Eight

91 17 3
                                    

Zephany's POV

Sa isang buwan and more na linggong lumipas pansin na pansin 'ko na para akong baliw. Siguro tama nga sila, may sa baliw ako. Pero feeling ko normal naman itong mga nararamdaman 'ko!


"Tangena! HAHAHA! Ayoko na!" Kasalukuyan akong pinagtatawanan ni Entice dahil sa hindi 'ko malamang dahilan! Mukang tinotopak itong si Entice! Pasalamat siya nacu-cute-an ako sakanya ngayon.

"Ano ba! Ang ingay mo pa nga!" Hindi ko na kinaya. Grabe na e! Nakakagigil si Entice! Kanina pa ako pinagtatawanan! Kasi ba naman nag pa sama ako sakanya sa mall para bumili ng ulam na may rainbow na kulay! Kahit chicken tapos yung kulay rainbow.

"Pffft! Osige na pipigilan ko na." Umirap nalang ako sakanya na mukang nagpipigil ng tawa.

"Ah. Miss, meron po ba kayong ulam na rainbow ang kulay?" Narinig ko nanaman ang pigil tawa ni Entice kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry ma'am wala po. Pero ice cream po merong rainbow ang kulay at cake po." Pagkatapos kong magpasalamat umalis na rin kami. Halos anim na restaurant narin ang napupuntahan namin pero wala talaga. Sinasabi 'ko na nga ba! Pag ako nag tayo ng restaurant! Lahat ng hahanapin ng mga tao meron!

"Alam mo napaka weird mo ngayon. Pasalamat ka natitiis kita! Nako kung si Pat ang sinama mo dito tiyak kinaladkad ka na non palabas! O ano na, saan na next target mo?" Napaisip ako doon huh? Oo nga no parang ang weird ko nga naman! Siguro nga kulang ako sa tulog dahil sa pagsusuka ko kagabi! Aba! Laging panis mga nakakain ko kaya ata ilang linggo na akong nanlalanta! Feeling bulaklak lang ganon.

"Sige na nga mag grocery na muna tayo. Kasi alam mo ba puro panis mga nakakain ko!"  Tinatawan nanaman ako ng bruha. Napaka! Hindi 'ko tuloy mapigilang magpaikot ng mata. Ay! Nakakahilo! Nasobrahan ata sa ikot mata 'ko.

"Alam mo Zeph, napakadami mong ipon! Bakit ayaw mong mag jowa?!" Ito nanaman tayo sa pagaalok nila ng jowa. Minsan gusto ko nalang talaga maging imbakan ng pera para hindi kailangang mag jowa! Char! Banko ganon.

"Tse! May food color kaya dito? Gusto ko talaga makakain ng rainbow na ulam! Kahit ako nalang gagawa." Napanguso nalang ako dahil naaalala 'ko nanaman na lahat ng restaurant na napuntahan namin binigo kami. Naiiyak tuloy ako.

"Gaga ka! Seryoso ka talaga?" Napatango nalang ako kay Entice.

Binili 'ko na lahat ng kailangan 'ko sa apartment at pati na groceries sa bahay para may mga pagkain sina mama. Para tuloy akong nag panic buying!

"Napaka dami mong Mangga! Parang dati lang hate na hate mo yan pag inaalok ka namin ni Patrick!" Napa -what the heck look pa si Entice.

"Aba! People change! May nabasa pati akong article na nakaka sexy daw ang mangga." Sa totoo lang wala talaga akong nabasang article dahil kahit naman hindi ako mag mangga sexy na ako! At maganda. Well. Ano ba sakanila kung napahilig ako sa mangga huhu.

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon