Zephany's POV
Alam ko naman na maganda at sexy ako pero ang hindi ko alam e kung paano ko sasabihin ang kalagayan ko kina mommy at daddy pati na sa dalawa kong frenny. Huhu! Mahirap talaga maging maganda!
Tila ba bumalik lahat ng pakiramdam ko noong mga panahong undecided pa ako sa pipiliin kong kurso o track o kung anong pangarap ko sa buhay. Mas matindi nga lang ngayon.
Jusmariohosepalus! Paano ko ba sasabing nagdadalang tao na ako?! Bawal kong itago 'to forever dahil in the first place walang forever at talaga like duh proud kaya ako sa magiging anak ko! Maganda ang lahi namin at sa naaalala ko pogi at hot naman ang daddy niya kahit yung likod lang masyado ang naaalala ko!
"Hoy bakla, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala." Nagulantang nalang ako sa kurot ni Patrick sa braso ko. Ni hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya pero tumango nalang ako.
"Ayos ka lang ba talaga? E muka kang binagsakan ng langit dyan! Ano Biyernes santo lang?" Tumango lang ulit ako sakanya kaya napailing nalang siya. Napansin kong pinagtitinginan kami ng iba naming ka office mate pero wala akong pake. This is my life don't judge me!
"Ayan! Puro ka kasi work! Sabi sayong magpahinga ka e! Halika nga sa cafeteria, samahan mo ako kumain. Namumutla kana!" Nagpahila nalang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Don't me, nag iipon ako.
Teka bakit nga ba kami nandito?
"Te, anong gusto mo? Sige na, treat ko ulit! Alam ko naman na nag iipon ka." tyaka lang nagising ang kaluluwa at laman loob ko sa sinabi ni Pat! Iba talaga power ng friendship oo!
"Gusto ko ng cheesecake yung rainbow tapos strawberry na frappe tapos yung cheese burger." Diretsyohan na ito. Aba hila hila siya so panagutan niya!
Parang yung nakabuntis sa akin panagutan niya!
"Nakakaloka ka na huh? Kailan ka pa nahilig sa strawberry, parang dati lang yuck ka ng yuck don! Osige hanap ka na kung saan tayo kakain." Napatango nalang ako at nag tungo sa pinaka magandang lugar para kumain. Napatingin ako sa harap ng glass window kung saan natatanaw ko ang malalaking building. Teka nga? Bakit ba parang ang seryoso ko ngayon? Putek! Di bagay. Pero well change is for the better! Momshie na ako kaya kunware medyo mother dear material na ako!
"Ehem. Excuse me? Would you mind if I sit here?" Nanlaki naman ang mata ng babae sa sinabi ko! Luh! Kaya nilakihan ko rin siya ng mata.
"Nako ma'am bawal po dyan, for VIPs' lang po yan." napasimangot naman ako sa sagot ni ateng mukang teacher. Ano ba naman yon?! Parang makiki-upo lang. Huhu!
"S-sorry po ma'am." Narinig ko pang sabi ni ateng mukang teacher. Hmmp! Di kami bati! Inaaway niya ako! Akala mo naman aagawin at aangkinin ko yung upuan nila. Hmmmp! E ututan ko kaya yan!
"Hoy bakla! Ano nanamang dinadamdam mo dyan? Umayos ka nga! Kaya nga kita dinala dito para ayusin yang pagmumuka mo. E bakit naman mukang mas nalugi ka pa?" No comment! Kinakampihan pa ata niya si ateng mukang teacher! Hala sige magkampihan kayo. Sanay naman ako!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)