CHAPTER 32: Basketball

2.1K 65 0
                                    

KINABUKASAN . . . .


"Friendship excited na kong mag umpisa ang laban!" Kinikilig na sabi ni Jhadel. Black Shadow team at White Group team ang maglalaban-laban kaya excited ang mga friendships ko dahil kasali d'un sina Green at James.

"Omg sana manalo sila!" Sabi ni Sammy na kinikilig din katulad ni Jhadel. Sabay sabay naman silang napatingin sakin nang mapansing tahimik ako. "Hazelle hindi kaba excited sa laban ng bebe mo?"

Napabuntong hininga ako. "Syempre excited ako 'no sa katunayan kanina kopa iniisip ang mangyayari mamaya. Sana nga manalo sila e kaso iniisip ko si Zack.. Baka kasi nilalagnat pa rin sya." May halong lungkot sa boses ko.

"Hindi mopa ba sya nakikita simula kanina?" Tanong ni Jhadel nang makaupo kami sa loob ng gym. Marami na rin ang nasa loob ng gym at naghihintay ng mga players. Ang mga cheerleaders naman ay nasa unahan. Kasama d'un si Lesley, Yna at Pia pati na rin si Alice at marami pang iba.

Napailing ako. "Hindi pa e."

"Omooo baka hindi sya sasali?" Jhadel.

"Kung ganon sayang naman 'yung binake kong cookies para sakanya." Nakatungo kong sabi.

"Omg! Nag-bake ka ng cookies? Kailan kapa natutong mag-bake? Akala koba wala kang hilig sa pagbe-bake at pagluluto?" Sammy.

"Nagpatulong ako kay mama kanina 'no." Sagot ko.

Kanina kasi sa bahay habang hinihintay ko ang mga message nya naisipan kong magpatulong mag-bake ng cookies kay mama para sakanya. Kung sakali mang matalo o manalo sya atleast meron akong mabibigay sakanya. Nilagay ko sya sa baunan na red at nilagyan ito ng ribbon tapos nilagyan ko ng notes na Congratulations!

Sigurado akong magugustuhan nya 'to kapag binigay ko. Whaaaaah super excited na ko lalo na't first time ko palang mag-bake ng cookies pero worth it naman dahil sakanya ko ibibigay atsaka ang sarap kaya ng pagkaka-bake ko.

Sana talaga magustuhan nya!

"OMG andyan na sila!" Kinikilig na sabi ni Jhadel habang nakatingin sa mga taong kakapasok palang ng gym. Marami rin ang nagsigawan at nagtilian dahil sakanila.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita si Zack mula sa malayo.

Akala ko talaga hindi na sya dadating.

"Whaaaaahhhhh!!!"

"Go Zaaaacccckkk!"

"Fafa Zaaaacckkk!!"

"Ang gwapo ni Bryan!!"

"OMG! Akin ka na lang Bryaaannnn!!"

"Bakit ang gwapo gwapo ng Black Shadow? Ang unfair!"

"Whaaaaaahhhh!!"

Hindi ko maiwasang mapatakip sa dalawang tainga ko. Paano ba naman kasi hindi pa nag-uumpisa ang laban pero nagsisigawan na agad sila. Tsk!
Pumuntang boys locker ang mga Black Shadow pero agad rin namang bumalik sa gym. Nagpalit lang pala sila ng jersey. Kulay itim ang jersey nila at bagay pa sakanila. Mukha silang maangas tignan. Ang po-pogi talaga ng Black Shadow kasama na si kuya Mark kahit mukhang unggoy syempre ang pinaka-gwapo sa paningin ko ay si Zack.

Sa unahan ng jersey nila ay nakasulat ang Black Shadow na grupo nila habang sa likod naman ang apilyedo nila. Sa kalaban naman nila ay kulay puti 'yung jersey nila at nakasulat sa unahan ng jersey nila ay White Group.

Napabaling naman ang paningin ko kay Bryan. Ang gwapo nya rin! Ang angas nya lalo kapag naka-jersey, yung tipong tinitignan kopa lang alam kona agad na magaling sya, parang si Zack lang. Napansin ko namang naka-ayos at naka-gel ang buhok ni Zack. Ang gwapo talaga nya tapos may isang hikaw pa sa kaliwang tenga. Ang badboy look nya tignan!

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon