Zephany's POV
"Alam mo ang kj mo." Ito nanaman tayo. Feeling ko kinokontrol na ako netong magagaling kong kaibigan. Imbis na mag-isa lang ako sa apartment ko ngayon, lumalamon at nagliliwaliw pero ito ako ngayon, mulat at nakikipagratratan sa mga kaibigan kong nagmamagaling!
"Alam ko." Napabuntong-hininga nalang sila sa sagot ko. Osige di sana nag punta nalang ako kay Boy Abunda.
"Kakaloka ka bakla! Pumayag na nga si tita! And hello, 22 years old ka na!" Sumang-ayon naman si Entice. Entice nga pala mga tol, girlfriend ko. Ang twist talaga ng story na to tomboy ako. Ewwww! Of course not! Since birth love ko na mga abs! But, hindi ako against sa churvalung bakla, tomboy, butiki at baboy! #RAINBOW #LGBT (Winks)
Malay niyo, tayo mag katuluyan!
"Tang*na lang. Paaabutin mo pa bang maging lalake tong si Patrick bago ka lumandi?" Singit naman ni Entice. Palibhasa may jowa! Hinampas siya ni Pat na umaarte pang nasusuka.
"Alam niyo namang work work work muna ako diba? Focus muna sa karera. Ipon muna. Commitment is just a waste of money! Gagastos at gagastos ka lang." Lalo silang napa-irap sa sinasabi ko. Aba realidad kaya to at hindi fantasy na kung saan aasa ka sa kapangyarihan! Kaya ganito Pilipinas e!
"Alam mo girl bahala ka. Diba't ikaw na ang nagsasabi..." Uy kanta yon diba?
"Na ako'y mahal mo rin?" Shet naalala ko nanaman boses ni Daniel my loves!
"Ano ba? Seryoso ako dito, Zeph. You can't just live your life without someone! I mean sooner or later baka ikakasal na kami. Talaga bang walang magpapalambot sa puso mo? Sabi mo pinanganak kang maganda at sexy? Then prove it!" Napaisip ako don huh? Maganda at sexy ako dapat ginagamit ko na to! Time is gold.
Teka nga! E hindi pa naman aki gurang huh! Kakaloka, 22 years old palang ako!
"Oo na." Mukang nagulat sila sa sagot ko kaya napa-ubo si Pat habang si Entice naman kinuha ang remote at minute ang TV.
"Sabi ko oo na. Hahayaan ko na kayong pasamahin ako sa party na yan." Nagtilian naman ang dalawa.
"At dahil dyan mag-oorder ako sa Mcdo! Ano gusto niyo?" Nagningning ang mga mata ko sa sinabi ni Entice. Kung pwede ko lang sabihin na pwede ba lahat ng nasa menu?
"Magpapa-huli ba ako? Of course not! Ako taya sa Pizza." Sabay kindat pa ni Patrick. Woah, ang swerte ko sa mga kaibigan ko!
"Hehe may wine ako. Wait kunin ko lang." Pagka-tungo ko sa kusina nagtatatalon agad ako. Asawahin ko nalang kaya si Pat at Entice? Mabubuhay pa ako ng malusog at mayaman. Edi maginhawa ang buhay!
"Kuripot mo talaga! Gaga ka!"
Tumingin ako sa lagayan ng wine at sparkling nalang talaga ang avail! Ayos na rin to para hindi kami bangag bukas sa office!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)