga itong mga reports kaya dalhin mo agad iyan..." naabutan kong kinakausap ni Sir Fred si Greg habang iniaabot nito ang isang portfolio.