Thirty Eight

35 1 0
                                    

Sedhyr's POV

"I'll be there. Yeah..." Napatingin ako kay Zephany na ngayo'y tulog pa rin. Napangiti nalang ako at tyaka siya hinalikan sa noo.

I have to meet my lawyer. May pag-uusapan kami, hindi ko alam kung may nalalaman na si Zephany pero tumawag si Mr. Dela Verde na may nag-pakalat na ng arranged mariage setup ko with Sheena at ng merging project ng kumpanya ko at ng Fimentel.

I texted Kuya Naldo para madali akong makarating sa aking pupuntahan. I can't drive lalo't mainit ako ngayon sa media.

That was the reason why I drank last night, masyado ng maraming nangyayare sa mundo. Sobrang bilis kumalat ng mga balita, hindi mo na namamalayan kung totoo ba o gawa-gawa lang para maki-uso. That's what I hate about this toxic society. Isang kalat, marami na ang nakisawsaw.

After preparing a breakfast for Zephany umalis na ako agad para makipag-kita kay Mr. Dela Verde.

"Good morning, Mr. Walford. Sorry ho kasi hindi namin sila napigilan at mapaalis. Tumatawag palang ho kami ng mas maraming security."

Maraming nag-aabang na reporters sa labas ng building kaya nahirapan akong maka-alis agad buti nalang at dumating ang mga kaibigan ni Zephany bago pa man ako tuluyang makalabas.

"Uy, saan si Zeph?!" Patrick asked. Sumenyas naman ako na nasa taas si Zephany.

"Lagot. Patay ka, Sed. Paano ka niyan makakaalis e nagkakagulo reporters sa labas? E kami pa nga lang netong si bakla nahirapan ng dumaan!"

"Ay wait! May naisip ako.... Ganito sir Sed, sisigaw ako at tuturo sa ibang direksyon para doon sila pumunta! Gumora ka nalang agad para bongga na!" Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya pero agad niya na itong ginawa.

"Ay shukla! Omg! Si Mr. Sedhyr Walford! Nandon! Wahhh!" Nagtakbuhan naman ang mga reporters sa tinurong lugar ni Patrick kaya agad-agad na akong umalis. Buti nalang at nandito na agad si Kuya Naldo.

"Nako, sir. Sorry po pala kahapon! Akala ko kasi uuwi kayo ni Ms. Zephany sa Batangas kaya doon po ako nag-stay. Hindi po pala kayo tumuloy "

"I forgot about that yesterday, maski si Zephany nagalit sa akin, Kuya Naldo."

"Naku, sir! Alam kong naiintindihan ka 'non! Alam niya naman ho na busy kayo, nag text pa nga si ma'am kay Manang Hera kagabi. Nag-sorry daw ho kasi hindi daw kayo tuloy." Oo, nga pala. Gustong-gusto niya ng pumunta kina mamang.

You know, sometimes, I fucked up.

"She really wanted to visit mamang and to see Finther. Hindi ko naman matanggihan pero sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaharap kami ni lolo kahapon..." tila nagulat naman si Kuya Naldo.

"Ho?! Sinaktan ho ba kayo? Nako, sir! Aksyonan niyo na yang lolo mo! E si manang nga nag-aalala din doon kahapon dahil sa mga balitang kumakalat na alam niyang lolo niyo ang nagpakana!"

"May plano na ako, kuya Naldo. Yun lang, sana hindi maapektuhan si Zephany. Doon kasi ako natatakot, baka dumating yung araw na masaktan ko siya."

I'm sorry, Zephany.

I know to myself na nagkamali din ako kahapon. Maling-mali na hinayaan kong gawin ni Sheena ang ginawa niya kahapon but still I let her for a fucking minute.

Sheena was my first love, nakilala ko siya noong highschool student palang ako. She was my partner in everything, she's purely innocent about many things. Kung baga, iba siya.

Dumating na ang 3rd year College year naming dalawa at doon na pumasok at nanggulo ng tuluyan si lolo.

He threatened me na hindi kami ni Kyline magkakaroon ng magandang kinabukasan kung hindi ako makikipag-hiwalay kay Sheena. Dinamay pa niya ang pagpapa-aral niya sa amin ni Kyline.

I broke up with her kahit na labag sa loob ko. Pero after 'non, nalaman ko na may iba na agad siya.

Yesterday, when I saw my ex, ibang-iba na ang nakita kong tao. Hindi ko alam pero hindi ko na siya makilala.

At hindi ko na siya mahal kaya bakit pa ako maaabala?

I already received my greatest blessing from God. And that is Zephany and my baby.

"Sir, nandito na ho tayo." I immediately looked outside the window to check if there's any media related shit or a crowd.

Walang tao kaya agad na akong dumiretsyo sa loob at pinuntahan ang table kung saan naka-pwesto si Mr. Dela Verde 

"Oh! Good morning, Mr. Walford!" Bati pa niya.

"I'm sorry for being late. Did you get a meal already? It's on me, Mr. Dela Verde."

"Quit being so formal, Theo. Okay na ako, so let's start?" He's been a great friend of my father. Siya ang nagkusang tumulong sa amin ni Kyline noong panahon na strikto at mahigpit kaming nasa puder ni lolo hanggang sa tumanda na kami.

He's one of the best lawyer in our country and a very well known person in our industry.

"8:00 pm, yesterday kumalat ang bali-balitang may kasalang magaganap sainyo ni Ms. Sheena Fimentel at ang merging project ng inyong kumpanya. I took the articles all down already but they kept on publishing the rumors and spreading it. Lalo na nung nag labas ng mga litrato ang isang hindi kilalang website. Yung mga dating photos niyo ni Sheena na labis na pinagkaguluhan sa social media. I reported their page at natanggal naman and someone texted me awhile ago." Hinarap niya sa'kin ang kanyang phone kaya nabasa ko ang mensaheng pinadala ng isang anonymous na tao.

“Stay out of our plans, Mr. Dela Verde. Kung ayaw mong madamay at mapaginitan namin ang pamilya mo.”

"Fucking trace the number, tito. I'll send more securities to your house."

"I got it, Theo. Just go with the flow and take it easy. Magagamit natin 'to para sa kasong maaari mong isampa sa lolo mo."

The meeting was a serious one. Marami akong nalaman at mas naging kampante ako sa mga plano ko. Gagawin ko lahat para sa pamilya ko.

Dumiretsyo ako pabalik sa condo para dalhan ng pagkain si Zephany.

I've decided to moved our plans yesterday to this day. Habang tulog pa siya ako na ang nag impake ng mga gamit na dadalhin namin.

Habang nag-iimpake ako bigla nalang may yumakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang malaki na niyang baby bump.

Apat na buwan na kasi siyang buntis st ngayon palang kami bibisita ulit sa doktor niya.

"Good morning! Anong ginagawa mo? I gently removed her hands and faced her. Gulo-gulo pa ang buhok nito pero mas nag muka siyang nakaka-akit para sa akin.

I'm fucking inlove.

"I rescheduled our plans yesterday ngayon. Is that okay.. Or you're not in the mood?"

"Aba! Sinong shokla naman nagsabi sa'yo niyan ha?! Hmmp! Magpapaganda na ako wait!"

....

Happy reading!

....

Unexpectedly Mated To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon