Zephany's POV
"Kinakabahan talaga ako sir. Pauwiin mo na kaya sila! Sabihin mo joke joke lang! Eh anong sasabihin natin?!" This is the end of the world.
"They need to know, Zephany. Paano mo yan bubuhayin kung walang alam yung mga taong pwede mong asahan?" Napatulala nalang ako kay sir Sed. At tyaka dahan-dahang pumalakpak.
Kaya crush ko na 'to e! Pogi na sexy pa! Sizzling hottie pattotieee!
"I'm fucking serious here, Ms. Alcantara." Luh! Namura pa ako!
"Oo na! Sabi ko nga e. Ito na nga oh!" Inirapan ko nalang siya dahil mukang pati siya e kinakabahan din.
Pfft! Kinakabahan din pala 'to!
Narating namin ang private restaurant at walang pag-aalinlangang binuksan ni sir Sedhyr ang pintuan kaya nagulat ako ng makita ko sina daddy, mommy...
"Patrick... Entice?"
"They insisted to come. Mukang miss na miss ka na e." Sinamaan ko ng tingin si Patrick na ngayon ay nakatingin kay sir Sedhyr!
"Oh! Zephany nandyan ka na pala!" Narinig kong tawag sa'kin ni mommy kaya lalong kinain ako ng nerbyos.
Dapat pala nag rosaryo muna ako!
"M-mommy.. daddy hehe. Buti po nakarating kayo."
"Oo naman! Eto kasing si Sedhyr sinundo pa kami." nagulat naman ako sa sinabi ni mommy kaya napatingin ako kay sir na ngayon ay nakangiting kausap si daddy.
Sinundo pa niya sila?
Hindi ko mapigilang hindi maluha sa nakikita ko ngayon. Oo, kinakain ako ng kaba at nerbyos, walang kasiguraduhan sa kalalabasan nito pero hindi rin biro ito para kay sir.
Nanatili siyang nasa tabi ko. Kahit pa super busy at kilala siyang tao, kahit pa hindi siya sigurado. Nanatili siya sa tabi ko.
Ayokong mag drama kaya pinunasan ko kaagad ang luhang bumuhos sa aking mata. Alangan naman sa ilong diba. Sipon na ang tawag don! Duh best in Science ako nung Kinder!
"Ayos ka lang ba anak?" Buti nalang at hindi nakita ni mommy ang pagiging emosyonal ko. Kaya tumango nalang ako at nakipag chikahan.
Maya-maya at dumako na ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan na biglang umiwas ng tingin at nsg kunwariang nag tatawanan.
Parang mga tanga!
"He-he-he o-oo nakakatawa talaga yon!" Lumapit ako sakanila at tyaka sila kinurot sa tagiliran.
"Hoy! Anong inaarte niyo dyan!" Nagulat ako ng bigla silang mag-iyakan ang yakapin ako ng sabay.
Napatingin tuloy sina sir sa'min.
Sumenyas ako na okay lang kami.
"Wahhhhh! Bakla ka! Na-miss ka namin!"
"Buti nag pakita ka na! Dami namin chika sayo. Huhu! Galit ka ba sa'min ni Pat?" Napataas naman ang kilay ko sabay tawa at iling.
"Luh! Parang mga baliw! Bakit naman ako magagalit?! Na miss ko din kayo mga bakla!!! Mamaya chika chika tayo!"
Dumating na ang mga pagkaing nakapag-palaway sa akin.
Well, ako nag request nyan! Baka kasi mamaya masuka nanaman ako kaya pinayagan ako ni sir!
"Kainan na!" Natawa naman sila sa akin at tyaka ako napatakip ng bibig at peace sign.
Sumenyas si sir na doon ako pumwesto sa tabi niya kaya sinunod ko nalang.
"Ano nga ba ang meron, Sedhyr?" Napaubo ako kaya binigyan ako ng tubig ni Sedhyr.
Mukang hindi na siya kinakabahan ngayon. Pero ako mukang bumalik lahat ng kaba ko na saglit kong nakalimutan dahil sa mga pagkain!
Tila ay ganoon din ang reaksyon nung dalawa kong kaibigan.
"Mr. and Mrs. Alcantara, gusto ko po munang humingi ng pormal sa paumanhin bago pa po ang lahat..." Nakita ko naman ang pagkagulat sa muka nina mommy kaya lalo akong kinabahan.
Naramdaman ko ang kamay ni sir na humawak ngayon sa kamay ko at ngumiti sa akin.
Gusto ko sanang kiligin kaso wag muna. Intense scene 'to sabi ni direk!
"Your daughter is pregnant and I'm the father of the baby she's bearing."
Bago pa ang lahat nag sigawan na kami dahil nahimatay si Patrick at naiwang nakanganga sina mommy at daddy.
"Excuse me sir, let me just help Zephany's friend." Nakita kong tumawag si sir ng kung sino at agad namang nag punta para idala si Patrick sa clinic.
"S-samahan ko po muna si Patrick."
Bumalik ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
Hanggang sa naramdaman ko na ulit ang presensya ni sir Sedhyr.
"Teka.. Hindi ba ako namali ng rinig? Buntis ka, Zephany?" Bigla ng bumuhos ang luha ko tyaka tumango sa tanong ni daddy.
"Daddy, mommy, I'm sorry po. P-patawarin niyo po ako. S-sorry po."
"Ako po dapat ang sisihin niyo kung nagagalit po kayo sa anak niyo. Kaya ko po kayo inimbitahan sa dinner na 'to para ipaalam po sainyo ang sitwasyon ng anak niyo. She didn't want to tell you dahil baka magalit kayo. Pero ako po ang dapat sisihin dito kaya mas pinag-igi ko na pong ipaalam sainyo. Zephany is 1 month and 4 weeks pregant. Handa po akong panagutan siya. "
"Naiinis ako sayo anak. B-bakit hindi mo sa amin pinaalam noong umuwi ka? Kami ang magulang mo kaya dapat kami ang unang makakaalam sa kalagayan mo." Iyak lang ako ng iyak habang pinapakinggan ang mga sermon ni mommy.
"Pero ano pa nga bang magagawa namin? Nandyan na yan at.... Wag kang mag-isip na magagalit kami sayo! Nagulat kami kaya nainis kami pero anak ka namin, Zephany. Nandito kami para sayo. At ikaw naman, Mr. Sedhyr, sana naman at mas naging maingat ka?" Lalo akong naiyak kaya tumakbo ako para yakapin si daddy.
"Mommy? Sorry ulit ha? Wag po kayo maniwala kay sir Sedhyr. A-ako po talaga ang may kasalanan. Siya po yung CEO ng company na pinapasukan ko at sa hindi po inaasahang pangyayare e siya po yung aksidenteng nakasama ko. Daddy, mommy wag niyo pong sisihin si sir. Kasi po kahit po hindi pa po talaga siya sigurado na siya ang ama ng dinadala ko e siya po yung nanatiling nandyan para po gabayan ako noong pinaalam ko po sakanya ang kalagayan ko. Opo, wala po kaming relasyon. Nagulat nalang din po ako sa mga pangyayare."
"Anak naman e! Syempre normal naman na mainis o magalit diba? Pero suporta namin ang kailangan mo ngayon at tyaka wag kanang umiyak..... So, Sedhyr, ano ang binabalak mo? Thankyou sa pagagapay sa anak namin pero kung napipilitan ka lang at na-cute-tan ka lang sa anak namin e pwedeng kami nalang ang mag-alaga sakanya. Walang pilitan." Saad pa ni mommy na lali kong kinaiyak.
"Mr. Sedhyr, tama ang asawa ko, kung sa tingin mo ay napipilitan kalang e pwede kang umatras. Kaya naman naming buhayin ang anak niyo. At tyaka hindi mo naman din pala sinasadya hindi ba?"
"Buo na ho ang desisyon ko. Paninindigan ko po si Zephany." tinignan pa ako ni Sher-sherep. Ay este ni sir Sedhyr kaya lalo akong naiyak.
"May aamin pa po sana ako..." tumingin silang tatlo sa akin, nakita ko pa ang pag kunot ng noo ni sir kaya mas lalo akong kinilig ng patago.
"Crush na ata kita, sir Sedhyr. "
....Happy reading, Jeenies!
....
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)