Sixteen

74 17 15
                                    

Zephany's POV

"Nako iha! Mukang hindi ka pamilyar sa aming lugar. Sino ba ang iyong pakay?" Inabutan pa ako ng isang basong tubig. Wow, hospitable at generous naman po pala! Feeling ko bumalik ako sa sina-unang panahon! Mala- I love you since 1892! Bongga! Pak!

"Ay opo. Galing po akong Maynila. May hinahanap lang po ako. Importanteng tao po." Paimportante kamo! Nakakaloka! Akala mo naman isa siyang sikat na Hollywood artist kung makatago naman ng bahay niya!

Ayan, saan ko tuloy mahahanap ang bahay niya?! Kakaloka na huh?! Ang init-init ng biyahe ko buti nalang at medyo presko dito sa Tagaytay, tapos ako etong buntis na naghahanap sa nanlumpo sa akin ng isang linggo! Kakaloka!

"Ay nako! Buti at nakarating ka kaagad. Sino bang hinahanap mo? Baka kami'y makatulong." Ay shunga shunga ko naman! Bakit ba hindi ko naisip na magtanong?! Nakakahiya!

So sa dinami-dami ng pinag-daanan ko ni isa hindi ko manlang nakuhang mag-tanong. Wow, magic!

"Nako kahit po ako hindi ko alam kung sino ang hinahanap ko." Napaawang naman sila sa sagot ko. Aba, totoo naman he's a stranger kaya! Nakipag harutan ako sa taong hindi ko kakilala at huskomarihosepalus! Boss ko pa! Masaklap CEO yon! Big time, big time bigti na friend!

"Hehehe actually po hindi ko po kasi masyado kakilala yon. Pero po baka po kakilala niyo siya. Saan po ba ito makikita?" Hinarap ko ang cellphone ko sakanila pero lahat sila malaki ang mata!

"Ay shet! Tangena ka." Nagulat ako! Shet! Nakakahiya! Picture pala eto ni Daniel na nakahubad! Shet! Shet! Nakakahiya! Sorna, baby! Hindi ka pa nakakalabas kikakahiya mo na agad ang pagiging nanay mo!

Qualified ba ako maging mader dear?

"Eehehehe s-sorry po. Eto na po talaga." Hindi ko na inalis ang mata ko sa phone para sure. Nagukat sila nung pinakita ko yung mansyon nina Sir. Walford. Ang iba naman ay nagulat at si mo alam kung naiihi o sadyang kinikilig.

"Bahay nina Senior at Seniora! Ang mga Walford." Nag bulungan naman yung dalawang babae. Luh! Problema ba nila!

"Nako! Nandyan lang eto iha. Sabihin mo sa dadaang tricycle sa ikatlong ahon, sa mga Walford. Alam na agad nila yon. Kaano-ano ka ba nila iha? Anak ka ba ng Senior?" Luh! Ano akala niyo anak ako aa labas?! No way! Sa ganda kong 'to?

"Nako hindi po, makikipag-personal na usap lang po sa anak nila na si Mr. Sedhyr Walford po." Mababait naman talaga ang mga tao dito. Yun nga lang karamihan sakanila malalalim mag tagalog. Bakit ganon?

Pero bet ko! Feeling ko ako si Carmela!

"Ma'am nandito na po tayo. Hanggang dito lang po ang tricycle. Lalakarin niyo po talaga papuntang gate ng mga Walford." Binigyan ko siya ng sapat na bayad at tyaka na bumaba.

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon