Zephany's POV
Nakakaloka huh?! Sinisira nila ang beauty ko. Pinalaki ako ng nanay ko na maganda at sexy at hindi para utusan at pagurin.
Ako nga pala si Zephany Genia Zamora Alcantara, 22 years old and single ready to mingle. Bukod sa matangkad, morena (mala-Kathryn Bernardo kutis ko) at sexy ako syempre dapat matalino rin pero hehe nung nag-paulan si Lord ng katalinuhan e nako nag-bebeuty rest ata ako non. Pero like duh nag tapos ako ng College sa UST no! University of Santa Timang.
"Ms. Alcantara, where are the papers?! Kanina ko pa pinaayos yon huh?" Bumungad sa akin ang mala miss Minchin na katrabaho ko and for her information parehas lang kami ng position dito no! Pasalamat siya tinuruan ako ng nanay ko maging mabait at masunurin. Ni hindi nga kami mag ka-age well 22 ako siya 62 char siguro 62-29 wait teka ayoko mag math wala ako sa mood basta 30 na siya, tignan mo nga naman feeling close din to akala mo naman secretary niya ako.
"Ito naman si Ma'am Girago masyadong atat! Syempre tapos ko na. Ito na nga o idadala ko na sa office mo, Ms. Girago Mirasol." Napangisi nalang ako habang hawak hawak ang isang damukal ng papel na akala mo naman isa siyang abugado na madami ang kasong inaasikaso (taray rhyme). Binati ko ang mga ka-trabaho ko tyaka sila bumati pabalik. Ito kasing si Girago, giragag* ako. Joke lang kayo naman di mabiro!
"Wow yan gusto ko sayo, Zephany! Ano pwede ka ba mamaya?" Napatingin ako sa lalakeng nagungulit simula noon pa lang. Kinuha niya ang mga papel na hawak ko pero kinuha ko din pabalik.
"Hindi ba't sabi ko sayo huwag ako?" Ginaya ko talaga si Ivy Aguas e. Huwag ako! Duh kasi naman ang kulit niya simula ata intern palang ako dito huhu buntot na yan sa akin. 23 lang naman siya, pogi, cute, maputi, matangkad at matangos ang ilong pero wala e. Walang spark. Tinry ko naman talaga pero hindi pa wala pa. Diko pa type. Well yes hindi ko pa type. Malay ko sa tadhana mamaya mabundol ako ng bike tapos type ko na siya bigla.
"Lagi mo namang sinasabi yan, Zeph. Pero huwag kang mag-alala next time irerecord ko na." Kinuha niya ulit ang lapida ay este ang mga papel na hawak ko. Aba hindi niya pwedeng Irecord ang golden voice ko! Ipapa-album ko mga kanta ko no. Dun ako sa kikita ako syempre! Because life is a running opportunity, kailangan mong habulin! Or else maiiwan kang mag-isa. Well you know best in Araling Panlipunan ako nung High School! So I'm talking about Impormal na sektor. Wait teka? Anong connect? Bahala na! Sanay kanaman humanap ng connection kahit hindi naman kayo compatible sa isa't-isa. (Pasok, Moira!)
"Pasensya na kung papatuhugin na muna...." Napatingin ako sa janitress na kumakanta! Hala anong tuhugin?! Iba talaga nagagawa ng mga kanta ni Moira no?
"Hoy excuse me! Lumagpas na tayo sa sementeryo!" Nagtawanan naman ang mga ka-officemate namin. Minsan gusto ko nalang talaga maging clown. Parang mas ma-aappreciate nila existence 'ko. Tinuro ko pa ang office ni Girago na nalagpasan na nga namin. Napakamot nalang siya ng ulo. Minsan nga pag day-off kutuhan ko 'to.
"Thanks, Jerome! Don't worry next time iibahin ko naman isasagot ko sayo." Kumindat pa ako sakanya. Ayon nahimatay ang loko! Joke lang kayo naman!
"Hehe basta mamaya huh sabay tayo mag-lunch." Tumango nalang ako. Kakaloka talaga si Gilago.
Nilapag ko ang mga papeles ng biglang napukaw ang atensyon ko sa isang card na nakapatong sa table ni Ms. Gilago.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mated To A Stranger
HumorONE NIGHT. They met unexpectedly, just how fast they fell to destiny's greatest twist. Can both of them handle the unexpected twist of their fate? "You'll always be my greatest unexpected twist." (Highest ranking - #1 in Mated)