"Hoy mister! Harapin mo ako! Hindi porket ang layo natin sa isa't-isa e wala kang papanagutan! Walang hiya naman oo tatakbuhan
mo pa ako! Ano pagkatapos mong wasakin ang pagkatao ko aalis ka na agad?! Aba't kung ganyan lang din ang mga lalaki sa mundo talagang walang pag-unlad sa ekonomiya! Alam mo ba naalala ko sabi ni pareng Rizal ang Kabataan ang pagasa ng bayan? Nakaw! Paano ko naman kasi naisuko ang bataan ng ganon ganon lang? Ano masarap ba?! Sumagot ka!?"Tumataas ang balahibo ng lalaki sa mga sinasabi ng babae. Habang ang babae naman ay nanatiling nakatayo habang nakapamewang pa. Gustong matawa ng lalaki sa babaeng nasa harapan niya ngunit ayaw na niyang dagdagan pa ang mala teleseryeng script na pinagsasabi ng babae.
"Why would I run in the first place when I'm in my own territory and you're the one who came over here? Anong layo ang sinasabi mo e halos lahat ng laway mo tumalsik na sa muka ko. What's with the economy and Rizal? At kung tatakbuhan ko yang sinasabi mong responsibilidad edi sana kanina pa kita pinaalis. I should be the one questioning you, ano, masarap ba? Mukang sarap na sarap kang lumamon ng pagkaing galing sa pamamahay ko, Ms. Alcantara." Lalong nainis ang babae sa lalaking na sa harapan niya. Nginisian pa siya nito. Kitang-kita ang kalat ng sauce sa bibig ng babae.
"Hoy ikaw lalake! Sila nag alok sakin ng spaghetti! Aba kasalanan ko bang nagutom kami! E ang layo kaya ng bahay mo. Pogi at hot ka lang pero mayabang! O ayan saksak mo sa lungs mo!" Napangiti ang lalaki noong ituro niya ang tyan niya noong sinabi niyang nagugutom daw sila. Napatingin naman siya sa platong nilapag ng babae. Ubos na.
"Ano tatawa ka nalang!?.... Ahhh! Aray! Sheteeee woahhh ano a-aray..." Nanlambot ang paa ng babae ngunit bago pa man bumagsak hinawakan na agad ng lalaki ang bewang niya at tyaka siya binuhat.
"Ang daldal mo kasi masyado! Stay still, I'll bring you to the hospital." Kitang-kita ang panghihina sa muka ng babae kaya lalong kinabahan ang lalaki.
"Char! HAHAHAHAHAH! Hoy joke nga lang ano ka huh chansing ibaba mo na nga ako!" Nagulat ang lalaki sa ginawa ng babae. Akala niya'y masama na ang lagay nito ngunit panloloko lang pala ang nangyare. Dahan-dahan niyang binaba ang babae. Gusto niyang palayasin na ito ngunit naalala niya ang dahilan ng babae. Tanging buntong hininga nalang ang nagawa niya.
"You're crazy." Halatang galit na ang lalaki pero biglang ngumisi ang babae.
"Sus pabebe. Ikaw kaya tVong nabaliw sa alindog at kagandahan ko, kaya may nabuo!" Napapikit at hawak nalang sa sentido ang lalake na tila hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Hoy huwag kang pa-virgin! Ikaw ang unang nakakilala sa perlas ng sinilangan ko! And for your information nalumpo ako nang 1 week dahil sa batuta mo! Napaka..." Hindi natuloy ng babae ang sinasabi niya nang magsalita na ang lalaki.
"Shut up or we'll end up in bed." Direktang tinignan ng lalake ang babae. Tanging tikom na bibig lang ang sinagot lang babae.
"Rest first. We'll visit someone later for your checkup. Hindi ba't sabi mo pagod ka sa biyahe? Then rest first. Just shut your mouth and let my ears rest." Tumalikod ang lalake at dumiretsyo sa opisina niya. Isinintabi muna niya ang ibang iniisip at tinapos ang pag-aayos ng mga papeles. Nang bigla niyang maalala na may nag-aantay pala sakanya.
"This day should be my rest day. Ugh!" Pagkabukas niya ng pinto bumungad agad sakanya ang natutulog na babae.
"She's more beautiful when sleeping huh?" Ginising niya ito pero ayaw nito gumising. Biglang napukaw ang mata niya sa labi ng babae tyaka siya ngumiti ng nakakaloko.
So he have no choice but to kiss her.
"Chansing ang daddy mo baby." Bulong ng babae dahil gising na siya sa oras na yon at nagpapanggap nalang.
••
Kung bibigyan ka ng tatlong kahilingan , kung titigil ang oras para sa mansanas na sinumpa dahil sa pagmamahalan at kung sa natitirang pagpatak ng segundo na kailangang-kailangan mo nang lisanin at tumakbo palayo sa palasyo, paano mo makikilala ang nakatakdang tao kung ang tadhana na mismo ang nag lalayo sa inyo?
Pero ang nakakatawa pa ay nabubuhay ka sa Realidad kung saan ang tinatawag mong "fairy tales & Fantasies" ay wala namang katotohanan? Isang malaking pagkakamali o kasalanan ba na umasa na meron paring matatawag na Happily ever after?
Malayong magkatotoo ang isang kahilingan na hindi naman talaga nabubuhay, pero sa pag-ibig walang imposibleng mangyare. Maski nga sa hindi inaasahang pagkakataon kung saan wala kang kaalam-alam at kamuhang-muhang ay maaari mong matagpuan ang taong nakalaan para sayo.
"Akala ko ba Prince Charming ang mag-hahanap sa Prinsesa? Bakit ako ngayon ang naghahanap sakanya?! Sinasabi ko na nga ba! Kaya hindi umuunlad ang bansa!"
••
....
Sana magustuhan niyo! Enjoy, Jeenies! 💜
....
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)