Forty

36 1 0
                                    

Zephany's POV

"Good day, Mr. Walford and Ms. Alcantara! Have a sit!" Agad naman akong inalalayan ni Sed na umupo. Kakaloka, ano lampa lang?!

"Shuu! Kaya ko na sarili ko, duh!" Napa-irap naman si Sed at tyaka umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Natawa pa sa amin si doktora kaya napakunot ang noo ko, minsan talaga try ko mag clown. Feeling ko kikita talaga ako e. 

"So, let's proceed! Mukang mas nag blo-bloom si Zephany ha?" Luh, nambola pa si dok! Bulungan ko mamaya si Sed, sabihin ko bigyan tip!

"Syempre naman dok! Alagang Walford." Kinindatan ko pa si Sed kaya napatawa nanaman si dok. Kakaloka!

"Yes, doc but sometimes she's too hyper and... Crazy. Is that normal?" Sinamaan ko siya ng tingin pero tila seryoso siyang nakikipag-usap kay doktora! Aba! Mamaya ka sa'kin!

"Nako, Mr. Walford sa 4th month talaga ng pagbubuntis expected na ang pagkakaroon development in terms of their behavior and physical appearance. Lalong mas magiging active at stable. The early signs and symptoms of pregnancy will lessen already hindi na kagaya ng dati. Mas careful lang dapat sa mga tinetake, activities and etc. You can still do it lalo't normal ang pagtaas ng hormones niya in terms of sexual function. Just be careful when you're making love with her." Napaawang naman ang labi ko sa aking narinig pero tila wala naman itong epekto kay Sedhyr! Ha?! Anong making love?!

"How about the gender?"  hindi pa tapos sagutin ni Mrs. Delferneza pero agad nanaman netong dinagdagan ng tanong. Aba! Ako dapat magtatanong nyan!

"Actually, we can already perform an ultrasound check for that. Yun talaga ang main agenda natin for today. I'll examine your baby's genitals and look for some signs, which suggest whether the baby is a girl or boy." Napatingin naman ako kay Sed. Paano ba naman kasi! Hindi ako prepared! Kinakabahan talaga ako e!

Hinawakan naman niya ang aking mga kamay at tyaka ako nginitian.

"Take a deep breath, Zephany." Uto-uto naman akong sumunod at tyaka sumama kay doc! This is it! Omg!

"Lay down first.... So.." Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa ginagawa sa akin ni doc! HAHAHAHAHAHAHAH! May kiliti naman kasi ako! Nakakainis ha! HAAHAHAHAHAHAH!

"W-wait lang, doc! Hehe, may kiliti kasi talaga ako.... Sige na, game." Pagkatapos niyang pahiran ng kung ano ang aking tyan afad niya na itong tinutukan ng... Basta yung panh ultrasound!

May inadjust naman siyang something doon sa screen.

Maya-maya pa ay tila tumigil ang mundo ko noong marinig ko ang sunod-sunod na tibok na nanggagaling doon sa screen.

"Hear that? That's your baby's heart beat.... This part is the head of the baby... And and legs.... Mukang gising ngayon si baby... And ohh! Congratulations, your baby is a boy!" agad naman akong napa-iyak at tyaka napahigpit ng kapit sa kamay ni Sedhyr. Napa-upo at napayakap kay Sedhyr. Hinayaan kaming manatiling ganoon ni doc for a minute, anong gusto niyo hour?! Huhu, naiiyak ako.

"Congratulations, again! Reresetahan ko lang kayo ng mga medicines at tyaka pala yung nirecommend kong brands ha, yung milk dapat everyday 'yon."  Bati pa ni doc. Hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin din si Mrs. Delaferneza!

"T-thankyou po talaga, doc. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako pinasaya."

"You're always welcome. Teka masyado ka naman atang natuwa sa akin, baka maiyak din ako ha!"

"Thankyou, Mrs. Delaferneza." Dagdag pa ni Sedhyr.

"No problem, Mr. Walford. Basta kayo, alagaan mo itong si Zephany ha? I'm looking forward to your relationship." Nakipag-kamayan pa siya kay doktora kaya ako naiwang nakangiti.

Wala na talaga akong mahihiling pa, hindi ko alam kung pang ilang beses ko na itong sinabi sainyo. Pero kumpleto na ako.

Maya-maya pa at lumabas na din kami. Hindi ako nagsasalita hanggang sa nasa kotse na kami.

"Are you okay, Zeph?" Ewan ko pero mahal na mahal na mahal ko na talaga si Sedhyr! Naiiyak tuloy ako tuwing naaalala ko na siya pa yung nag-aasikaso sa akin kahit pa super busy niyang tao, at kahit pa alam kong stress na stress na siya.

"Sedhyr, sorry ha?"

"Ha? What sorry? May ginawa ka nanaman bang kalokohan?" Bigla ko nalang siyang yinakap at hinalikan. Tumagal iyon ng ilang segundo habang nakahawak siya sa aking bewang.

"I love you, Sedhyr. Hinding-hindi ko pagsisisihang nakilala kita sa hindi inaasahang panahon at lalong-lalo nang mahalin ka." Bulong ko pa. Hinawakan niya ang aking muka at tyaka ako ulit hinalikan.

Naubusan na ako ng hininga kaya tinulak ko siya. Walastik! Magiging cause of death ko pa ata 'to! Sumilay pa ang matatamis niyang ngiti tyaka umayos ng upo.

Umayos na din ako ng upo at tyaka ngumiti ng sobrang tamis sa lalakeng nasa tabi ko.

"I love you too. Now wear your seatbelt on." Agad naman akong sumunod na parang nagmamadali. Ewan ko ba!

"Tse! Muntik na ako maubusan ng hininga!...Bakit nga pala wala si Kuya Naldo?"

"May pinaasikaso lang ako." Sagot niya naman. Kinuha ko nalang ang manga na binalatan niya kanina. At nang magsawa na ako natulog na muna ako.

"Hey, love. Wake up, nandito na tayo." Kinusot ko ang aking mga mata at tyaka nag-unat. Huhu, na miss ko 'to!! Lam niyo yung feeling na ilang buwan palang kaming nagsasama tapos ang dami ng nangyare?! Okay, hanapin niyo nalang yung connect.

"Be careful." Tumango naman ako sakanya at ngumiti. Nakahawak ako sa aking tyan noong bumababa ako sa kotse, paraas feel diba! Damang-dama ganon.

Pero teka nga! Bakit parang ang ingay sa loob?!

"Hoy, Sedhyr! Bakit parang ang ingay sa loob?" Hindi ako sinagot ng loko at tyaka lang nag dire-diretsyo sa malaking pintuan papasok ng bahay nila.

Agad akong napa-takip ng bibig noong makita ko na kumpleto silang lahat sa loob, si mommy, daddy tas sina Kyline, Mamang, Kyline, Patrick, and yung mga poging kaibigan ni Sed!

"Bro!" Sumalubong na sa amin ang mga ito, nauna na ang mga kaibigan ni Sed.

"How are you, Zeph?" Okay naman ako. Nakakatamad mag-salita kaya tumango nalang ako at nakipag- beso!

"Hoy bakla ka! Kaya naman pala nagmamadali kayo ni Entice kanina!"

"Aba, syempre! Alam naman naming mas matutuwa ka kung nandito kami kaya ayon. At itp kasing si sir Sed! Binigyan ang ng leave for a week, nagulat nfa mga kasama ko sa office!" Hala, nakakamiss mag trabaho!

"Tyaka pala si Jerome!... Oh ayan, pinadala niya. Hanggang ngayon deds na deds pa din sayo! Ikaw na mahaba ang hair! Kakaloka!" Bigla namang nagliwanag ang aking mata sa isang basket ng Manga at dalawang malaking Cheezy! Wahhh!

"Who the hell is Jerome?" Napatigil naman ako sa pakikipag-yakapan sa isang basket ng Manga ng umepal si Sed. Hmmp! Pasalamat siya love na love ko siya!

"Nako, ayang si Zephany ang pagkwentuhin mo, sir!"

"Alis na muna kami ni Pat! We'll help them muna sa pag-aayos ng foods!" Um-exit naman ang dalawang bruha at tyaka ako iniwan kay Sed.

"So, who's Jerome?" Putek! Alam niyo yung feeling na kinakabahan ka kahit wala namang dapat ikakaba! Kakaloka, dumagdag pa mabilis na pag tibok ng puso ko.

"Si a-ano.... Sed, n-nahihilo ako..." Naramdaman ko nalang ang pag-bagsak ng hawak ko at paggiling ng aking katawan.

"What the... Zeph!" At doon na ako kinain ng dilim. Wow, kinain, ano nga daw lasa?!

....

Happy reading, Jeenies!

....

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon