Kyline's POV
"Yup! And for your information, valid siya kahit kailan so yeah."
"Wow! Grabe! Ibig-sabihin pwede kaming makapunta sa studio niyo anytime?!" I nodded and laugh at ate Entice and Kuya Patrick. Binigyan ko kasi sila ng pass sa studio ng Victoria Secret.
"Ay susko! Hulog ka ng langit! Feeling ko nandoon na ang the one ko?" Binatukan naman siya ni ate Zephany.
"Ay nako, Ky! Wag mo ng intindihin yang si Pat!"
"So ano, aalis na ba talaga kayo?" Ate Entice suddenly ask ate Zephany.
Si kuya naman kasi padalos-dalos ng desisyon! Well, okay naman talaga na lumipat na sila ni ate Zephany but that doesn't have to be agad-agad!
Mas safe si Ate Zephany and their baby pag lumayo sila dito. Unang-una dahil nandito si lolo. Well, lolo has his ways to found out about their secret pero ang nakapag-tataka bakit kaya nananahimik pa rin si lolo at puro babala lang ang binibigay niya kay kuya.
I'm freaking sure na lolo knows everything already. At alam ko din na may plinano na siya para dito.
Sa katunayan nga ay sobrang natatakot na ako para sakanila ni kuya. Pero kilala ko si kuya, alam niya kung ano ang gagawin niya.
God, please help ate Zephany and kuya Sed...
"Oo e, akala ko nga nung una nag jojoke time nanaman si Sed kaso ayon seryoso talaga siya. Kahit nga itong si Ky hindi rin alam yung plano ni nun! Nakakainis nga e! Hiwalayan ko na kaya?"
"Gaga! E hindi pa nga kayo!" Natawa nalang ako sakanilang magkakaibigan.
"Ate, can I talk to you?"
Zephany's POV
Kakakaba naman 'tong si Kyline! Feeling ko aaminin niyang bakla na si Sedhyr!
Paano ba naman kasi, kagabi nilalandi ko siya pero bigla lang akong tinalikuran!
"Oo naman. Halika sa terrace, wag dito mga chismosa yan e." Sinamaan naman ako ng tingin nina Entice kaya napa-peace sign ako.
"About sa biglaan niyong pag-alis ni kuya. I know na naguguluhan ka rin pero you have to give your full support to kuya, ate. He needs you." Hinawakan niya pa ang kamay ko kaya lalo akong napangiti.
Una palang, naniwala na ako sa taong tinutukoy niya. Sabihin na nating, muka akong walang mapapala sa buhay pero alam ko kung ano ang ginagawa ni Sedhyr, kung ano ang pinag-dadaanan niya ngayon na lubos niyang pinag-iingitan na wag akong idamay.
These days napapansin ko na masyado siyang hands on sa mga trabaho niya na to the point e minsan niya nalang sinasakyan yung ma trip ko. Nakita kong seryosong-seryoso siya kaya binawasan ko yung kamanyakan ay este kakulitan ko.
Sure ako na tungkol nanaman 'to sa mga banta ng lolo niya. Naaawa na nga ako kay Sed dahil halos puro trabaho na yung buhay niya at idagdag mo pa ako diba?
Inaamin ko naman na minsan pabigat ako sakanya kaya nga bumabawi ako sakanya kahit sa mga maliliit na bagay lang.
At oo nga pala, isang linggo na niya akong nililigawan. Tuwing uuwi sya galing kumpanya ay may dala siyang bouquet of flowers at mga pagkaing dala ng cravings ko.
Sa katunayan lang nga, parang sobrang bait sa'kin ni Lord. Kasi naman e, sa hindi inaasahang pagkakataon kung saan ako nangangarap e bigla niya akong binigyan ng blessing na ganito.
Aminado naman ako na natakot talaga ako nung una, nag matapang lang ako at kinaya kong harapin yung sitwasyon ko. At ngayon nakilala ko si Sedhyr.
Yung lalakeng bumago sa pananaw ko sa pagmamahal, parang dati lang kasi nangangarap ako na mapang-asawa ko si Daniel Padilla pero ngayon? Wala na akong mahihiling pa.
Si Sedhyr yung ideal partner in life ko. Siya lang ata yung lalakeng nakatiis sa kakulitan at kabaliwan ko.
Gusto ko na ngang mahulog ng tuluyan kaso wag nalang baka magkapasa ako mahirap na. Bawas kinis ng kutis! Charing!
"Hindi ko iiwan ang kuya mo, Kyline. Kahit pa anong mangyare. Kung ako nga na tinanggap niya kahit sa hindi inaasahang pagkakataon kung saan hindi siya sigurado ano pa ako diba? Sobrang swerte ko sa kuya mo. Minsan nga iniisip ko na hindi kami bagay kasi tao kami, ay I mean iniisip ko minsan na tama bang magsama kami? Ang perfect kasi ng kuya mo! Nakakahiya naman sa kagaya ko. Pero wala e, hulog na ako. Wala na akong mahihiling pa." Yinakap ao ng Kyline kaya yumakap nalang rin ako pabalik.
"I love you, ate! Bagay na bagay kayo ni kuya. Thankyou for coming into our lives. Sobra akong masaya dahil nakahanao si kuya ng someone like you."
"Enebe! Hindi char! Mas maswerte ako sainyo, Kyline. Promise! Hope to die na hotty and sexy! Aalagaan ko kuya mo."
Maya-maya pa ay dumating na rin sina mommy at daddy.
"Anak! We miss you!" Nagyakapan naman kami, medyo nag-inarte pa ako! Iyak-iyak ganern!
"Kamusta naman ang pag-bubuntis mo? Nahihirapan ka ba?"
"Basic! Kasi nandyan si Sedhyr..." Nagulat nalang ako ng mag- “ayieeeeeeee” sila.
"Really?" Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ng taong gustong-gusto ko na makita!
"Wahhhhh, Sed! Huhu akala ko iniwan mo na ako e!" Tumakbo ako para yakapin siya. Agad ko namang naramdaman ang palad niya sa aking bewang.
Shutangina! PBB TEENS!
"Why would I leave you, Ms. Zephany? But I would love t.." Napa-angat naman ang tingin ko sakanya. Sinimangutan ko siya at tyaka kinurot at kanyang tagiliran.
"Aray! You, sadist pregnant woman!" Binelatan ko siya at tyaka pumunta kina mommy na ngayon at kilig na kilig.
Hmmp! Kakainis talaga siya!
"I'm just joking, Zeph. Come here, I need a kiss." Nanguna naman sa sigaw si Patrick at Kyline habang si Entice naman ay nakatakip ang muka habang humahagikgik.
"Yoko nga!" Umupo ako sa sofa at tyaka nag crossed arms. Kunware inaapi ako ganon!
"Awww! My baby's mad at me." Naramdaman ko nanaman ang palad niya sa aking bewang kaya napangiti ako! Potek na yan! Konting pabebe naman! #WagTularanMarupok
"I have something for you." Nagulat ako ng tumayo siya at may nilabas na maliit na box mula sakanyang bulsa.
Napahawak ako bigla sa aking bibig.
Shet! Eto na ba yon?!
"Hoy bakla! I-video mo!"
"Zephany Genia Zamora Alcantara, will you...."
"Will you runaway with me?" Nakita ko ang isang kwintas sa maliit na box na kanyang binuksan.
Umasa nanaman ako! Kakainis!
....
#2 in pregnant!
Happy reading, Jeenies!
....
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)