Kabanata 1
Nervous
"Kym!"
Napalingon ako at nakitang kumakaway na sa akin ang mga pinsan ko para sumakay na sa bangkang inarkila ni Kristoff sa katabing resort. Nilingon ko ulit si Denver na bumabalik sa rest house, mukhang wala nga siyang ganang sumama sa amin o maski man lang makihalubilo. Nakaabang na sa akin si Kristoff at inalalayan niya pa ako sa pag-akyat para makasakay.
"Hindi daw sasama si Denver?" tanong ni Ate Drei sa akin.
"Naku, Ate... Wala talagang gana ang isang iyon, pakiramdam ko nga'y napilitan lang iyon na sumama sa atin." ani Jai.
"Kagigising lang din niya, Ate. Mukhang hindi din maganda ang mood niya kaya hindi ko napilit na sumama." iyon na lamang ang pagdadahilan ko.
Panay ang pictures na ng mga pinsan ko samantalang tahimik lang akong pinapanood sila. Minsan lang din ako sumasama sa pictures ngunit inaabala ko na lang ang sarili sa panonood sa dagat, kahit wala namang kaaya-aya doon ay basta hindi lang ako mapansin ng mga pinsan. Katabi ko si Kristoff, taga dito siya kaya panay ang kuwento niya kung ano ang mga magagandang puntahan.
"Ayos ka lang?" bulong sa akin ni Jai nang makarating kami sa unang pinaghintuan namin.
"Oo naman..."
Naningkit ang mga mata niya at umiling. "You don't look okay, though. I know you, Kym."
Nagkibit lamang ako ng balikat at napangiti na sa kanya. Kumuha na din ako ng mga pictures na hindi ako kasama, hindi naman din ako mahilig magselfie kagaya ng mga pinsan ko. Isang beses lang ako sumama sa group pictures but then the rest, hindi na.
"Nag-away kayo ng pinsan mo?" si Kristoff na nasa likuran ko na pala.
"Denver?" napatango siya, umiling na lang ako. "Wala lang talaga siya sa mood ngayon, inaalala ata iyong trabahong naiwan." natatawa ko pang sabi.
"I have this feeling that he hates me," he laughed a bit when he said that. Napakunot noo lang ako.
"Paano mo naman nasabi 'yan? Ganoon lang talaga ang isang 'yon..."
"No. He's cold, yes... Everytime when I am with you. Siguro iniisip niyang we have something now, gayong kaibigan niya iyong boy- I mean ex mo, 'di ba? He hates me, I am sure." nakangiti lang niyang sabi ngunit halata sa kanyang tono ang pait.
He's right. Akala ko ay ako lang ang nakakapansin. Hindi ko nga lang maidirekta kay Denver kung ano ang problema niya kay Kristoff sa tuwing magkikita-kita kami na nandoon siya. Hindi na kami madalas kung mag-usap nang magsimula siya noong mag-OJT pero magugulat na lang ako na sumasama siya sa bonding naming magpipinsan kasama si Kristoff.
Pabalik-balik ang pagpunta ni Kristoff sa amin at sa Manila. Inalok siya ni Papa na sa amin na muna mag-stay dahil may guest room naman kami doon ngunit tumanggi na siya. Nag-offer na din si Tito Leandro para makapagtrabaho sa kanya dahil sa magandang credentials nito pero mas focus siya sa business ng family nila. Tumutulong lang siya kay Papa dahil matagal na niyang kaibigan ang Papa ni Kristoff. His Dad is willing to help my Papa for his business, hirap naman din daw kasing tanggihan.
"Nakakagutom ang ginawa natin!" sabi ni Devon nang makabalik na kami.
"Sir, nand'yan na po ang mga magulang niyo pati ang mga kapatid niyo." sabi ng isang matandang lalaki na caretaker nila.
Nakita ko sa 'di kalayuan si Denver na mukhang naglakad-lakad, pabalik na din siya sa kung nasaan ang rest house nila Kristoff. Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan kami, hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin gayong hinawakan na ni Kristoff amg kamay ko para maalalayan sa pagbaba.