Kabanata 25
Kiss
Kahit na may tensyon na nangyari sa pagitan namin ni Papa ay nagbigay respeto pa rin ako sa mga Anuñevo. Alam kong binabantayan ako ni Kuya sa lahat ng galaw ko. Kahit na hindi rin siya payag sa kagustuhan ni Papa, hindi niya hahayaang masira ko ang gabi na ito. Tahimik lang ako nang magbatian sila. Tipid lamang ang mga sagot ko kapag tinatanong ako.
Tungkol lamang sa negosyo ang pinag-usapan nila. Wala naman ako maintindihan doon dahil wala akong alam sa larangan na 'yan. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ni Papa, sa tuwing isinisingit ako sa kanilang usapan ay ngiti at tipid na sagot lamang ang binibigay ko. Hindi ko iniinda ang minsang matalim na titig sa akin ni Papa, si Mama ang gumagawa ng paraan para makuha ang atensyon niya.
"Gusto mo maglakad-lakad muna?" biglang tanong ni Kristoff sa akin sa gitna ng pag-iisip ko ng kung ano.
"Oo nga... You two should take some walk outside." singit naman ni Papa.
Hindi ko sila nilingon at agad na akong tumayo. Narinig ko ang pagpaalam ni Kristoff sa mga iniwan namin at napagtanto kong kabastusan para sa kanila ang aking ginawa kaya lumingon ako para makapagpaalam rin sa kanila.
Ang sabi ni Marcus ay uuwi siya ng Manila mamayang madaling araw at kapag may oras ay dadaanan niya ako sa bahay. Siyempre, hindi naman niya magagawa iyon ng basta-basta kaya naisip ko na baka humingi siya ng tulong kay Kuya para magkita kami. Tahimik at dahan-dahan lang akong naglalakad, ramdam ang pagsunod sa akin ni Kristoff.
"Naisip kong..." lumingon ako sa kanya at tila pinagmamasdan lang rin niya ako mula pa kanina. "...ayain ka maglakad dahil napapansin kong wala ka sa mood."
"Hindi naman sa ganoon... Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan niyo though wala akong alam sa business, I still have to answer your Mom's question. Well, mabuti nga rin na ang naisip niya na magtayo kayo ng business dito." sabi ko habang pinaglalaruan ang suot na bracelet na binigay ni Marcus sa akin.
Sinadya kong isuot iyon. Siguro sa mga mata nila ay simoleng accesory lang siya para sa akin. Ang hindi nila alam ay may kahulugan ito. Na sa gabing ito ay hindi na ako puwede sa kahit na sino. Ito ang palatandaan na ako ay para kay Marcus. Na kami na ulit. Na sinasagot ko na siya. Kaya sa oras na makita niya itong suot ko, sapat na siguro iyon para matuwa siya bago man lang umalis pa-Manila.
Ang gusto ng Mom niya ay maging isa ako sa magma-manage ng business nito, since related siya sa food industry which my degree is fit to that. Tinanggihan ko lamang iyon dahil mas gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo, o kahit i-manage muna ang business nila Mama. Kailangan ko iyon tanggihan gayong may alam ako dahil sa plano ni Papa na ipagkasundo kami ni Kristoff. Mama offered her help para sa kagustuhan ni Tita Sandra kaya sila na ang nag-usap sa huli.
"Sorry about that... Sinabi ko na iyon sa kanya na huwag magpadalos-dalos sa iooffer niya sa'yo. You still have to work on your own, the way you want, iyong hindi ganito sa madaling paraan."
Napangiti ako at napatango. "Salamat... You really understand what I want, Kris. Kilala mo na talaga ako..."
Umawang ang kanyang bibig na tila.may sasabihin pa. May kung anong kabang dumapo sa akin, tila natatakot akong maibulalas niya ang iniiwasan kong tanong. Hindi ko alam kung may alam siya sa nalaman ko, pero ayaw ko siyang pangunahan kaya hihintayin ko na sa kanya mismo manggaling iyon. But tonight? I'm not ready, actually.
"Pupunta kang Manila?" I asked, out of nowhere.
"I don't know... Mom wants me to accompany her while she's in vacation. Si Dad ay uuwi na rin sa isang araw. Gusto rin ni Mama na magbakasyon kasama siya but you know my Dad, ayaw masyadong magtagal at gusto lang magtrabaho ng magtrabaho."