Kabanata 24
Choose
Bago pa man ako pumasok sa elevator ay hinigit na niya ako. I'm not sure if nakita kami ng mga nakasakay roon. Sakto naman ang pagbukas ng kabilang elevator at doon niya ako dinala.
"Marcus Anreigh!" mahina kong sambit ngunit may diin. Takot akong may makarinig sa amin.
"If you don't want to hear me.. then, sorry... But I have to drag you like this."
"Saan mo ba ako dadalhin? I'm on my duty, Marcus!"
"Just!" pumikit siya, tila kinakalma ang sarili. "Let me explain what happened that night, Kym. Please?"
Ano? Pagbibigyan ko na naman siya? Pagkatapos marinig ang mga paliwanag niya, ano? Balik na naman sa dati? Maniniwala na naman ba ako? Ganoon na lang ba kadali dahil mahal ko siya? Paano naman ako? Nakakatakot dahil baka maulit na naman iyon, na baka magpakatanga na naman ako.
"Can you leave me alone after that? I'll listen... but I want you to leave me alone pagkatapos mong magpaliwanag." sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at bahagya siyang lumapit. I don't want him to get near me that's why I stepped back. Ayaw kong maramdaman niya ang panghihina ko dahil mahirap pa rin mapigilan ang aking sarili sa paghuhumarentado. Damn!
"Ayaw ko, Kym..."
Umiling ako at hindi siya inintindi. I let him hold my hand, kahit naman hawiin ko iyon ay mas lalo lang hihigpit ang hawak niya sa akin. Nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami ay marahas niya akong hinila. Kung kanina'y nararamdaman ko na ang sakit dahil sa pagkakahawak niya, ngayon ay tila pansin ko na ang pamumula sa aking mga braso. Halata na iyon.
"N-Nasasaktan ako..." bulong ko sabay hawi na ng kanyang kamay.
Natigil siya at sumulyap nna rin doon. Ang akala ko ay bibitawan na niya ng tuluyan ang aking braso ngunit niluwagan lang niya ang pagkakahawak sa akin. He even say sorry, pabulong iyon. Nakakatakot talaga siya kapag nagagalit ng ganito. Dati naman ay hindi siya ganoon.
"Baka nand'yan ang Tito at Tita mo-"
"Si Mama lang saka mga kapatid ko..." iyon lang ang sinabi niya at binuksan na ang pinto.
Nilibot ko ang aking paningin. Nagbago na rin ang mga muwebles na naroon, pati ayos ng loob. Pinaupo na niya muna ako sa sofa bago siya mawala sa aking paningin. It's too awkward for.me to be here ngayon pa't nandito ang step mother at mga kapatid niya. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita? That I am Marcus' mistress? No way.
"Hi Ate!" bati ng batang babae sa akin. Raine is her name, right?
Ngumiti lang ako sa kanya at ibinaling ang atensyon sa tulak nitong maleta. Kasunod niyang lumabas ang nakakatanda niyang kapatid na lalaki. I remember that Alex is his name. Napatigil siya nang magtama ang tingin namin, may dala rin itong maleta. Narinig ko ang paghalakhak ng batang babae habang sinisiko ang kapatid.
"Nagagandahan ka na naman..." panunuya niya pa.
"Shut up, Raine..." sabi niya saka bumaling sa akin at ngumiti. "Kasama mo si Kuya, Ate?"
"Uhh, oo. Kaso hindi ko naman alam-"
Napatigil ako nang lumabas siya sa isa pang kuwarto, may dala rin itong maleta at sinusundan siya ng step mother niya. Lalaine, right? Nang mamataan niya ako'y umaliwalas ang kanyang mukha. Sa bigla ay hindi na ako nakabawi, lumapit ba naman siya sa akin at niyakap ako.
"Nandito ka pala, hija... Hindi naman sinabi ni Anreigh."
Hindi ako makapagsalita at hilaw na napangiti. Ano, Kym? Tiklop ka kaagad? Pati ba naman sa pamilya niya'y kabado ka rin. Napansin ko ang pagngisi sa akin ni Marcus, nang magtama ang tingin namin ay tila bumalik sa dati ang kanyang itsura, seryoso at kunut pa ang noo. Kita mo nga naman ang isang 'to, akala mo ay ayos na kami.