HAZELLE's point of view
Pagkagising ko presensya ni Zack agad ang hinanap ko. Akala ko kasi sa pagmulat ng mga mata ko ay sya agad ang makikita ko pero mali 'yung ineexpect ko. Walang message o tawag man lang nya sa phone ko.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.
Nabasa kaya sya ng ulan kahapon dahil sakin?
Ayos lang kaya ang lagay nya?
Ano na kayang ginagawa nya?
Kumain na kaya sya?
"Haaaaiiiiiissshhhhh! Hazelle ano ba!" Ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis kasi!
Bakit ba masyado akong baliw sakanya?!
"Tawagan ko kaya sya?" Dali dali kong kinuha 'yung phone ko at kinontact sya pero pisti wala nga pala akong load! "Aiiiisssshhh!"
Dali dali akong tumakbo palabas ng bahay at agad na nagpaload sa tindahan. Nang magsend ang load sakin ay agad kong tinawagan ang number ni Zack.
Riiinnnggg Rinnnggggg Ringgggg
Hinintay ko lang na sagutin nya ang tawag ko pero walang sumagot. Siguro naka 10 missed call na ko sakanya pero hindi nya pa rin ito sinasagot.
Hindi ko tuloy maiwasang mainis.
"Bakit ba hindi mo sinasagot? Hays."
Bumalik nalang ako sa bahay at naligo na upang pumasok. Nang matapos akong mag-gayak at kumain ay agad naman akong nagpaalam na papasok na.
Teka asan naba si kuya Mark?
Aish!
As usual maaga na namang pumapasok. Tama siguro 'yung hinala ko.
Sila na ni Yna!
Tumayo muna ko sa harap ng gate namin. Nagbabakasakali kasi akong pupunta si Zack pero kahit anong tayo at lingon ko sa paligid ay walang Zack ang nagpakita sakin.
Muli kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Zack. Mabuti nalang sinagot nya na ito.
"Ija?"
Ineexpect kong boses ni Zack ang sasagot pero mukhang hindi.
"Hazelle, ija? Ikaw ba iyan?"
Teka familiar 'yung boses na 'yun ah.
"Manang Tisay?"
"Ikaw nga!"
"Hello po. Kamusta po?"
"Eto maganda pa rin namang manang."
"Ay hehehe tama po kayo. Sya nga po pala bakit ikaw po 'yung may hawak ng phone ni Zack?"
"Ganto kasi 'yun ija, kakapunta ko palang dito sa kwarto nya para pakainin sya pero hindi nya kayang bumangon. Gusto nya lang daw muna matulog kasi wala syang ganang kumain."
Dahil sa sinabi ni manang Tisay ay hindi ko maiwasang magtaka.
"Bakit po? A-ano po bang nangyari sakanya?"
"Ija 'yung alaga ko kasi ang taas ng lagnat. Naulanan kasi kahapon e, sakitin din talaga 'to. Konting ambon lang lalagnatin agad."
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Fiksi RemajaLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...