Thirty Nine

30 1 0
                                    

Zephany's POV

"Shet! Ganda ko na oh! Pak!" Oh ano kayo ngayon ha?! Nakaligo nanaman ako kaya lamang nanaman ako sa kagandahan niyo! Charot! Baka mamaya magkaroon pa ako ng busher!

"Zephany, ang tagal mong maligo." Rinig ko pang saad ni Mr. Pogi na sexy pa sa labas ng banyo. Paano ba naman kasi! Kanina pa ako 'nun kinakatok! Miss na ata ako agad. Oh kaya gusto maka-score! Opps!

Pinaliguan ko pa ng pabango ang aking katawan bago ako lumabas. Para bongga na!

"Oh, kanina ka pa pala nag-aantay." Pagpapa-cute ko pa habang tinutuyo ng tuwalya ang aking basang-basa na buhok.

"Stop seducing me, love." Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.

" 'To naman! Nag-lalambing lang e!.. Teka nga! Bakit ka nfa pala nakaligo at nakaayos na ha?! Siguro pumunta ka sa babae mo?!" Oo nga no! Bakit ngayon ko lang napansin na nakaayos na siya?!

Nako! Ganyang-ganyan yung mga may dinadalaw na babae sa umaga! Nako! Nagmbabae na 'to! Ano bang dapat gawin?! Balik alindog ganon ba?! Akitin ko kaya 'to?

"Wala akong babae, Zeph. Kayo lang ni baby so kung ako sayo dadalian ko na dahil nag-aantay na si dok sayo." Kinuha niya ang tuwalya sa aking buhok at tyaka ako pinaupo sa harapan ng salamin. Nagulat ako pero yung gulat na cute!

Blinoblower niya ngayon ang aking buhok kaya mainggit kayo!

"Eh keshe! Weg dyen, may kiliti ako dyen!" Paling ko pa ng ulo ko kaya napapa, “tsk” siya. HAHAHAHAHAHA!

"Now, wear something decent. I'll wait for you outside." Naiwan akong nakangiti sa harap ng salamin.

Bakit ba ang swerte-swerte ko kay Sed? Parang kailan lang e! Dapat talaga bumawi ako sakanya!

"Zeph, ang tagal mo nanaman! Mag bre-breakfast ka pa."

Nag-lagay lanh ako ng light makeup at tyaka hinayaang nakalugay ang aking mahabang buhok.

"Ganda mo!" Puri ko pa sa aking sarili bago lumabas ng kwarto.

"I bought your favorite breakfast." Napanganga naman ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa! Susko! Parang may handaan tapos parang hindi umagahan!

"Hoy! Ba't ang dami?!" poker face pa siya e! Kala mo kaya kong ubusin!

"Eat well and don't forget to drink your med." Wow, nice answer!

"Hindi ko 'to mauubos! Kakaloka! Kahit pa sabihin kong favorite ko 'to. Mukang lunch na nga 'to aba!" Pagrereklamo ko pa.

"Basta kumain ka nalang. Dami mo pa satsat e." Bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Hmmmp! Napaka bilis talagang mang-inis neto! Kala mo cute... Weg keshe.

"Saluhan mo na po ako, Sir. Please!" Napabuntong hininga nalang siya sabay upo sa dulong upuan. Luh! Bakit ang layo!

Tumayo ako at tyaka pumunta sa tabi niya, doon ako umupo para cute. Paano ba naman kasi! Bakit ang layo?!

"Ayan!.... Love, 'lam mo naman na love na love kita..."

"What is it, Zeph? Go straight to the point " Saad niya habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.

"Subuan mo ako! Dali!"

"You know, you have your precious hands. You can use them."

"Hmmp!" Pinag-krus ko ang aking kamay at tyaka tumalikod sakanya. Bakit ba?! Naglalambing lang naman ako ha?! Masama ba 'yon?!

"Okay, fine!" Unti-unti akong humarap sakanya ng nakangiti. Yieeeee!

Natapos ang panlalandi ko sakanya at tyaka kami tumuloy sa hospital para sa aking checkup!

"Hala, 'bat ang dami nanamang media? Nasa balita kananaman ba?" Famous! Dumaan kami sa ibang daanan para hindi kami kuyugin at pagkaguluhan. Ingat na ingat akong inaalalayan ni Sedhyr. Hayst. Naaawa na talaga ako kay Sed. Parang pagod na pagod siya, stress na stress. Pro pogi padin naman.

Kailangan ko talagang bumawi. Kagabi kasi, medyo napag-initan ko siya. Kasi naman e lalasing-lasing!

"Kanina ba, pumunta sina Patrick sa'yo?" Ay oo nga pala!

"Hindi e. May urgent meeting daw kasi si Patrick tas si Entice naman may biglang gagawin. Awan ko 'dun sa dalawa! Hindi manlang sumaglit sa'kin." Napatango nalang siya habang nag-mamaneho na.

"Pwedeng gumamit ng phone?" Napatingin naman siya sa akin.

"What for?"

"Edi tatawag ako kina mommy!" Siya kasi ang pinahawak ko ng phone ko. Kasi naman! Mulang hindi ko mapipigilang hindi gumamit ng social media accounts ko!

"Okay."

Kinuha ko ang phone ko at tyaka nagsimulang tawagan sina mommy.

"Hello, mommy!"

Sumenyas ako kay Sed na i-loloudspeaker ko at agad naman itong pumayag.

"Oh? Kamusta ka na, na
sa hospital na ba kayo?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni mommy. Paano niya nalaman?! Hindi ko naman sakanila pa sinasabi e, kasi sure akong kukulitin nila ako sa mga balitang sasabihin ng doktor.

"Tumawag na kanina si Sed sa amin. Mag-iingat kayo ha? Mamaya susunod na kami sainyo."

"Ha?" Nainis pa ako ng pinutol agad ni mommy ang linya! Aba! Ano bang nangyayare?! Wala akong ka alam-alam!

"I called them awhile ago. Inimbitahan ko sila sa bahay. We'll be staying there for a week." Tinuro niya pa ang mga gamit namin sa likod kaya mas lalong nanlaki ang aking mata.

"Shutang... Seryoso?! Omg! Omg! I love you talaga, Sed!!! You're the best!" Hinakap ko pa siya habang nakatutok siya sa pagmamaneho. Lakompake!

Nakita ko pa ang pag silay ng matamis na ngiti sa muka niya. Dinampi niya ang kanyang labi sa aking noo at tyaka...

"I love you too, my future wife." Lalo kong diniin ang aking yakap sakanya.

Wala na talaga akong mahihiling pa. Ang swerte-swerte ko na!

"We're here." Omg! Na-eexcite na ako!

Napahawak ako sa aking umbok at tyaka ito hinimas.

"I love you, baby!" Hinawakan ni Sedhyr ang aking kamay at tyaka kami tumungo sa kwarto kung nasaan si doc.

"Relax, love. It's just a normal checkup." Hindi ako mapakali habang naglalakad kami. Ewan ko ba! Kinakabahan ako!

"Alam mo ba, Sedhyr.. May pangalan na akong naisip para kay baby." Pag-sheshare ko pa sakanya para mabawasan naman ang kabang nararamdaman ko.

"Meron na din akong naisip. What's yours first?" Paghahamon niya pa.

"Sa boy muna! Sabay tayo! Malay mo parehas diba?" Tila napapayag ko naman siya kaya tumango nalang siya.

"One... Two... Three!"

"Zephyr." Ganoon nalang ang gulat namin noong marinig namin ang aming sabay na sinabi.

....

Happy reading, Jeenies! Palimos comments! Shar.

....

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon