Kabanata 4
Awkward
Halos mapatalon ako nang may lumapit sa aking babae. Ang akala ko ay ang General Manager na, iyon pala ay mukhang isa sa mga receptionist ng palapag na ito. Rinig ko ang pagsarado ng pintuan sa aking likuran kaya doon ko lamg naisipan na lingunin ang babaeng lumapit sa akin.
"Miss, I am asking you... Ano ang ginagawa mo dito?" tila parang inulit niya ang kanyamg tanong na hindi ko naman narinig.
"Uhh, ito po kasing mga folder... Pinasuyo po galing sa Admin Staff ng restaurant sa 15th floor, Ma'm. Kay Mr. Monteverde daw po iyan, nagkamali ng padala iyong messenger. Iiwan ko na sana kaso ay bigla na kayo dumating." tuluy-tuloy kong sabi. Himala at nakasagot ako ng maayos kahit kinakabahan na ako.
"Ganoon ba? O sige, salamat. Hmm, bago ka?" tanong niya habang kinukuha ang mga folder na nilahad ko.
"Isa po sa mga intern, Ma'm. Minadali ko po ang pagpunta dito kaya po hindi pa po ako nakauniform." paliwanag ko na agad sa kanya.
Napatango siya at napangiti. Nagpasalamat naman ako at naisipan ng umalis. Isang beses pa akong sumulyap sa kuwarto kung saan pumasok si Marcus at ang General Manager nitong hotel saka tinahak na ang papuntang elevator. Hindi niya ba ako napansin? Ako lang naman ang tao doon kanina at iyong maintenance. Siguro ay hindi niya din ako namukhaan dahil sa buhok ko? Hindi naman din nagbago ang itsura ko.
Nang makabalik sa restaurant ay tila nawalan ako ng gana kung kailang first day namin. Marami na agad mga tanong sa aking isip nang malamang nandito si Marcus sa hotel. Sabihin ko kaya iyon kay Ali? Paano kapag nalaman ng mga kagrupo ko na nandito iyong lalaking minsan naging sikat sa school namin? Siguro ay marami ding katanungan sa isip nila kung ano ang nangyari kay Marcus. Mahirap na at baka dumugin kami ng iilan ditong kaklase o kakilala kapag nalaman nila na nandito nga siya.
"Ayos ka lang, Kyla?" tanong ng nagtetrain sa akin, si Chef Rima.
"Hmm, opo. Pasensya na po." nakangiti kong sabi at nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanya.
Sa kitchen kami inassigned ni Jiro, samantalang si Ali at Jeoff ay sa service. Palitan din kami ng shift after a week, at kapag naging maganda ang performance namin ay puwede kami mag-stay pa ng weeks dito bago iassigned ng position sa buong hotel. Well, mas gusto ko na lang dito kaysa malipat sa iba. Kanina nga lang na makita ko si Marcus ay agad na ang kaba ko, paano pa kaya kung magtagpo kami sa kung saang parte ng hotel. Hindi ko kakayanin.
Pero ito na din ang pinakahihintay ko, 'di ba? Na makita siya at makausap tungkol sa biglaan niyang pagkakawala. Mukhang hindi na din siya iyong Marcus na nakilala ko. He's already changed. Nasaan kaya sila Lola Lucing at Lolo Nito kung ganoon? Matagal na din na panahon noong huli kong pagdalawa sa puntod ng Mama niya. Pumupunta punta kaya siya doon noong mga nakaraan?
"Mas gusto ko pa sa production kaysa sa service. Hindi ko kayang makipag-usap sa mga sosyal eh." bulong ni Ali habang kumakain kami sa staff room.
"Hindi ka naman ilalagay sa service kung magaling ka- Ayy hindi. Hindi ka naman ilalagay dito sa MTVD Towers kung hindi ka magaling. Just do your best and make our school proud. Malay mo ay makuha ka pa bilang empleyado nila pagkagraduate." si Jiro.
"I guess Hilary is enjoying her duty. Pangarap niya magtrabaho dito noon pa..." singit ni Jeoff.
"Close kayo 'no? Kayo ba? Or ex mo siya? What?" siniko ko si Ali dahil sa pang-uusisa niya.
Marahang napahalakhak si Jeoff at napailing. "She's my childhood friend kaya kilalang kilala ko na ang isang 'yon." napabaling siya sa akin, "At ako na ang humihingi ng tawad doon sa ugali niyang itinatrato sa'yo. She was just hurt of what happened to her crush."