Five

99 15 3
                                    

Zephany's POV

Sheteee! Bakit ang sakit ng ulo ko?! Teka at kailan pa lumamig ng sobra kwarto ko? Nagpadagdag ba ako ng aircon? Hala hindi! Unti-unti 'kong dinilat ang mga mata ko. Maayos na ceiling?

Hala! NASAAN AKO?! Wait okay sabi ng nanay ko don't panic at stay calm dahil maganda ako! Napahawak ako ng mahigpit sa kumot na nakatakip sa katawan ko, sinilip ko ang ilalim at shet to the highest power! Wala akong suot!

Okay easy ka lang dahil maganda ka!

"Ahh-ray... Bakit ang s-sakit?" Hindi ko kinaya! Wahhhhhh! Naiiyak na 'ko! Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko... Ay prinsepe! Pero wait ang sakit talaga! Napatingin ako sa tumutunog na phone na pagmamay-ari ata netong si pogi. Teka nasaan ba mga damit ko?!

Ayokong mag-panic pero nakakatakot 'to. Natatakot ako! At kailangan ko nang mahanap mga damit ko at makaalis na agad!

Kaya mo yan! Kaya ko 'to! One, two and three!

"Hmmm..." Napansin 'kong gumagalaw na si kuyang pogi! Kaya kailangan ko na talagang i-endure ang pain! Dapat talaga Sensodyne ginamit ko!

Kahit masakit, mahapdi at hindi ko na maintindihan nararamdam 'ko kailangan ko 'tong gawin sa lalong madaling panahon. Feeling ko ipapademanda ako nitong si pogi. Sa pananamantala ko! Pero tse! Subukan niya, as if naman na hindi niya rin ginusto!

Kahit wala akong maalala, alam ko na siya ang maykagagawan sa'kin nito! Ni hindi ko nga alam manlang ang pangalan niya. Pero feeling 'ko artista at model! Ano ba, Zephany! Ikaw nanga nawalan, gaganyan ka pa!

Kahit pogi ka hindi kita palalagpasin! Siya ang nakauna!

Pagkatayo na pagkatayo 'ko, binalot ko nang maayos ang kumot sa katawan ko. Muntik pa akong matumba dahil sa sakit na nararamdaman ko. Grabe naman! Parang pinanggigilan ako nito! Nakita ko ang hubog ng katawan ni koya niyo! Likod palang panalo na! Kawawa naman, nilalamig ata! Pero tse siya hindi niya parin ako nirespeto!

Wow naman sa lahat ng pwedeng mawala, bakit panty ko pa?! Bahala na talaga! Kinuha ko ang short ko at dress at pumasok na sa banyo.

"Patay ka na talaga." Kanta ko pa habang nagbibihis. Habang nakaharap ako sa salamin kitang-kita ko ang mga pulang marka na iniwan niya sa iba't-ibang parte ng katawan 'ko. Namula naman ako. Pagkabihis na pagkabihis 'ko nag hilamos na ako. Alangan naman iwanan 'ko lang na muka akong nakipag-digmaan dahil sa kalat-kalat na lipstick ko! Muka akong tanga!

Hindi ko alam huh? Pero nang makapaghilamos na ako pansin ko ang papupula ng muka ko at pati na ang labi 'ko. Muka akong.... Blooming? Buti at nahanap ko agad ang purse ko kaya makakaalis na ako kaagad. Pero sleeveless kasi dress ko kaya mas maganda sana kung... Hiramin ko muna coat niya? Hehe wala namang masama diba? Kung siya nga mas labag sa kalooban ko ang nakuha niya!

Aalis na sana ako, nang bigla siyang bumaluktot. Ay nilalamig?

"Tignan mo nga naman. O ayan, sleep well." Pinatong ko ang kumot sa kanya at tyaka naglakad-palabas.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako sa babaeng dumaan na nagtatrabaho ata dito. Muka ba akong okay?! Ikaw kaya ma-first time!

"Eh hehe nako hindi nga! Natapilok kasi ako kagabi e ang taas ng heels ko kaya napuruhan paa ko, kaya ganito ako maglakad!" Napatango-tango naman siya. Nakakaloka talaga! Feeling ko malulumpa na ako!

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon