Twenty Five

56 16 2
                                    

3rd Person's POV

Natapos ang gabi ng maayos. Desidido ng pinanindigan ni Sedhyr si Zephany kaya mas naging kampante ang mga magulang ng babae na tanggapin nalang ang mga pangyayare.

Habang ang dalawa naman niyang kaibigan ang gulat pa'rin na tila ba sila ang buntis at sila ang umamin.

Napag-desisyonan nilang doon na muna matulog at magpalipas ng gabi dahil inabot na sila ng madaling araw kaka-chikan sa kalagayan ng kanilang anak.

Habang si Sedhyr naman ay mag-isang bumalik sa kanyang kwarto dahil sumama si Zephany sa kanyang mga magulang dahil daw nahihiya ito sa pag amin na crush daw siya nito.

Kakaloka!

Patrick's POV

Shutangnamo! Nasaan ako?!

"Hoy bakla! Gumising ka na nga dyan!" Naguguluhan akong tumingin sa kaibigan king busangot na.

Luh! Mygas! Anong nangyare?!

May amnesia na ba aki?!

"Gaga ka! Bumangon ka na dyan! Napaka pabibo mo, bakla! Alam mo ba noong umamin si Zeph kagabi akala ko si tita yung mahihimatay pero bigla kang bumagsak!" Ay hehe! Ganoon pala yon? Enebe, e paano naman ako hindi mahihimatay e nalaman ko lang naman na si Sir Sedhyr ang ama ng dinadala ng frenny ko!

Reserve na kasi dapat yun sakin! Kalerkie!

"Sorna, beks! Eto na nga oh! Babangon na... Nasaan na sila? Kamusta?!" Hala! Baka mamaya nag sampalan na sila kagabi! Siomaikangina mo!

Baka may sapakang naganap kagabi! Shet!

"Basta! Dalian mo dyan!"

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking feslak at mag toothbrush para mabango ang aking hiningi at para mabighani sa'kin si sir dumiretsyo na agad ako kay Entice at sumama na sakanya.

"Dalian mo nga! Gutom na ako." Reklamo pa niya kaya binilisan ko.

"Ay putek! Wait mo naman ako!" Napa-irap nalang ako sa sigaw niya. Aba! Minsan magulo din etong si Entice. Sabi niya bilisan ko e!

Narating namin ang restaurant na kagabing pinuntahan namin.

Napasinghap ako mg hindi ko pa nakikita si sir! Kakaloka!

"Ay, good morning po, tita! Nasaan po sina Zephany?" Syempre! Greet-greet muna! Wag ipahalatang si sir ang pakay!

"Good morning din sainyo! Buti ayos na ang lagay mo. Nandoon pa si Zephany at ang daddy niya sa taas. Tulog pa kasi si Zephany habang si Eduardo naman ay kasama ni Sedhyr." Ay shet! Ang dalawang fafavels!

"Nako tita, mukang maganda ang gising po natin ha? A-ano po pala ang nangyare kagabi?" So ayon nga nag kwento si tita ng mfa happenings kagabi at nagulat pa ako ng umiiyak na si Entice sa tabi ko kaya inabutan ko siya ng tissue.

"Beh, tulo sipon mo." Bulong ko kaya bigla niyang pinunasan ilong niya. Kalerkie!

"Sorry po tita, masaya lang po kami para kay Zephany. Alam niyo po ba na sobrang hard working at goal oriented ng anak niyo? Napaka workaholic po niyan pero gastadora hehe." aba! Siniraan pa e. Okiii na sana yung workaholic.

"Tro yan, tita! Actually po, kaya po ngayon wala sa trabaho si Zephany dahil nabigyan po siya ng short vacation dahil po masipag! Daig pa ata nyan strength ko tita! At tyaka alam niyo po ba na hindi ko po aakalaing si sir Sedhyr at siya pala ang pag tatagpuin e alam niyo naman tita na opposite sa ugali ni sir ang ugali ni Zeph!" Tawa pa ako e. Dapat kasi kami talaga meant to be ni sir!

"Nagulat din ako dahil nga ganyan pala ang estado sa buhay ni Sedhyr. Kahit ano at sino naman ang para sa anak ko ay ayos lang basta ba ay may respeto at galang. Nagpaliwanag sila kagabi at inulit-ulit sa amin ni Sedhyr na buo na ang loob niya na paninindigan niya ang anak namin. Hiningi niya pa nga ang permiso namin ni Eduardo para akuin ang pagiging ama niya sa anak nila ni Zephany. Kaya naging ayos na din ang loob ko at panatag." Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil syempre! Kahit naman pinagnanasaan ko ang soon to be partner ni Zephany ay mas nangingibabaw parin ang love para sa frenny ko!

Lalona't mayaman pa si sir! Baka mabayaran na lahat ni Zephany utang niya!

"Oh ayan na pala sila!" Tila nag slow motion ang paligid ng makita ko si sir!

"Okay ka na ba, Patrick?" Tanong pa ni tito kaya tumango nalang ako.

"I'll just check Zephany if she's already awake. You can now have your breakfast po." Shet! Bakit ganon! Swerte ng kaibigan ko!

"Sir, coffee?" Bilang nabaling ang tingin ki sa lalaking nag seserve ng kape sa amin. Magagalit na sana ako kaso.... Cutie pala!

"Ay shege peneen me ne yeng bese ke."

"Sir, pardon?"

Nahanap ko na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko!

....

Happy reading, Jeenies!

#32 on unexpected ht!
....

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon