Zephany's POV
"Ay, malay ko bang mawawalan ako ng malay?! Nagising nalang ako tapos narinig kong sinabi nina Franco kay Sed na magpa-party naman!"
"Putakte ka! Ikaw ang girlfriend, fiance rather, tapos hindi mo manlang nalaman na birthday niya bukas?!" Huo na! Ako na nga guilty diba! Kaya pala nag handa ng mej bongga sina mamang! Huhu, sure ako pagagalitan ako nito nina mommy!
Sasabihin nanaman nila na hindi ko iniisip si Sed! Eh halos araw-arawin ko kayang iniisip lalo na pag topless siya... Ay mali!
So ayon nga kanina nawalan ako ng malay sa hindi ko alam na dahilan! Charot! Nalaman ko na normal daw ang pagiging himatayin ng mga jontis lalo na sa ika-apat na buwan! Text mate na kami ngayon ni doktora!
Syempre bolahin ko si dok para may discount sa susunod na checkup!
"Eh alam ko na yan! Babawi naman talaga ako sakanya... Dapat ngayon pero nalaman kong birthday niya pa bukas kaya mas nahiya akong harapin siya! Napaka shunga ko naman kasi! Tapos may pa himatay-himatay pa ako!"
"Aba, buti alam mo!" Sigaw pa ni Patrick. Binatukan naman siya ni Entice habang umiirap.
"Ikaw nga, Pat! Pwede bang manahimik ka na muna?! Inii-stress mo itong si buntis! Mamaya mahimatay nanaman! At ikaw naman Zeph, why don't you just surprise him with a romantic date... Yung tipong hindi niya inaasahan?! Like, as in mamayamang madaling araw! Huwag ka na muna pating masyadong magkikilos." Bigla namang tumili si Patrick ng nakakaloka! Sarap sipain sa muka!
"Ay shutang tama ka, 'te! Tapos alam na... Yayain mo siya sa kama.... Ay este, yayain mo siyang sumayaw! Ganern!" Sinamaan ko siya ng tingin sabay irap. Nako! Well.... Why not?
"We'll help you, sis! Since aalis mamaya sina Sedhyr isagawa na natin ang setup ng romantic date niyo!... Pero teka nga, nabalitaan mo na ba?" Na... Maganda ako? Eto talagang si Entice! Natural, alam ko na 'yon! Tila nilakihan naman siya ng mata ni Patrick.
"Ah... Nabalitaan mo na bang pasok ulit sa top 3 ang Walford Company sa pinaka successful na kumpanya sa buong mundo?"
"Aba! Oo naman 'no! Pero last week pa yan eh! Akala ko naman kung ano! Dali! Tara na prepare na tayo! Minsan hindi ko din maintindihan mga kaibigan ko!
"Ipag-luto mo nalang kaya si sir!" Suggestion pa ni bakla habang si Entice naghahalungkat ng kung ano sa bagahe ko. Hindi ko pa kasi naaayos since kararating lang namin kanina. Aba! Tyaka drama drama muna! Kunware feel na feel ko talaga yung pagkahimatay ko kanina!
Sayang nga hindi ko napa-videohan kina Entice yung pag-buhat sa'kin! Pwede ko sanang isama sa highlight ng kasal namin! #KathNielKabahanKaNa
"Why not lutuan mo nalang si sir ng paborito mong Kaldereta! Hindi ba't sabi mo he wanted to try it?" Suggestion pa ni Entice pero bakit nga naman hindi? Ewan ko ba! Tamad na tamad kasi ako!
Guilty na nga ako tapos ayaw pa makisama ng katawan ko! Hmmp! Kaawa naman si Sedhyr.... Kilitiin ko kaya? Charot!
Hindi seryoso na, gusto ko talagang bumawi sakanya. Sadyang lagi lang wrong timing. Ginagawa ko naman talaga lahst ng makakaya kong gawin para pakiligin siya or para mapa-feel sakanya na nandito ako pero parang sa sobrang dami ng nangyayare sa buhay e natatabunan na.
Super protective pa naman niya lalo ngayon, napansin ko lang. Kahit tv ayaw niya pabuksan sa akin at ang sabi naman nina mommy e, intindihin nalang daw.
Nag-usap na kaya sila nina mommy? Bakit parang wala naman akong kaalam-alam?
Nakaka-selos tuloy!
"Hoy bakla! Nag text sa akin si fafa Sedhyr! Kumusta ka na daw?"
"Sabihin mo ayos lang. Basta huwag mo munang pauuwiin!" Agad akong lumabas sa kwarto at tyaka sinalubong sina Kyline na nagtataka sa kinikilos ko.
"Ate, are you okay? Sabi ni kuya mag bed rest ka lang daw muna habang wala siya..." Pina-shhhh ko na agad siya at tyaka siya hinila sa mesa.
"I-susurprise ko kuya mo. Diba birthday niya bukas?"
"Yes... but ate, you don't have to do that! Baka mapagod ka lang!" Suway pa niya kaya napapadyak ako ng kaunti. Slight inarte lang ganern.
"Basta! Mag-luluto ako ng Kaldereta tapos tulungan niyo nalang ako nina ate Entice mo na mag setup ng table sa terrace mamaya ha?" Wala na siyang nagawa kaya ayon.
"Teka nga, nasaan sina mommy?" Luminga-linga naman ako sa paligid. Nasaan na kaya sila? Bakit ba parang ang busy busy nila ha?!
"... Ay shutangina! Ay, hehe! Hi, bibi Ky!" tila nag-tinginan naman sila at nagtulakan yung dalawa habang si Ky parang natatae.... Aba! Ano ba talagang meron?!
"A-ate, I think mamaya nalang tayo mag setup. Right ate Entice and Pat?" Kinunutan ko ng noo si Kyline habang hinihila naman ako nung dalawang asungot.
"Teka teka! Bakit ba?!"
"Eh.... Basta! Makisama ka nalang muna sa'min okay? Para sa ikabubuti niyo ni baby, bestie." Lalo akong nag-alala sa mga oras na 'yon. Feeling ko may problema talaga eh.
Pero tutal sinabi nilang para sa ikabubuti naman, susunod nalang ako. Ganyan-ganyan din kasi si Sed sa akin.
Hindi na ako nangulit dahil alam kong ang gusto lang naman talaga nila ay malayo ako sa gulo.
Hindi naman ako ganoon ka tanga, at siguro nga nagising na ako sa katotohanang magulo na talaga. Alam kong dahil ito sa pag-labas ng totoong status namin ni Sed at panggugulo ng lolo niya.
Tuwing gabi hindi ko naman talaga maiiwasang mapaisip na bakit ayaw sa akin ipaalam ni Sed ang mga nangyayare? Hindi naman porket nag dadalang tao e sensitibo na ng sobra.... Pero baka nga gusto lang talaga akong protektahan.
Nakikita ko kung gaano siya kapagod, ka-stress pero yung simpleng paglalambing ko lang sakanya naa-appreciate niya na 'yon.
Kaya sana magustuhan niya yung simpleng birthday gift ko sakanya.
Alam kong hindi pa kami ganoon katagal pero yung puso ko na yung nag-sasabing siya na nga yung pang habang-buhay.
"Osige.. Payag na akong dito muna sa kwarto pero mag start na tayong mag prepare ng surprise ko for Sed!" Napakamot nalang ng ulo si Entice na para bang mali na sinuggest nila sa aking gawin ko 'to.
"Kung ayaw niyo pwede namang ako nalang..."
"Luh! Masyado naman atang maiinitin ulo mo! Ito na nga oh! Kukuha na ako ng mga gagamitin mo... Ano bang plano mo?"
"Advance Honeymoon. Rawr!" Bigla naman silang nag-ubuhan kaya napa-hagalpak ako ng tawa.
....
Happy reading, Jeenies! May nagbabasa pa ba?
....
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)