CHAPTER 1: Prince Charming

4.1K 120 1
                                    

10 years later



7pm na habang naglalakad ako pauwi saamin. Alas-kwatro talaga ng hapon ang uwian namin pero dahil may ginawa kaming project ng mga kaklase ko para sa report na gagawin namin sa tuesday ay napagabi ang uwi ko. Habang naglalakad ako nakaramdam ako na parang may sumusunod saakin, hindi ko maiwasan mapalingon mula sa likuran ko. Wala akong kasiguraduhan kung may sumusunod ba talaga saakin pero 'yun 'yung nase-sense ko.

Malayo pa naman ang bahay namin mula sa school lalo na kung lalakarin at nakakatakot 'din sa shortcut na dinadaanan ko ngayon dahil madilim at wala masyadong tao ang dumadaan.

Bigla nalang akong kinabahan pero tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad nang may makasalubong akong tatlong lalaki na halatang nakainom dahil may hawak pa ang isa sakanila ng bote ng alak.

"Hello ate." Sabi ng isa sakanila nang makalapit sila saakin.

Biglang nanaas ang mga balahibo ko.

Nakakatakot sila. Mukha silang may binabalak na masama.

"Batang bata." Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Parang takam na takam silang tignan ako.

Pinilit kong lakasan ang loob ko. Mag-lalakad na sana ko kaso hinarangan nila ko.

"Bago ka umuwi paligayahin mo muna kami," nakangiti at malademonyong sabi ng lalaking may hawak ng bote sakanila.

"Pwede ba padaanin ninyo ko!" Malakas na sigaw ko sakanila.

"Saglit lang naman e, wag kang madamot!" Sagot naman ng lalaking payat.

"Tara na sumama kana samin," hinawakan ako sa braso ng isa sakanila pero agad akong nagpumiglas.

"Ano ba bitawan mo ko! T-tulong!"

"Walang makakarinig sayo dito kaya sumama kana lang samin!" Bigla nila kong hinawakan sa braso. Pinilit kong magpumiglas pero masyado silang malakas kumpara saking nag iisa na babae.

Pinilit nila kong hilain at dinala sa isang madilim na damuhan.

"Bitawan nyo ko! Please maawa po kayo sakin!" Nagmamakaawa habang umiiyak kong sabi pero para silang walang naririnig. "TULONG!"

Sabay sabay nila kong tinulak kaya napaupo ako sa damuhan. Hindi kona rin maiwasang umiyak dahil sa takot.

"WHAAAAAAH! TULONG!" Pinilit kong sumigaw ng malakas habang umiiyak pero nagulat nalang ako nang bigla akong sinampal ng isa sakanila.

"Manahimik ka! Papaligayahin mo lang naman kami ang ingay ingay mo!" Sabi ng payat habang galit na galit.

Pinilit nila kong ihiga sa damuhan.

Hinipuan nila ko sa hita ko at sa braso ko pataas.

Wala akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak ng umiyak.

Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil hindi ako makapaniwalang may mangyayaring masama saakin, ang mas masakit pa dito ay tatlo pa sila.

"Mama! Papa! Kuya Mark! Please.. tulungan nyo ko!"

"Sa wakas makakatikim na rin tayo ng dalaga!" Malademonyo nilang sabi.

Napahagulgol ako.

"Ang ba-baboy nyo!" Sigaw ko habang humahagulgol.

Tatanggalin na sana ng isa sakanila 'yung damit ko kaso napahinto sila nang bigla kaming nakarinig ng isang tunog na boteng inihagis sa lapag kaya ito ay nabasag.

Iniangat ko ang ulo ko.

May nakatayong tao mula sa hindi kalayuan. Nakasuot sya ng hoodie.

Dahan dahan nyang inihakbang ang mga paa nya papalapit saamin.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon