Zephany's POV
"Ano kaya mo bang tumayo?" Wow huh? Ni salita nga hindi ko magawa. Nasaan ang hustisya?! Patuloy lang ang pag-pupunas ni Entice ng kung ano sa akin habang itong si Pat nag-patong ng basang tuwalya sa noo 'ko.
Gusto 'kong matawa sa inaasta nila pero tila manhid talaga ang katawan 'ko! Nakakalungkot pero hindi ko na maa-achieve ang award na best in attendance sa opisina. Paano na ako makakatulong sa pag-unlad ng bansa?!
"Gago! Tinatanong mo pa e ilang araw ngang nakahiga!" Napairap nalang si Patrick sa sagot ni Entice. Well, nalaman ko lang naman na tatlong araw akong nakatulog! Kung hindi pa naisipang bumisita netong dalawa e baka tuluyan na akong malumpo at hindi na magising!
Parang ako si Snow White e, kaso siya na nalason sa Apple kaya nakatulog ako naman natuhog kaya nakatulog! Ano ba yan! Kung ano-ano tuloy nasasabi 'ko!
"E kasi naman Pat, bakit mo ba kasi naisipang iwanan 'to? E alam mo namang mala taong office lang ito. At sa kasamaang pagkakataon pa e mukang hindi maganda ang kinalabasan ng plinano natin! At ikaw naman, Zeph! Bakit ka nagkakaganyan?!" aba hustisya ulit! Baldado na nga, ako pa pinapagalitan! Pasalamat kayo hindi 'ko mabuka bibig 'ko at hindi ako makagalaw! Nako don't me!
"Wait nga! Nasaan na ba si Bryan?!" Gusto 'kong mag-taas ng kilay sa paghahanap ni Entice sa jowa niya. Bakit ba laging nakabuntot si Bryan kay Entice, ano Dora at si Boots lang?! Kala mo aagawin ni Pat!
"Baka pinagluto mo at na sa kusina." E shunga din pala 'tong si Dora ginawang katulong si Boots! At masaklap naalala 'ko papaubos na pala gas! Kung mag luto pa naman si Bryan mala master chef! Hindi naman ako gutom at in fact feeling ko magandang sumuka sa bagong sapatos ni Pat! Puti pa man din!
"Omg! Don't you dare, bakla! Nababasa kita!" Wow! Mind reader! Lumayo si Patrick sa akin at tyaka tumakbo sa likod ni Entice. Pag talaga ako nakatayo dito!
"Kumuha ka ng susukahan neto!" Tumakbo agad si Pat kung saan sa sigaw ni Entice. Pffft! HAHAHAHAHAHHA! Ayoko na!
Okay, wait nasusuka na talaga ako!
"En, ito na yung sopa...." Opps! Hehe! Patay na. Hindi natuloy ni Bryan sinasabi niya dahil nasukahan 'ko na siya. Wahhhh!
"Ito na ang timba! Ay sopas ka!" Sinalubong agad ng batok ni Entice si Pat. Habang si Bryan halatang badtrip na pumasok ng cr.
"Zephany naman. Ano bang nangyayare sayo? Wait lang kukuha lang ako ng damit mo." Napabuntong hininga nalang si Entice tyaka naglakad palayo. Okay guilty na ako! Kahit nakakatawang isipin na may ganitong side pala ang mga kaibigan 'ko hindi 'ko parin maiwasang makaramdam ng pagka-guilty. Kung hindi naman ako nagpakalasing non e walang ganito.
"Bryan g-galit ka?" Umiling lang si Bryan sa tanong ni Patrick.
"Nagulat lang ako okay? Zeph, kaya mo bang kumain?" Hindi naman pala galit si Bryan! Woah! Akala ko lalamunin na ako e. Inulit niya ulit ang tanong niya tyaka ako umiling.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)