Fourteen

75 16 1
                                    

Sedhyr's POV

"Tutal nandito ka na din, pag-usapan na natin ang pinunta mo. Is it about your vacation that Kyline told me?" Why am I even here? I should have texted him instead.

"Yes, lo. And that isn't just about Kyline's gift but also a reward for my success. Lolo, I need a break, I need some rest and peace for myself." Napatawa pa ng kaonti si lolo sa sinabi ko. Kaya inismiran ko din siya at ikinurba din ang labi ko ng kalahating ngiti. 

"Of course, apo! You've been doing good and I know sa nakikita ko napipilitan ka lang naman sa ginagawa mo." Natahimik ako sa sinabi ni lolo.

"But don't worry kahit ganoon pa man ay napanatili mong maganda ang takbo ng karera mo sa mundo ng pagnenegosyo. Hindi ka parin nagbabago, Sedhyr. Katulad na katulad mo talaga ang daddy mo." I clenched my fist when he cited my father. Bakit ba hanggang ngayon hindi niya parin tinitigilan sina daddy?!

Bigla kong naalala ang pakay ko kung bakit ko 'to ginagawa. I took a deep breath and avoided my grandfather's sight.

"Lolo, if we're already done here can you already excuse me? I'm in a hurry for a big meeting." Napataas ang kilay niya pero agad ring ngumiti.

"Don't forget what I'm always telling you, Sedhyr. Kahit nasa bakasyon ka marami paring mata ang nakatingin. Be observant and professional." I faked a smile as a goodbye act to him.

"Sir, nag text ng po pala si Kyline sa akin. Kayo na raw po ang kumuha kay F-finther." Napakamot pa ng ulo si kuya Naldo.

"Aso yon kuya Naldo. Osige sa bahay tayo. Doon ka na din maghapunan dahil nandon sina manang Hera." Napatawa pa si kuya Naldo dahil aso pala si Finther. Hahaha! Akala ko rin kung sino nung una e.

"Nako sir! Nagulat ako akala ko kung sino na si Finther! Hehe!" Medyo malayo ang bahay namin mula dito sa Manila. Kaya matagal-tagal na din noong huli ko iyong nadalaw. It's our parent's house, used to be our safe zone, mom, dad, Kyline and me.

Malayo pa ang biyahe namin kaya matutulog muna ako. Masyado akong stressed. Halos lahat ng trabaho sa opisina ko tinapos ko na sa katunayan nga ay nag dala pa ako ng iba sa so called bakasyon ko.

Hindi na ako makakawala sa mundo na pinasok ko. Mundo na akala ko magiging madali para sa akin.

Maya-maya pa at nakarating na din kami sa bahay namin. It took me minutes to go inside. Kitang-kita ko ang kalakihan ng lugar at nagulat ako dahil naalagaan talaga ito ng maayos. Kung ano ang itsura nito dati ay ganoon parin ngayon ang nakikita ko.

"Asus! Ikaw na ba talaga iyan, Theo anak!" Napatingin ako sa matandang kasalukuyan na nagdidilig. Napangiti ako dahil muntik kong hindi makilala si Manang Hera.

Manang Hera is our house's care taker since then, noong buhay pa sina mommy at daddy nandito na siya kaya malaki ang tiwala namin sakanya ni Kyline.

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon