Kabanata 19
Fixed
Ang pagkatao ko'y parang nasa ibang mundo. Maraming taong nakapaligid sa akin ngunit parang ako lang ang nabubuhay sa kung nasaan ako. Naririnig ko ang takbo ng programa ngunit hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi. Saka lang ako natauhan nang sikuhin ako ni Denver.
"Dinalhan na kita ng pagkain..." sabay lapag niya ng plato sa aking tapat. "Ayos ka lang?"
Napabuntong hininga ako at napailing. Nakuha ko ang atensyon niya kaya nang maupo siya ay hinarap niya ako. Totoo, hindi ako komportable ngayon. Hindi ako bagay sa ganitong klaseng party, this is really not for me. Hindi ako sanay.
"Excuse me... Pupunta lang akong comfort room." sabi ko kay Denver at hinayaan na niya akong umalis.
Pansin ko ang tingin ng iilan sa akin pero hindi ako lumingon kahit isang beses. Narinig ko sa isang grupo nadaanan ko ang aking pangalan kaya nang mapasulyap ako'y naabutan kong nakatingin si Marj sa akin. Hindi siya nakangiti, tila pinagmamasdan rin ako, sinisipat ng maigi.
Agaran akong lumiko patungong c.r. ngunit napatigil ako nang may humigit sa aking braso. Hindi ko naman magawang lumingon dahil mabilisan ang nangyari. Saka ko lang napagtanto na nasa labas na kami ng event hall, sa tagong hallway. Nang mapaangat na ang aking tingin para makita kung sino ang humila sa akin ay siya namang pagyakap niya sa akin.
"Hi..."
It's him. His voice is familiar to me kaya hindi ako nagkakamali. I didn't answer, but I let him embrace me. Umatras ako para sana humiwalay na sa kanyang pagkakayakap ngunit mas humigpit lamang iyon. Parang winala nito ang mga bagay na iniisip ko kanina, isang mainit na yakap lang ay tila ayos na ako.
"I was so busy these past few days. Hindi ko rin nagawang tawagan ka. I miss you..." malumanay niyang sambit.
Marahan kong tinanggal ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. Kahit hindi pa naman nagtatagal ang programa para sa kaarawan niya'y halata sa kanyang mga mata ang pagod. Kagaya kanina, hindi ko pa rin magawang mangiti sa kanya. Siguro ay nahalata niya iyon kaya seryoso niya akong pinagmamasdan.
"About what you've seen earlier? It's nothing, Kym." paliwanag niya.
Hindi ko pa alam kung ano ang ipinupunto niya, pero mayroon akong naiisip kung ano iyon. Siguro ay inaalala niya iyong kaninang pagpasok niya sa event hall kasama si Hyacinth. Alam kong wala naman talaga iyon, pero ang makitang malaki ang mga ngiti ng pamilya niya sa kanya ay nasaktan ako. Parang ipinamumukha sa akin na tanggap nila si Hyacinth para sa kanya.
"You're silent... Please, say something. Napaparanoid ako, Kym." hinawakan niya ang aking dalawang kamay at hinuli ang mga mata kong iniiwas sa kanyang mga mata. "What upsets you, huh? What are you thinking?"
Umiling ako at napayuko. I don't want to cry now. Ayaw kong makita niya akong muling ganoon, ngayon pa't maraming tao na puwede kaming makita. Agaran ang paghawi ko sa kanyang mga kamay, pagsulyap ko'y nakita ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa.
"You should go back there, Marcus. Baka hinahanap ka na at may makakita pa sa atin dito-"
"I don't care. Mabuti na din na makita tayo para malaman nila na may girlfriend na ako. At ikaw iyon."
"No, Marcus. Bumalik ka na doon, huh? Tis is not the time to talk about that. C'mon... Ayaw ko gumawa ng eksena sa party mo. Not on this place kung nasaan buo ang mga Monteverde."
Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad siya pabalik sa bulwagan. Yumuko ako nang may makakasalubong kaming media. Narinig ko agad ng pagckick ng mga camera nila nang makalagpas na kami. Gusto kong bumitaw ngunit hindi ko magawa sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa akin. Halos kumawala na ang puso ko nang mapagtanto kong saan niya ako dinala.