CHAPTER 5: Friendships

3K 93 0
                                    

HAZELLE's point of view




Pag-uwi namin sa bahay ni kuya Mark ay agad rin naman kaming kumain. Pagtapos na pagtapos naming kumain ay umalis sya para mag-basketball habang ako ay nakaupo lang sa sala at nakatulala na parang tanga.

"Baby hazelle anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?" Naramdaman kong tumabi si mama Cindy sa sofa kung saan ako nakaupo.

"Ma? Bakit ganon?" Naiiyak kong tanong habang nakatulala pa rin.

"Huh? Ano 'yun anak?"

"Ano po bang ibig sabihin kapag hinalikan ka ng isang lalaki?"

"Ibig sabihin may gusto 'yung lalaki 'dun sa taong hinalikan nya. Bakit mo pala natanong anak?" May halong pagtataka sa boses ni mama.

Bigla akong natauhan sa sinabi ni mama.

Ibig bang sabihin may gusto sakin si Zack? Hinalikan ako ni Zack dahil gusto nya ko?!

O___O

"Baby hazelle ayos ka lang?"

"Ma may nagnakaw po ng first kiss ko, huhuhu!"

Biglang nanlaki ang mga mata ni mama. Para syang nakakita ng multo dahil sa sinabi ko.

Magsasalita na sana sya kaso biglang may sumingit.

"ANO?!" Sabay kaming napatingin ni mama sa taong kakapasok lang ng bahay. "Sinong gagong lalake ang nag nakaw ng first kiss mo huh?! Ano sabihin mo sakin bubugbugin ko!" Malakas na sambit ni kuya Mark. Galit na galit sya.

Bigla akong napatakip ng bibig ko.

Whaaaah nadulas ako 'dun ah!

"J-joke lang 'yun. W-wala namang mag-tatangkang humalik sakin diba?" Kabado kong sabi. Natatakot ako na baka bugbugin ni kuya Mark si Zack ng dahil sakin.

"Wag mo ngang pagtakpan 'yung taong 'yun! Bukas na bukas damulag puntahan mo ko kapag breaktime sa kabilang building bubugbugin ko yun!"

"Pero kuya Mark naman!"

"Walang pero-pero!" Bigla na syang umakyat ng kwarto nya.

Napahawak nalang ako sa noo ko. Bakiy kopa kasi sinabi! Ang tanga mo talaga kahit kailangan, hazelle argghh!

"Anak totoo bang may humalik sayo?" Seryosong tanong ni mama kaya kinakabahan ako.

Dahan dahan akong tumango habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni mama Cindy ngayon pero natatakot talaga ko dahil baka pagalitan at sampalin nya ko.

Whaaaaaaah!

"Talaga anak? Anong itsura? Gwapo ba?!" Laking ngiti nitong tanong. Ikinagulat ko ang naging reaction nya.

Akala kopa naman magagalit si mama.

"Magkaka-boyfriend naba ang baby hazelle namin na 'yan?" Nakangiti pa rin si mama.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Mama naman e!" Umarte akong umiiyak.

"Oh bakit sad ka naman baby hazelle? Hindi kaba masaya na may nag-tangkang humalik sayo?" Nang aasar na tanong ni mama.

"Mama naman anong tingin mo sakin sobrang pangit?! Huhuhu."

"Hahaha biro lang anak."

"Manang mana talaga sayo si kuya Mark e 'no!"

"Baby hazelle baka may gusto sya sayo?"

"Wala po ah! Ang sama sama nga ng ugali 'nun e!"

"Huh? Sino ba sya baby hazelle?"

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon