Twenty Six

59 13 3
                                    

Zephany's POV

Two months later...

"Ayoko nga! Bakit ba hindi ka maka-intindi?"

Kasalukuyan ako ngayong nag prapractice ng sasabihin ko kay Sedhyr! Nag print pa ako ng script para mas feel.

Oh diba?! Magkasama na kami ngayon sa condo niya sa Manila dahil bumalik na siya aa trabaho habang ako bumalik na din sa pangungulit sakanya.

Panindigan niya! Ginusto niya 'to e!

"What's taking you so long there, Zephany?" Napabuga ako ng hangin sabay sabing, "kaya mo yan, Zephany!" Kathryn Bernardo ata 'to no!

Nakita ko ang pag crossed arms niya at pilit niyang muka kaya mas ginanahan akong umarte.

"Ayoko nga sabi bakit ba hindi ka makaintindi?! Gusto kong bumalik sa pag-tratrabaho! Ayoko sa... Ayoko d... Teka nakalimutan ko yung next line." Nagulat ako ng bigla niyang agawin yung script ko sabay basa sa harap ko.

In fairness! Pwede kaming ipag-tandem pag magiging artista na ako! #KathNielKabahanKaNa

"What the hell, Genia?" Mas lalong nag-init ang ulo sa noong binanggit niya ang second name ko.

"Wag mo kong tawaging ganyan! Hindi tayo close! Tyaka akin na nga yang script ko!" Nakita ko pa ang mariin niyang pag pikit at sinundan nalang ng buntong hininga.

"Zephany, hindi ba pinagusapan na natin 'to? Na after a month noong pag stay mo kina tito at tita ay dito ka na sa puder ko mamamalagi? You agreed to my rules as well as I agreed to your rules." Hanggang ngayon namamangha parin ako sa pagtatagalog ni Sedhyr.

Bakit ba kasi ang pogi niya?! Tapos yung mga labi niya! Susko! Sarap kagatin!

"I'm a very busy person, Zephany. Pero look? Nandito ako para sayo. Kaya please, just go with it. Para 'to sainyo ni baby hindi ba? I just want to make sure na safe kayo lalo na't marami ng kumakalat na rumors. Mamaya naman din ay pupunta dito si Kyline." Napaiyak nalang ako sa sinabi niya. Para kasing namamaalam na siya!

Oo nga pala! Kakaloka! May mga bashers na ako! Kesyo daw kaya daw ako tinatago ni Sedhyr dahil daw ayaw ko daw ipaalam na pera lang talaga habol ko!

"S-sige na nga. Payag na ako. Basta ba e pa score ako mamaya?" Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napatawa ako.

"Zephany Genia!" Kinilig tuloy ako!

Yes, it's official na dito na ako nakatira sa condo ni Sedhyr. Three months  na akong preggy at ayon madami na ang nag bago simula noong umamin kami kina mommy, daddy and friends.

Nakasanayan ko na ring tawagin si sir na Sedhyr. Noong nag tapat kami kina mommy ay napag-desisyonan muna naming doon muna ako titira sa bahay namin o sasama muna ako kina mommy ng isang buwan pero dahil makulit ang lolo mo e  ayon mga tatlong linggo palang kinuha na ako! E araw-araw naman niya akong dinadalaw! Kakaloka!

Bukod sa makalaglag panty ang view tuwing matatapos siyang maligo nakilala ko din ang kapatid niya na si Kyline! Sobra akong natutuwa kay Kyline dahil muka siyang barbie! Tapos lagi niya pa akong niyayaya lumabas dahil nga laging busy din si Sed! Hmmp! Mabait pa si Kyline kesa dito sa isang 'to! Masungit!

Ayan, isa yan sa mga dahilan kung bakit ako laging nag dradrama! Lagi siyang may inaasikaso! Kahit pa nasa condo nalang siya ay puro papel parin ang kaharap niya!

Gusto ko pa nga sanang bumalik sa trabaho dahil hindi pa talaga halata ang pagbubuntis ko lalo na nung nakaraang buwan. Pero ayon nauuwi lang sa away.

"Oo na! Hindi na nga e. Sige na punta ka na sa work mo, Mr. CEO." Dinampi niya ang labi niya sa aking noo at tyaka nagpaalam na.

Isa lang ang masasabi ko, ang swerte ko kay Sedhyr. Super sweet niya sa akin kahit pa lagi akong nang-aasar at nangungulit sakanya.

Napahimas nalang ako sa tyan ko sabay sabing, "Swerte natin sa daddy mo, baby."

As usual magisa nanaman ako, ano kaya pwede kong gawin?

Parang gusto ko talaga ngayon kumilos! Lam niyo ba yunh extreme na kilusan?!

Mag swimming kaya ako?.. Ay kaso baka sumulpot nanaman ang mga bashers ko! Wag nalang.

Aba malay ki ba sakanila! Nananahimik lang naman kami ni baby tapos ibabash kami dahil naiinggit sila na ako ang kinakasama ni Sedhyr?!

Like duh! Edi sana nag pa jontis sila diba! Kakaloka!

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng ring mula sa labas ng pinto ng aming unit.

"Ate Zeph! May pasalubong me!" Ay si Kyline pala! Yes, may kasama na ulit ako!

"Kyline!!!" Nakakagigil talaga 'tong kapatid ni Sedhyr! Ang cute cute!

"Ate, I can't breath!" Napahagikgik naman ako kaya bumitaw na ako sa pagkaka-yakap ko sakanya.

"Well, guess what?"

"I bought some cheesecake and the snack you told me you wanted to eat!" Nag-ningning bigla ang aking mara ng makita ko ang isang pack ng cheezy! May gas!

"But.. Ate, sabi ni kuya bawal sayo ang junk foods right?" Napasimangot naman ako pero agad din yang binawi.

"Pero! Wala naman si kuya dito." Agad-agad kpng kinuha ang mga dala niyag pagkain.

Hulog talaga ng langit 'tong si Kyline!

"Last na yan, ate!" Kiniss ko nalang siya at tyaka binuksan ang Cheezy na matagal konang inaasam makain ulit!

Lahat na kasi bawal sa'kin kahit pwede naman talaga! Pero bawal ang sobra.

At tyaka like duh! Alam ko naman ang sobra at nakasasama kay baby.

"Ate Zeph, about your social media accounts? Natanggal na daw ba? You know, you and kuya are all over the bewsand articles."  Napatango nalang ako habang kumakain ng Cheezy.

Binura lahat ng social media accounts ko kasi sabi ni Sedhyr paea daw iwas information na about sa amin. Nako!

Isang beses kasi, umiiyak ako dahil nakabasa ako ng super bonggang sasakit na salita na akala ko naman e nakapatay ako!

Sobrang sikat naman kasi ni Sed! Paano naman yon?! Nagalit ng sobra si Sedhyr noong nalaman niyang pinupuntirya na ako ng mga halimaw niyang fans kaya ayon agad siyang umaksyon para tanggalin lahat ng accounts ko.

"Basta ate, don't mind them nalang okay? May I touch your baby bump, ate?" Ngayong three months na aking juntis hindi na maipagkakaila na halatang-halata na talaga ang aking tyan.

"Hala huhu! Tita na talaga ako ate! Thankyou so much, ate ha? Ang daming nagbago kay kuya simula nung dumating kayo sa buhay niya." Napatawa naman ako.

"Ano? Mas sumungit kamo!" Napatawa naman sa sinabi ko si Kyline kaya nag tawanan nalang kami tapos the end na.

Charing!

"You made him believe that love truly exist, ate. Look how passionate he was right now. Parang dati lang ay nagtratrabaho siya dahil gusto niyang suklian yung tulong ni lolo sa amin. Pero ngayon, nakikita ko kay kuya na nagpupursigi siyang magtrabaho para sainyo ni baby ate. Puro hinanakit yang si kuya dati pero ngayon, madalas na siyang masaya. Kaya maraming-maraming salamat, ate Zeph. I love you!"

So ayon. Nag-iyakan nalang kami!

....

Happy reading, Jeenies!

....

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon