"Princess.. pasensya ka na pero kailangan na naming umalis ni dad kasi naghiwalay na sila ni mommy at sa ibang lugar na kami titira.."
"Iiwan mona ko?" Naiiyak na sabi ni hazelle habang hawak ang mga kamay ng kanyang kaibigan.
"Hindi naman sa ganon, Princess. Magkikita pa naman tayo diba? Promise ko 'yan sayo." Sagot nya habang nakangiti at tinaas ang finger promise nito.
"Promise?" Itinaas din naman ng batang si hazelle ang kanang kamay at pinaglapat ang kanilang dulong daliri para sa isang pangako. "Bago ka umalis sayo nalang 'to."
Tinanggal ng batang si hazelle ang kanyang suot na kwintas at isinuot ito sa kanyang kaibigan. "Yan ang ganda! Bagay sayo, wag mong iwawala yan huh gusto ko kapag nagkita tayo ulit makikita ko 'yan sayo." Nakangiti nitong sabi.
Napangiti at napatango ang batang lalaki habang nakahawak sa suot nyang kwintas. "Kailangan ko ng mag paalam Princess,"
"Mag iingat ka palagi ah?"
"Oo para sayo. Basta ikaw 'din ah?" ngumiti sya ng matamis kahit sa kabila ng mga ngiting iyon ay ang lungkot dahil maglalayo na ang kanilang landas ng kanyang matalik na kaibigan.
Naiiyak na napatango ang batang si hazelle. Hindi naman nagtagal ay tumalikod na ang kanyang kaibigan sakanya at naglakad papalayo.
Nang makalayo ang kaibigan nito ay tsaka tumulo ang mga luha nito. Gustong mayakap ng batang si hazelle ang kanyang kaibigan kahit sa huling pagkakataon kaya hindi nya na napigilan pa ang sarili ay tumakbo sya papunta sa direksyon ng kanyang kaibigan.Tinawag nya ng malakas ang pangalan nito at umiiyak na tumakbo papalapit sakanya. Napalingon ang batang lalaki at hindi na nag dalawang isip na bumalik ulit para balikan ang kanyang kaibigan.
Patawid na sa pedestrian lane ang batang si hazelle ngunit napahinto sya ng makita nya ang sasakyang papalapit sakanya.
*toootuuuuuttt*
"PRIINNNCCCEEEEEESSSSSSSSS!!!"
Binalot ng isang malakas na salpok ng sasakyan ang lugar. Bumagsak sa sahig si hazelle at tumama ng malakas ang ulo nito sa sahig. Kumalat din ang maraming dugo nito.
Unti unting humihina ang kanyang panrinig habang lumalabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay.
Nakatulala lang sya sa kanyang kaibigan na ngayon ay umiiyak habang nakayakap sakanya hanggang sa tuluyan ng nandilim ang paningin nya.
Unti unting dinilat ng batang si hazelle ang mga mata nya. Halos isang buwan na syang naka confine sa hospital dahil sa aksidenteng nangyari sakanya na nakapag-pawala ng kanyang alaala.
Inilibot nya ang paningin nyang malabo hanggang sa unti unti na itong lumilinaw. Bumungad sakanya ang isang babaeng umiiyak habang katabi ang asawa nito at sa kaliwa nya naman ang isang batang lalaking umiiyak.
"Mama, gising na si hazelle!" Masaya at nangingiyak-ngiyak na sambit ni Mark.
"Baby hazelle.." may hikbi sa tono ng boses ng kanyang ina. "Mabuti nalang gising kana, anak ko." Mas lalo itong napaiyak habang hinihimas ang noo ng batang halos isang buwan ng tulog.
"S-sino p-po kayo?" Nagtatakang tanong ng bata.
"Princess, kami 'to ang pamilya mo." Nakangiti ngunit may halong pagtataka sa tono ng kanyang ama.
"P-pamilya?"
"Oo anak." Patuloy na umaagos ang mga luha ng kanyang ina dahil sinabi sakanila ng doctor na malaki ang posibiledad na mawala ang alaala ng pasyente dahil sa aksidente.
"P-pero bakit po hindi ko po kayo maalala?"
"Dahil naaksidente ka, prinsesa ko." Naluluhang sabi ng papa nya. "Malakas ang impact ng pagkakatama mo sa sahig kaya nawala ang mga alaala mo."
"G-ganon po ba? A-ano po ang p-pangalan ko?"
"Princess Hazelle Domingo." Sagot ng kanyang mama.
"K-kayo po? A-ano p-pong p-pangalan nyo?"
"Ako si Cindy Domingo, ang mama mo."
"Ako naman si Alejandro, anak ang papa mo."
Napalingon ang batang si hazelle sa kaliwa nya. "I-ikaw? S-sino ka?"
"Ako ang kuya Mark mo. Ako ang panganay sa ating dalawa kaya tatawagin mo akong kuya, okay?"
Unti unting napangiti si hazelle habang tumatango. "Kayo ang pamilya ko.."
"Oo, baby hazelle tama ka."
"Kami ang pamilya mo." Papa.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...