Seventeen

70 15 2
                                    

Zephany's POV

 Alam niyo yung feeling na sa hindi inaasahang pagkakataon, oras  at araw makakatagpo ka ng taong makakapagpabago sa buhay mo. Maski ata ipis lilipad sa sobrang gulat. Hindi ko ba alam kung paano at bakit pero bakit sa lahat ng pwedeng pagtagpuin kami pa?  #SeriousMODE 

"Drama mo teh. "  Saad ni Patrick na kasalukuyan kong kausap sa phone.  Panira ng moment no?  Ayos na sana e. Pang MMK na yung pasok!  

"Alam mo kasi Zeph,  Why don't you just tell us your problem?  Kaibigan mo kaya kami and hello?  Hindi kami manghuhula.  Para kang gaga dyan!" Dugtong pa ni Entice.  Oh diba namura pa ako.  

"Hindi kasi ganon kadaling sabihin mga beh!  Basta!  Osige tawagan ko kayo ulit mamaya! " Narinig kong may mga pahabol pa silang pangungutya na akala mo naman kung anong kasalanang ginawa ko. 

Aaminin ko, pangiti-ngiti lang ako pero... Shet! Di ko na kaya. Taeng tae na ako!  

"What's wrong?  Sorry medyo natagalan. A-are you okay? " Tanong netong si Mr. CEO. WOW! Nice one sir!  

"Ikaw kaya mag pigil ng tae. Okay ba yon?! " Napapairap at ikot nalang mata ko sa sobrang sama ng sikmura ko. Napakatagal kasi!  E nakita ko kaya siya na may kausap na babaeng akala mo na sa bar kung makapag pakita ng cleavage. Edi siya na may dodo!  

"Natatae ka? Let's go." Bakit ganon?  Ang seryosong tao ni Mr. Sedhyr? Parang kanina lang pinagtatawanan niya ako. 

"Maybe 30 minutes is enough? Dalian mo ikaw na ang next." So ayon paano ako makakapag -enjoy sa pag tae kung pinagmamadali ako?  Alam niyo kasi ako yung taong nag eenjoy sa pag tae to the point na isang oras akong tumatae dahil nag enjoy ako.  

Nandito kami ngayon sa hospital. Ipapa check up ako alangan naman siya diba?  Pero pwede din naman na ipa -check up siya. Ipapa -check up ko kung maganda ba magiging lahi namin.

"Mrs. Delferneza is already waiting for us, Miss." Nginitian ko siya pagkalabas na pagkalabas ko sa cr. Kala mo talaga e. Napansin ko pang nagtutulakan yung mga nurses sa counter na akala mo naman sila nabuntis ni sir! 

Eto kasing ka-cute-an ni sir hindi niya nilulugar. Dukutin ko yang mga mata niyo.  CHAROT!  

"Malayo pa ba?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin. 

"Medyo. Why?  Are you tired?" Sa totoo nyan hehe may nakita kasi akong wheel chair e baka...  

Nginuso ko ang wheel chair kaya napatingin siya sa doon. Yieeeeeeeut!  

"Hell no!" Syempre. At dahil kasing galing ko si Kathryn umarte...

"Fine! " Napilitan siyang isakay ako sa wheel chair habang ako nag seselfie lang. #FirstTimeToRideAWheelChair #Saya  

"Pwede ka ng bumaba. We're here. " Kinabahan tuloy ako ng very light. 

"Good afternoon, Mr.  Walford! It's nice to see you again!  Sit down. " Wow ano ako hangin?  Kala ba neto. Ang daming bumabati sa akin tapos siya di manlang ako binati. 

Inaantay kong magsalita si Sir pero ngumiti lang. Baka nakalimutan niya wallet niya tapos wala siyang pang bayad?  O kaya natatae na din siya?  

"So you're here with? Mukang may kasalan ng magaganap huh?  You're so beautiful by the way. What's your name? " Yun naman pala!  Ano ka ngayon!  Ako may pa, "You're so beautiful." ako nanaman ang nag wagi!  

"Zephany Alcantara po. " Sabi ko sabay ngiti ng malaki. 

" She's just someone I met, tita. We're here for her check up. I just want to know kung nagsasabi ba ng totoo 'tong babaeng 'to." Binalikan ko siya ng masamang tingin pagkatapos niyang sabihin yon. Ganyan pala ang tingin niya? 

"Oh...  Okay. Halika, iha.  Mag palit ka muna. " Pagkatapos kong pagpalitin ng hospital dress ba yon?  Basta ganon.  Pinagamit niya ako ng dalawang PT. 

"So, Ms. Alcantara. Anong nararamdaman mo these past few days? " Tanong niya. 

"Madalas po akong nagsusuka every morning po pero ganon din po everytime na may hindi ako nagugustuhang amoy or lasa.  Madalas din ang cravings ko in specific food. Kagaya po ng Mango. Matindi yung nararamdaman kong pagkahilo minsan and I sleep too much po. "  Napatango naman siya habang may sinusulat.  

Bahala ka dyan.  Di kita papansinin. 

After ng kung ano -ano pang ginawa sa akin and Ultrasound so...

"Congratulations, Ms. Alcantara! You're 1 month and 4 weeks pregnant. " Hindi ko alam pero hindi ko napigilang hindi umiyak.  

Mommy na talaga ako.

Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa likod ko. Is he comforting me? 

..........

Huhu after ilang months nakapag-ud na din! Sorry, Jeenies! #7 in POGI. Thank you, Jeenies! 

..........






Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon